Kabanata 3

148 16 1
                                    


"Gwenny, pasensya na talaga sa abala. Emergency lang," salubong sa akin ni Prosec Deo pagkarating ko sa condo nila.

"Okay lang po, Prosec. Weekend naman din po bukas kaya ayos lang kung gabihin man po ako."

"I'm glad you got here safe. Don't worry, pipilitin kong makauwi agad mamaya para makauwi ka agad sa inyo. I'll book you a Grab again."

Isinara niya ang pinto ng condo unit niya nang tuluyan akong makapasok. First time kong makapunta ng condo niya kaya pagkapasok na pagkapasok ko ay inilibot ko agad ang mga mata ko sa loob. It was huge and very spacious. I was welcomed by the living room with its light brown couches, coffee table, and LED TV.

Nang mas makalakad pa papasok ay doon ko nakita ang dining area na may kulay brown ding lamesa at anim na upuan. Ilang hakbang mula rito ay ang kitchen. Kulay light beige ang pintura ng buong unit at napaka-organize ng lahat ng gamit. Ang ayos-ayos tingnan at para bang napakakomportableng tirhan.

The unit is almost on one of the top floors of the building that's why the floor-to-ceiling window near the living room looked fascinating. I could clearly see the city lights and skyscrapers from where I was standing.

"Mimi Gwen!!!"

Napalingon ako sa tumatakbong si Emery. She looked so cute with her little pajamas and pigtails. Her chubby cheeks were naturally reddish that's why it was the first thing that caught my attention. Her cute little teeth were showing as she was smiling widely at me.

"Hi, baby Emery!" bati ko sa masiglang tono sabay luhod ng isang tuhod upang masalubong ang yakap niya.

Kapit na kapit agad siya sa akin at kulang na lang ay lumambitin sa leeg ko.

"Ang bango-bango naman ng baby na 'to! Ang sweet-sweet pa!" Pinupog ko siya ng halik sa pisngi.

"I missed you, Mimi!!"

Parang gusto pa yata niyang magpabuhat dahil bumuwelo siya't akmang isasampa ang mga binti sa baywang ko. Muntik tuloy akong matumba at mapaupo. Prosec Deo was quick to hold my back to stop me from falling. He was right behind me.

"Baby, careful. Mimi Gwenny will lose balance," aniya sa anak.

Agad namang ibinaba ni Emery ang mga binti ngunit hindi nawala ang pagkakayakap sa akin. Nang tumayo ako ay nanatili pa rin itong nakayakap sa binti ko. Nang lingunin ko si Prosec ay naabutan ko siyang nangingiti nang bahagya habang nakatingin sa anak.

Ilang sandali ay nag-angat siya ng tingin sa akin at bumuntonghininga. Bumalik ang pag-aalala at bahagyang lungkot sa mga mata niya.

"Ikaw na munang bahala rito, Gwenny. Madali namang patulugin si Emery, huwag kang mag-alala. Uuwi rin ako agad."

Nakakaintindi akong ngumiti at tumango. "Ingat po kayo. Ipagpe-pray ko po 'yung dad n'yo."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. "Salamat."

Nang makapagpaalam siya kay Emery ay dali-dali na rin siyang umalis. Hindi niya sinabing sa ospital siya pupunta dahil nga ayaw niyang mag-alala at malungkot ang bata. Emery continued playing with her toys in the living room while I toured myself in the whole unit.

Hindi ko masabi kung anong type bang unit ito pero malaki ito. Malaki ang espasyo ng sala. Dalawang couch ang naroon, isang mahaba at isang kalahati lang. Ang ganda rin ng ayos sa kitchen at tamang-tama ang laki ng six-seater dining table. Naglakad pa ako at huminto sa maikling pasilyo at doon nakita ang tatlong pinto.

Mukhang 3-bedroom type itong unit kaya pala malaki rin. Iyong isang pinto na nakita ko malapit sa dining ay common bathroom siguro. Saan kaya ang kuwarto ni Emery? Para alam ko kung saan ko siya dadalhin mamaya.

Pansin kong may mga halamang display sa iba't ibang sulok. Ang refreshing at very homey tuloy tingnan ng buong paligid. Ang peaceful.

"Mimi, I'm sleepy. I think it's bedtime already."

Napalingon ako kay Emery sa sala at naabutan siyang nakahilata na sa mabalahibo nilang carpet doon. Agad akong lumapit sa kaniya. Nagtaas ako ng tingin sa kapansin-pansin at malaking portrait nila ni Prosec Deo na nakasabit sa pader ng living room. They both looked so adorable in the portrait. Emery's eyes were almost chunky because it seemed like she was laughing when the photo was taken.

Karga-karga siya ni Prosec na bahagya ring nakatawa. Kitang-kita ang lahat ng pagkakapareho nila kaya nakakatuwang pagmasdan.

Umupo ako sa carpet sa tabi ni Emery. Napipikit na siya at halatang inaantok na nga. Napangiti ako at marahang hinaplos ang matambok niyang pisngi.

"Let's go to your room, baby? So you can finally sleep properly."

Muli siyang dumilat at tumango. Inalalayan ko siyang tumayo at saka siya nagpakarga. Itinanong ko kung nasaan ang kuwarto niya at nang ituro niya ang unang pinto sa maikling pasilyo na pinanggalingan ko kanina, binuksan ko ito at pumasok na sa loob.

Her room looked so cute and very girly. The walls were painted pastel yellow and most stuff around were in pastel pink. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama niya na may bedsheet na Hello Kitty.

"Sleep here, too, Mimi."

Napangiti ako. "I can't, Emery. Your dad just asked me to watch over you. When he comes back, I'll go home."

She pouted. Her eyes looked sad. "I wish you're here everyday. On my next birthday, that's gonna be my wish."

Natawa ako nang maikli at mahinang kinurot ang pisngi niya. Ito talagang batang 'to. Imposible naman 'yung wish niya. Gusto ko sanang sabihin iyon kaso baka malungkot lang siya lalo.

Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula ang pagiging malapit sa akin ni Emery. Basta ang alam ko, noong maging sekretarya ako ng daddy niya at noong madalas siyang dalhin sa office dahil walang magbabantay, ako ang nag-aalaga sa kaniya kahit nagtatrababo rin. Minsan kasi ay nasa hearing si Prosec kaya sa akin iniiwan si Emery.

Nando'n lang din siya sa table ko every time at pinapaupo ko sa isa sa mga sobrang monoblock sa office. Kapag medyo busy ako ay hindi naman ito nangungulit. Nagdo-drawing lang ng kung ano-ano sa papel na ibinibigay ko sa kaniya.

'Tapos isang araw, basta niya na lang akong tinawag na "Mimi". Bulol-bulol pa kasi siya kaya nagtunog Mimi 'yung dapat ay Mommy. Hinayaan ko na lang kasi naisip ko, walang tumatayong mommy sa kaniya at baka gusto niya nang may natatawag na gano'n. Siguro nakita niya kung paano ko siya alagaan sa tuwing nandoon siya sa office kaya nagmukha akong mother figure sa kaniya.

Nang sa wakas ay makita ko siyang mahimbing na mahimbing na ang tulog, dahan-dahan ko siyang kinumutan at pinatakan ng halik sa pisngi bago ako lumabas ng kaniyang kuwarto. Bumalik ako sa sala at doon muna naglagi.

Mag-aalas-onse na ng gabi at medyo inaantok na ako. Nakailang hikab na ako pero hindi pa rin bumabalik si Prosec. Tiningnan ko pa ang cellphone ko at baka may text siya pero wala.

Isinandal ko na muna ang ulo ko sa backrest ng sofa. Siguro'y iidlip muna ako. Magigising naman siguro ako kapag nandyan na si Prosec o kung hindi man ako magising sa pagdating niya, gigisingin naman siguro niya ako para makauwi na ako. Tama. Iidlip muna ako kasi antok na antok na talaga ako. Hindi ko na kayang labanan.

Bahagya akong naalimpungatan nang maramdamang parang umangat ako mula sa kinaroroonan na tila may bumuhat sa akin. Ngunit dahil sa sobra sigurong lalim na ng tulog, hindi ko na naituloy ang pagmulat ng mga mata.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hushed Raindrops (Typical Hearts #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ