Kabanata 1

164 13 7
                                    


"Hi, good morning!"

Kasalukuyan akong nagsusuklay dahil kararating ko lang sa office nang biglang pumasok si Prosec Deo sa office area naming mga secretary.

As usual, para na naman siyang nangangandidatong politiko kung makabati ng good morning sa aming lahat. With matching kaway-kaway pa 'yan. Ganito siya palagi. He was friendly and very approachable.

Sa tuwing may nakakasalubong siyang staff rito, ngumingiti at bumabati siya. Hindi ka matatakot na lapitan siya kasi sobrang bait at lambing niyang kausap. Parang hindi marunong manigaw o magalit.

Though kapag naka-Prosecutor Almadeo Torevilla mode siya, super seryoso at intimidating. Minsan nakakapagsungit at napapagalitan niya 'yong mga complainant at respondent kapag pasaway.

Pero kapag kilala niya o malapit na tao sa kaniya ang kausap niya, never siyang nagalit. Katulad sa 'kin. Isang taon ko na siyang boss pero never niya akong binulyawan o kahit nagpakita man lang ng inis.

Agad akong tumigil sa pagsusuklay nang makitang papalapit na siya sa table ko. Walang cubi-cubicle ang mga secretary pero sari-sarili kami ng table dito sa office.

"Good morning, Gwenny!" He sweetly smiled at me.

I suppressed my chuckle when I heard him call me that way again. Everybody was calling me Gwen, but he was the only one calling me Gwenny. Medyo kilig ako do'n dahil feel ko parang ang special ko sa kaniya dahil may sarili pa siyang tawag sa akin.

Pero syempre, hindi puwedeng mag-feeling special. Sino ka naman d'yan, Gwen? Jowa ka ba?

I smiled back. "Good morning, Prosec."

Sinundan ko ng tingin ang inilapag niyang grande size mocha frappe sa table ko. Muli akong tumingin sa kaniya.

"Nag-abala ka na naman," saad ko.

Halos araw-araw yata sa tuwing papasok siya ay dinadalhan niya ako ng kape. Ang hilig niya kasing bumili ng breakfast sa mga mamahaling coffee shop kaya idinadamay niya na rin ako. Nahihiya na nga ako e. Kaso sa araw-araw ba naman, parang ako na lang din 'yong napapagod kasasabi sa kaniya na huwag na siyang mag-abala at huwag na akong bilhan dahil hindi rin naman siya nakikinig.

"It's fine," tugon niya. "Nag-breakfast ka na ba?"

Mabilis akong tumango dahil alam kong matagalan lang ako ng ilang segundo na hindi nakakasagot, paniguradong ite-take niya na agad 'yon as "no" at io-order na agad ako ng pagkain sa mamahaling restaurant.

Minsan gusto kong bigyan ng malisya ang lahat ng ipinapakita niya ngunit alam kong mabait kasi talaga siya sa lahat kaya ang hirap mag-isip na baka may ibang kahulugan iyon. Ang hirap mag-assume at umasa.

"Tapos na po. Kumain na ako sa bahay."

Bahagya niya akong pinaningkitan ng mga mata. "Sigurado ka?"

"Opo!" napalakas tuloy ang pagkakasabi ko dahil gusto kong maniwala na siya. Ang kulit niya e.

Nagpigil siya ng ngiti at saka lamang tumango. "Alright."

Sinundan ko ng tingin ang folder na inilapag niya sa table ko. As usual, record na naman ng isang kaso. Binuklat ko ito.

"May s-in-end akong resolution sa email mo. Paki-print tapos pakigawan ng info. Ha?" aniya.

Agad akong tumango. "Okay po, Prosec."

Nang bumalik ang tingin ko sa kaniya ay naabutan ko siyang titig na titig na naman sa mga mata ko. Nagpapalipat-lipat pa ng tingin sa magkabilaan kong mata. Ewan ko kung ako lang pero kapag tumititig kasi siya, para siyang palaging namamangha sa mga mata ko. Ngayon lang ba nakakita 'tong si Prosec ng dark grey na mga mata?

Hushed Raindrops (Typical Hearts #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن