Simula

593 35 10
                                    

Typical Hearts Series: From the series name itself -- typical. A series full of romance clichés. Stories that will mostly talk about family, relationship struggles, career, and second chances.

Hushed Raindrops will have a "Boss x Secretary" concept. It's cliché, I know, but I still wanna write something like this. Kung ayaw po ng mga cliché na ganaps o concept, huwag pong basahin ito. Kung gusto pa ring basahin, huwag pong magrereklamo while reading na cliché ang story kasi nga sinasabi ko na rito ngayon pa lang hahahaha! Magpapaulit-ulit lang tayo if ever, ano. I write what I want and I don't care if it's a cliché trope for others and even for myself.

---------------

Kung may kakayahan lang siguro akong pabilisin ang mga bagay-bagay sa mundo, matagal ko na sigurong ginawa. Aba e kanina pa kasi ako rito. Hanggang ngayon, hindi matapos-tapos ang trial ng boss ko.

Anong oras na, hello? Your Honor, baka puwedeng awat na ho? May next hearing pa naman!

"No more further questions, Your Honor," saad ng boss ko.

Muli kong napakatitigan ang pagkagandang lalaki sa harap ko -- na fortunately ay boss ko. Tutok na tutok siya sa kaniyang laptop habang may suot na earbuds sa tainga. They were having a trial through video conference. The judge was currently sick, so instead of postponing the trial, she just decided to do it online. Puwede naman 'yon e.

Assistant City Prosecutor Almadeo Justice Torevilla looked dashingly good in his light blue button down shirt and black coat. His hair was in a clean cut just like how it always used to be. His eye glasses just added more charisma and formality in his appearance.

Isa siya sa mga bata-bata pang public prosecutor dito sa Prosecutor's Office ng city namin. Thirty-four years old lang kasi siya. Iyong iba ay mga nasa late thirties na at may mga malapit na ring mag-senior. Siya rin ang pinaka-pogi. Paano, matangkad, maganda ang hubog ng katawan, at katamtaman lang ang kulay ng balat.

5'11 yata ang height nito ni Prosec kaya sa tuwing magtatabi kami, siguro isang tulak niya lang sa akin, talsik ako. Ikumpara mo naman ang height niya sa height kong 5'2! Anyway, sobrang pogi niya! Hindi sa pagiging exaggerated pero totoo naman kasi. Medyo makapal ang itim na itim niyang mga kilay ngunit maganda naman ang hubog.

His eyes were in a dark brown. It was a bit hooded and drowsy most of the time. Though malambot siya kung tumingin. Iyon bang parang magtitiwala ka agad sa kaniya kasi ang bait niyang tumingin at para bang hindi ka gagawan ng masama. Napaka-soft!

Ang cute din ng nose niya. Hindi sobrang tangos at hindi rin pango. Sobrang sakto lang kasi ang baby ng features niya. Iyong lips niya, natural na mapula at may pagka-heart shape. May pagka-baby face talaga siya kaya aakalaing mas bata siya sa edad niya. Kung hindi lang siguro sa height niya at sa matipunong katawan, baka pagkamalan lang siyang twenty years old.

Kaya hindi ko rin talaga masisisi 'yong ibang mga kaopisina ko rito na pinapangarap na maging boss siya. Kasi saan ka pa? Pogi na nga at mabait, magaling pa sa trabaho! Prosec Deo was really a dream for every secretary in this office. He was truly one of a kind.

Well, sorry, he's mine. Charot! 'Di, he's mine naman talaga as a boss. Siya ang boss ko, ako ang sekretarya niya. Kailan kaya 'yong time na matatawag ko siyang "mine", as in boyfriend or husband. Eme! Ano ba 'yan, kung ano-anong kagagahan na naman ang pinag-iiisip ko. Kaya ako nasasabihan ni Prosec na lutang minsan e.

"Gwenny? Gwenny!"

"Ay, opo! Ano 'yon? Opo." Kaagad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa silya sa harap ng table niya.

Mabilis na nagdikit ang mga kilay ni Prosec nang makita ang pagkakataranta ko. May sinasabi ba siya? Takte, 'yan na nga ba ang sinasabi ko! Kung saan-saan talaga lumilipad ang utak ko sa tuwing napag-iisa kami nitong si Prosec. "Imagination ang limit" 'yarn, Gwen?

Hushed Raindrops (Typical Hearts #3)Where stories live. Discover now