Kabanata 2

160 15 0
                                    


"Saang bansa ka naman galing this time, magandang dilag?" tanong ng isa sa mga kaopisina ko nang makasalubong niya ako sa hallway ng office.

I smirked. "Sa Korea. Gusto ko lang maranasan ang clear skin."

Natawa siya nang maikli. "Sus! Anong clear skin pa ba ang gusto mo e ang ganda-ganda na ng kutis mo?"

I just chuckled and shook my head before she walk past me. Syempre eme-eme lang 'yong Korea at ibang bansa na pinagsasasabi namin. May hila-hila kasi akong trolley cart na naglalaman ng case records na kinuha ko sa stock room na lagayan ng records.

Mukhang maleta itong trolley kaya akala mo pupunta ng airport o mangingibang bansa. Iyong ibang secretaries na hindi pinag-provide ng mga boss nila ng ganito, mga naglalakihang shopping bag ang dala-dala upang lagyan din ng records. Karaniwan nang tuksuhan na magsha-shopping o mamamalengke ang mga ito sa tuwing may dalang ganoon.

Noong una, malaking shopping bag lang din ang dinadala ko kaya sobrang hirap na hirap ako sa pagbubuhat lalo na kung maraming records. Iyong pinakauna kong boss noon, hindi ako binilhan ng trolley kaya nagtitiis ako sa shopping bag. Gano'n din tuloy siya kapag pupunta ng korte -- dala-dala iyong shopping bag na may lamang records.

Ang sabi ko nga noon, ako na lang ang bibili dahil magkano lang naman iyong trolley na gano'n. Kaso todo tutol ang supervisor naming mga secretary dahil mga boss namin ang dapat nagpo-provide ng gano'n. As long as gamit sa opisina na may kinalaman o may malaking benefit sa mga boss namin, like ink ng printer, pagpapa-repair ng computer or printer, sila ang magpo-provide. Never daw kaming gagastos. Except na lang kung personal lang naman naming gagamitin.

Buti na lang talaga e si Prosec Deo na 'yong boss ko ngayon kasi sobrang bait. The very first time he saw me having a hard time carrying my shopping bag full of thick records, he immediately told me that he'd buy a trolley so I could just pull it easier without feeling heaviness.

He was just so caring and thoughtful. What a sweetheart.

Pagliko ko sa cubicle niya, naabutan ko siyang nakaharap sa laptop at may suot na airpods. Hindi ko na inistorbo dahil mukhang nag-i-inquest. Inquest duty yata siya ngayong araw.

Malaki rin ang cubicle niya kaya malaki ang lamesa. Tatlong hakbang pakaliwa mula sa lamesa at swivel chair niya ay isang mahaba pang lamesa sa gilid na nakasandal sa pader. Doon ko inilalagay ang mga records na kakailanganin niya para sa hearing.

"Anong ginawa mo no'ng makita mong lumabas 'yong nanay ni Princess?" tanong ni Prosec sa kausap sa laptop.

Hindi ko naririnig ang mga sagot ng accused dahil nga naka-airpods si Prosec. Sila lang ang nagkakarinigan. Prosec Deo sounded mad, so I thought the accused probably have done a big crime.

"Paano ka nakapasok kung naka-lock 'yong pinto?"

Yumuko ako upang kunin nang paunti-unti ang mga records sa trolley. Seventeen lahat 'yon at pagsusunod-sunurin ko pa lahat according sa pagkakasunod-sunod ng mga kaso na ihi-hearing bukas.

"Binuksan mo o pinagbuksan ka ni Princess? Pakiayos ng sagot. Anong totoo?"

Patagal nang patagal ay parang mas lalong tumitindi ang galit niya sa accused. Base sa pagkakarinig ko sa mga tanong niya, rape yata ang kaso. 'Tapos minor pa ang victim.

Malapit na akong matapos sa pag-aayos ng records nang tuluyan nang tumaas ang boses ni Prosec Deo. Pasimple akong lumingon sa kaniya upang makita ang ekspresyon niya. He looked mad and annoyed. His brows were almost touching each other and through his eyeglasses, I could see the darkness surrounding his eyes.

"Kaya nga tinatanong kita kung magpapa-imbestiga ka! Oo o hindi lang ang sagot! Hindi ko kailangan ng mga excuse mo! Hindi ikaw ang papaburan dito!"

Nagpatay malisya na lamang ako dahil baka kapag napansin niya pa akong nakatingin ay mapagalitan pa ako. Though never niya pa akong pinagalitan, still, I couldn't risk it now.

Hushed Raindrops (Typical Hearts #3)Where stories live. Discover now