Kabanata 6

155 11 3
                                    


I exhaled a deep sigh of relief after I saved the file I was working on the whole afternoon. Napatingin ako sa relo ko at nakitang ten minutes na lang ay five pm na, uwian na.

Hay, finally!

Grabe 'yung pagod ko ngayong araw na 'to, pang Biyernes na! Pakiramdam ko nagtrabaho ako nang buong isang linngo. E Wednesday pa lang ngayon.

Kumuha lang ako ng tubig sa pantry at uminom. Nadaanan ko ang puwesto ni Prosec Deo at maayos naman niyang iniwan ang table niya -- hindi ko na kailangang ayusin pa. Medyo maaga siyang umuwi ngayon dahil bibisitahin daw nila ni Emery ang parents niya.

Pagbalik ko sa table ko ay agad na akong nag-ayos ng gamit ko at naghintay na lang ng alas singko para makauwi na. Habang nagse-cellphone ako ay bahagya akong napatalon sa gulat nang lumitaw sa screen ang pangalan ni Prosec Deo sa Messenger.

Nagre-request ng video call!

I immediately checked my face in the mirror and fixed my hair. I didn't know why he was calling me through video chat because we haven't done vidoe-chatting yet. Palaging through call and text lang.

Well, whatever. Baka naman about sa trabaho ang pakay niya--ay malamang! Ano bang ine-expect ko? About naman talaga sa trabaho palagi ang pinag-uusapan namin!

Nang masiguro kong maganda talaga ako at maayos ang itsura, 'tsaka ko lamang sinagot ang video call. Bumungad sa akin ang matatambok na pisngi ni Emery. I giggled as I saw her cuteness. Nakakandong siya sa daddy niya at inaalalayan siya nitong hawakan ang cellphone.

I saw Prosec Deo behind her also looking down at the screen.

"Mimi Gweeeen!" Emery's high pitched tiny voice surrounded the office.

Hininaan ko nang kaunti ang volume ng cellphone ko para hindi gaanong marinig ng mga kaopisina ko ang kausap ko sa screen.

"Hi, baby!" bati ko pabalik at tumingin din ako sa boss ko. "Hello, Prosec."

Ngumiti si Prosec at nag-wave sa akin. "Hi, Gwenny. Emery wants to see and talk to you. Mangungulit lang." Maikli siyang natawa. "Sorry sa abala."

Umiling ako at ngumiti. "No problem, Prosec. I'm happy to see Emery naman po."

"Mimi, punta ikaw dito po," hindi na yata nakatiis si Emery at sumingit na.

I chuckled. "Where are you?"

"I'm with grannies! I told them that I have a mimi and that is you. They wanna meet you."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi naiwasang matawa. I caught Prosec Deo hiding an amused smile.

"Really? Next time, then." Iyon na lamang ang sinabi ko kahit mukhang malabo namang mangyari 'yon.

"Yehey! I also told them you're daddy's gurfwend."

Nalaglag ang panga ko. Emery giggled as her cheeks were getting red. Napatingin ako kay Prosec at mukhang nahiya siya sa sinabi ng anak. Itinago niya ang mukha niya sa likod ni Emery.

"Oh, no . . ." I uttered. "Baby, that's not true. I take care of your daddy only in the office. We're not boyfriend and g-girlfriend."

Talaga itong batang 'to. Ang kulit-kulit. Naiintindihan ko naman dahil syempre, bata at madaldal. Ang lawak din ng imagination kaya mahilig mag-imbento. Ganoon naman talaga ang ibang mga bata. Kaya lang, ako naman ang nahihiya sa tatay niya. Feel ko wala na akong mukhang maihaharap dahil sa pagshi-ship sa amin ng anak niya.

"Mimi Gwenny is right, Emery." Umahon din ang mukha ni Prosec Deo mula sa likod ng anak at marahang ibinaling ang mukha nito paharap sa kaniya. "Don't tell people those things, okay? That's not nice because it's not true."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hushed Raindrops (Typical Hearts #3)Where stories live. Discover now