Kabanata 4

134 17 0
                                    


The very first thing that welcomed my eyes the next morning was the tall grey curtains and glass door leading to a small balcony. Kumunot ang noo ko sa kalituhan. How the hell did I get a balcony in my room?

Nag-inat ako at kinusot ang mga mata. Tinapik-tapik ko na rin ang pisngi ko para tuluyan nang magising dahil mukhang nananaginip pa ako. May balkonahe na raw ang apartment ko? Pa'no nangyari 'yon e ang liit-liit na nga ng apartment ko.

Nang unti-unting luminaw ang paningin ko, klaro kong nakita ang picture frame na nakapatong sa bedside table ng kamang kinahihigaan ko. Picture nina Prosec Deo at Emery!

Napabalikwas ako ng bangon at agad na inilibot ang mga mata sa kabuoan ng kuwarto. Sakto lang ang laki nito, kulay beige ang mga pader, at kapansin-pansin ang mga gamit-panlalaki. There was a working table beside the balcony and there stood a desktop computer above it. Sa upuan nito ay may nakasabit pang kulay blue na boxers!

Malapit sa pinto ay may stand rack na may mga nakasabit na coat at mga jacket na panlalaki. Shit! Naaalala ko kagabi, ang sabi ko ay iidlip lang ako hanggang sa dumating si Prosec. Hindi ba ako nagising? Hindi ko namalayan ang pagdating niya? 'Tsaka bakit ako nandito sa kuwarto? Mukhang kuwarto ito ni Prosec. Paano ako napunta rito e ang natatandaan ko ay doon ako nakatulog sa couch sa sala!

Nagbaba ako ng tingin sa katawan ko. My clothes were still intact on my body. Of course! Anong akala mo, Gwen, huhubaran ka ni Prosec Deo? Siraulo ka ba?

Dali-dali akong bumaba ng kama at sinuklay-suklay ang buhok ko. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pinto ng kuwarto upang lumabas. Patingkayad akong naglakad patungong living room at natigilan nang makita kong natutulog si Prosec sa couch.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa aking bibig. Hala, diyan ba siya natulog? Kaya ba ako ang nandoon sa kuwarto niya? Nakakahiya! Ano ba naman itong boss ko. Puwedeng-puwede naman akong matulog sa couch! Namamaluktot tuloy siya roon dahil hindi siya kasya sa laki niya. 

Umatras ako at kasamaang palad ay nahagip ng binti ko ang remote control ng TV na nakabingit sa gilid ng mababang coffee table. Nalaglag ito sa marmol na sahig na agad naglikha ng ingay.

Hindi pa nagpa-process sa akin ang gulat at pagkakataranta sa nalaglag na remote ay muli akong napabalik ng tingin kay Prosec nang marinig ko siyang umungol nang mahina. Ilang sandali ay dahan-dahang bumukas ang mga mata niya at ako agad ang unang nabungaran.

Mabilis akong napatuwid ng tayo at awkward na napangiti. "H-hi, Prosec. Good morning po."

Napakurap-kurap siya at agad na umupo mula sa pagkakahiga. He seemed to panic a little and didn't know what to do first.

"G-Gwenny. Hi. Uh, good morning." Hinilamos niya ang mga palad niya sa kaniyang mukha at sinuklay-suklay ang buhok.

Hindi pa siya makatingin sa akin. Baka inaantok pa?

"Sorry, ngayon lang ako nagising. What time is it?" tanong niya at tuluyan nang tumayo.

"Seven-fifteen po."

Tumango siya, hindi pa rin makatingin nang diretso sa akin. "I'll just go to the bathroom. Wait lang, ha."

Ngumiti naman ako at tumango. Daig niya pa si Flash nang mawala sa paningin ko. Nakapasok na pala sa kuwarto niya. Muli akong napatingin sa couch na tinulugan niya. Mariin akong napapikit.

My God! Nakakahiya talaga kay Prosec na ako ang natulog sa malambot at malaki niyang kama samantalang siya ay pinagkasya ang sarili sa couch.

Bumuntonghininga ako at pinili na lamang ayusin ang couch. Tiniklop ko nang maayos ang kumot na ginamit niya at inayos ang mga unan. Nang matapos ako ay balak ko sanang puntahan si Emery sa kuwarto nito ngunit lumabas na rin si Prosec sa kuwarto niya.

Hushed Raindrops (Typical Hearts #3)Where stories live. Discover now