DIECIOCHO

37 7 5
                                    

"D-diel..."

I looked at them with a blank face. What the heck are they doing here? I'm having internal panic pero hindi ko ito ipinahalata.

"What are you two doing here?" Nakabukas pa ang fridge na siguro ay hindi na nila naisara kanina sa sobrang pagkabigla. Para namang nabasa ni Aiden ang nasa isip ko kaya binalingan nito ang fridge at sinarado. They both placed the box of cake and ice cream that they are holding on the side table at umupo sa katabing couch. Aiden sat forward with his elbows on his knees and his clasped hands supporting his chin while the president leaned backward and heaved a deep sigh before he addressed me.

"Get changed first." Dahil dito ay napagtanto kong nakabalot pa ako sa dugo buhat ng insidente kanina kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo papasok ng cr.

I opened the shower. Kasabay ng pag-ulan ng tubig ang pagkalunod ko sa aking mga iniisip. I am certain that they saw the blood na may label ng mga pangalan ng tao. They must be suspecting me right now–no, scratch that– I'm sure they are suspecting me lalo na't dumating ako na puno ng dugo. Kung hindi ko lang din kilala ang sarili ko, I would suspect myself too.

Arghh!! What am I gonna do with my life? My problems are piling up at unti-unti na akong nilalamon ng kalungkutan sa kawalan.

Tiningala ko ang shower habang nakapikit ang mga mata. Nilalasap ang bawat dampi ng mga butil. Is this my punishment for not being able to save my family? Bakit parang kasalanan ko ang lahat?

I don't wanna go out anymore.

But I have to face the consequences. Even for the things I didn't intend to happen. I have to bear the pain of guilt.

I hurried to clean the stains and made myself presentable pero nang matapos ay saka ko lamang napagtanto na hindi ako nagdala ng mga pambihis ko pagkapasok ko ng cr kanina.

Talaga nga naman. Pinakamalas ko na yata na araw ngayon. Happy Birthday to me! I laughed softly and with sarcasm, as I slightly opened the door at inilabas lamang ang aking ulo. Prenteng nakaupo ang dalawa at tila malalim ang mga iniisip.

"Ehem... E-excuse me."

Pareho silang napatingin pero agad ding umiwas. What could go more awkward than this?

"What?" The president asked habang kunwari ay sinusuri ang mga kuko niya. Tsk.

"Could you...uhm" Paano ko ba 'to sasabihin? Hayst swerte ko nga naman talaga ngayon hahaha. Bahala na nga.

Nang ilang segundong hindi nadugtungan ang dapat na sasabihin ko ay tuluyang napalingon ang presidente at hindi ko nakikita ang pagkabahala sa mga mata nito.

"What is it, Diel?"

Malalim na hininga ang aking pinakawalan bago muling ipahiya ang aking sarili.

"Could you please get my clothes for me?" I bit my lower lip to stop myself from shouting. I've gotten myself into enough trouble today.

He looked at me with disbelief but later stood up and went to my cabinet. Aiden remained unmoving and busied himself with his phone.

"Where?"

"Ahm... Nasa second drawer, left side."

"What else?"

"L-last drawer." Nakailang lunok ako ng laway matapos sabihin 'yon at sinarado ang pinto ng cr sa sobrang kahihiyan. Remind me na magpa-admit sa mental hospital. Mababaliw na yata ako.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto na sinasandalan ko kaya awtomatiko akong napaayos ng tayo.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now