TRÉS

202 12 8
                                    


Edison Blake, gulong-gulo ang buhok nito at pawis na pawis. Duguan at gumagapang.Pilit niyang inaabot ang doorknob ngunit isang mabigat na tapak ang dumapo sa kaniyang likuran na lalong nagpahirap sa kaniya na gumalaw.

"It's y-you. Y-you k-killed them."

Pinipilit nitong magsalita ngunit mas lalo lamang siyang nahirapan sa paghinga dahil sa sugat na tinamo sa leeg. Nakatingin lamang sa kaniya ang may sala habang hawak ang lalagyan ng cyanide.

Nakikiusap ang mga mata ng biktima ngunit walang puso ang may sala.

Making the victim inhale it caused him to die in a matter of time. Not contented, the body was dragged to the standing archery target, pinning the head with the arrow the victim used while practicing. Grabbing one of the arrows in the quiver, the killer undressed the bloodied man and marked the signature on his chest.

_________

BUNGAD sa balita kinaumagahan ang pagpatay sa dating kasintahan ng naunang biktima. Nakita raw ito ng isang mangangalakal nang napadako ito sa tambakan ng basura hindi nalalayo sa bakanteng lote na pinangyarihan ng krimen.

“Naku, delikado na talaga ngayon. Dapat kasi hindi na ginagabi sa pag-uwi.” Ani aling Delia na nagtitinda ng kakanin. May katabaan ito at hindi aabot ng balikat ang buhok. Ang anak nitong si Rian na tumutulong sa kaniya sa pagtitinda ay kakikitaan ng kagandahan dahil sa maamong mukha at mahinhin na galaw nito.

“Aling Delia, kahit naman maagang umuwi ang dalagang yun ay siguradong papatayin pa rin siya. Isinunod sa kasintahan niya.”  gatol naman ni Krizzy, isa rin ito sa mga suki ni Aling Delia.

"Eh, diba taga UCGA daw 'yan?" napabaling si Krizzy sa kaniya nang magtanong si Aling Delia at tinapunan ng tingin ang kaniyang uniporme. Marahil ay hinihintay nila ng magsalita siya dahil sa UCGA din siya nag-aaral.

Tahimik lamang na nagpatuloy sa pagkain si Chandiel. Nagulat din siya ng mapag-alamang patay na ang isa sa mga pinagsususpetsahan niya.

Ngayon, dalawa nalang ang natitira sa mga naiisip niyang posibleng may sala ngunit ang bilang na ito ay maaari pang madagdagan kung sakaling may makita siyang panibagong lead. Bakit nga ba siya namomroblema dito? Wala, trip niya lang. She's always up for catch-acts.

Tinapos niya ang kaniyang kinakain at walang pasabing nagmamadaling umalis.

When she reached school, her ears were murdered by unstoppable news about Vera and Clive. The school's administration is alarmed and icacancel sana ang mga classes ngayon but naisip nilang ang pakay ng killer ay maaaring ang magkasintahan lang dahil sa pagsunod nito kay Vera kahit outside the school premises na. Dahil na rin sa imahe ng school na maaaring masira at maisapubliko kung gagawin nila itong big deal ay pinili nilang ipagpatuloy ang mga klase na parang walang nangyari.

She continued walking. Nang makarating sa room nila ay agad umupo at nagpangalumbaba. She couldn't find any rational reason why she's stressing herself out. Her thoughts were sealed in the closet for a bit when their professor entered with his adjustable single cane.

As the class started, her focus drifted to the crime again. She never needs to listen to lectures anyway. She is equipped with enough knowledge for the whole semester.

Nabalik lamang siya sa kaniyang ulirat nang may dumaan sa kaniyang gilid. Ang lapad ng likod ng lalake ay sapat na para magapi ang karamihang katamtamang liit ng babae. Ang mabangong pabango nito ay humalo sa hangin na pinuno ang kaniyang natutulirong utak.

Naglakad ito papunta sa gitna at humarap sa klase. His jaw is well-defined na pinarisan ng mga matang itim na itim. Ang kaniyang labi ay natural na mapula.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now