SHOT40: His Charismatic Intent

197 7 0
                                    

Hello! As what I had been saying, may dahilan po ang lahat ng nangyayari sa CMH. I was only like planting hidden bombs at balak ko itong pasabugin sa mga susunod na SHOTS. Sana walang haters after this chapter. TY! {{neko hiraite}}

SHOT 40: His Charismatic Intent

ALTO'S POV

I was having my peaceful breakfast. Lutang parin ako simula kagabi, like my mind was fluttering in the air. Hindi parin kumukupas sa isipan ko ang mga nangyari, na in fact, ayoko ring makalimutan. Masarap sa pakiramdam na titigan siya, pati yung pakiramdam ng kamay niya sa sarili kong kamay, pati narin ang—

"Oy Alto. Parang wala kang pasok ah." Bumalik ako sa totoong mundo nang marinig ko ang tawag ng kapatid ko. Lumapit siya at umupo sa silya na katapat ng sakin. Mapaglaro ang ngiting namumutawi sa kanyang mukha habang pinagmamasdan akong nakasandal sa aking upuan, na kanina lamang ay nakatingala sa ceiling.

"Akala ko wala kang pasok, Sofia." Umayos ako ng aking upo at humigop mula sa aking tasa. Lumamig na yung kape ko sa tagal kong nakatunganga.

"Sofia ...," binigyan niya ako ng masamang tingin. "Sophie nga kasi! Ang kulit mo rin no, Alto?" reklamo niya. She sighed, seeing me stand up and go to the sink with my cup. "Wala nga akong pasok. Pero pupuntahan kita mamaya sa office mo!" she proudly announced.

Lumingon akong muli sa kanya ng may kunot sa noo. Hindi ako makapaniwala sa sinaad niya. "Bakit?"

Her smile widened. "Gusto kong makilala si Cynth! Ayiieee!!! Nakakaintriga kasi eh, Alto. Malay mo siya na pala ang magiging sister-in-law ko! Nakaka-excite!" she waggled while seating at the chair. "Grabe talaga. Gustung-gusto ko na siyang makilala!"

Sister-in-law. Gusto kong ngumiti sa sinabi niya pero pinigilan kong ipahalata. I put up a straight face. "Hindi pwede, Sofia. Dito ka nalang sa bahay. Ayoko ng bisita sa office," madiin kong hayag.

"Alto naman! Hayaan mo na kasi ako. Ngayon lang kita nakitang ganyan kaseryoso sa isang babae. And I'm sure ... hindi siya kagaya nung si Eula."

I sighed heavily at her name. "You're right. She's definitely far from her. Malayo talaga."

I went on with my normal routine. Friday ngayon. Pareho kaming may pasok ni Cynth kaya dinaanan ko siya ulit. I also gave her something from last night.

CYNTHIA'S POV

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng aming opisina. Ang tagal ko ring nawalay dito. Na-miss ko talaga ang lahat.

Then I went in. Si senior ang una kong napansin.

"Welcome back, Cynthia," bati niya agad habang pumapasok ako.

Isinarado ko ang pinto. "Thanks! Morning, senior," nakangiti kong bati. I glanced at Vince at binati ko rin siya. Si Denise naman, hindi pa siya dumadating.

I travelled to my desk. At nanlaki ang mata ko nang mapansin ko ang konting pagbabago. "Whoa! Astig! Tig-iisa na tayo ng computer?" masayang bulalas ko.

"Haha. Oo Cynthia. Apat na ang computer at hindi dalawa lang. Dumating iyan nung wala ka," paliwanag ni Carl.

I enthusiastically nodded. Agad kong binuksan ito at kinalikot.

Eventually, bumukas ang pinto ng office at pumasok si Denise. Maganda ang aura niya ngayon and she's back in her trademark red lip stick. "Morning, Denise!" bati ko.

Natigilan siya at napatingin sakin. Mukhang hindi niya inasahan na nandito na ako ulit. "Ah ... morning." Surprisingly, hindi rin paismid ang sagot niya sakin.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon