Kabanata 5

119 13 2
                                    


"May magpapa-oath na po ulit, Prosec," tawag ko kay Prosec Deo pagpunta ko sa cubicle niya.

Kasalukuyan siyang nagta-type sa kaniyang laptop at mukhang abala. Ayaw ko man siyang istobohin ay wala akong magagawa dahil oath duty siya ngayong umaga hanggang mamayang alas dose.

Siya ang naka-duty na mag-administer ng oath o panunumpa sa mga nagsasampa ng kaso kaya kahit busy ay kailangan niya pa rin iyong gawin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Okay, Gwenny. Thank you."

Ngumiti rin ako at tumango. Tumayo rin naman siya agad at pinauna ko na siyang maglakad. Sa labas ng mismong office nagco-conduct ng oath at preliminary investigation ang mga fiscal. Doon din sila nakikipag-usap kung may client. May dalawang malalaking table sa sulok ng hallway na ilang hakbang lang naman mula sa pinto ng pinaka-opisina ng Prosecutor's Office.

Dati ay isang table lang ang meron pero ginawa nang dalawa para kapag may nag-o-oath at may magpi-PI, hindi na maghihintayan pa ang mga prosec para makaupo doon sa table. 'Tsaka buti na lang at aircon din naman sa hallway at lobby nitong floor ng Prosecutor's Office kaya ayos lang talaga na dito sa labas nagco-conduct ng appointments.

Paglabas namin ay naroon na iyong magsasampa ng kaso. Inayos ko na ang ilang set ng complaint na pipirmahan ni Prosec at pinaglabas ko na rin ng ID ang complainant bago ko pa tawagin si Prosec Deo.

Agad na tumayo ang lalaking complainant nang makita si Prosec. "Magandang umaga po, Fiscal."

Tumango ang boss ko bago naupo sa swivel chair ng table. "Good morning"

Nanatili lang ako sa likod niya, bandang gilid niya. Ganoon naman palagi. Para kapag may kailangan o iutos siya, masasabihan niya ako agad at magagawa ko rin agad. Alangan namang pumasok pa siya ulit sa loob para lang tawagin ako.

"Kindly stand up and raise your right hand," utos ni Prosec sa complainant na agad naman nitong sinunod.

Tahimik lang akong nanood at sa utak ko ay sinasabayan ko na ang mga tanong ni Prosec. Sa ilang taon ko na rito, feel ko nae-embody ko na ang pagiging fiscal. Kabisado ko na ang mga itinatanong sa oath, ang mga tanong ng nagfa-follow up at ang mga dapat na sagot sa mga ito. Minsan nga ay hindi ko na kailangan pang tawagin si Prosec para makipag-usap sa mga client dahil nasasagot ko naman na ng tama ang mga tanong at kailangan nila.

Sabi ko na nga ba't may future akong maging fiscal e. Kaya siguro ito ang naging trabaho ko. Nire-ready lang ako para sa future--emz.

"Ikaw ba ay nanunumpa na lahat ng nakasaad dito ay totoo at pawang katotohanan lamang?"

Tumango lang 'yung complainant sa tanong kaya alam na alam ko na agad ang susunod na sasabihin ni Prosec.

"Sumagot ho kayo."

Agad naman itong sumagot at tila nataranta pa.

"Opo, opo."

"Nabasa mo lahat 'to?"

"Opo."

"Naiintindihan mo ang lahat ng nakasaad dito?"

"Opo."

"Pirma mo 'to?"

"Opo."

"Kusang loob mong ibinigay ang salaysalay? Walang namilit sa 'yo? Hindi ka tinakot?"

"Hindi po."

"Kapag napatunayang ikaw ay nagsinungaling sa iyong salaysay, maaari kang kasuhan ng Perjury. Naiintindihan?"

"Opo."

Tinatakan na ni Prosec ng personal name stamp niya ang mga copy ng complaint at saka ito pinirmahan. He turned his head to me and I immediately got alerted. I walked a bit closer to him.

Hushed Raindrops (Typical Hearts #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon