OCHO

109 8 5
                                    

T-tama n-na...!!”

“Anong pakiramdam?” tanong nito habang pinipindot ang piano ngunit hindi ito tumunog.

Nasa lumang music room sila at naging tambakan nalang ito ng mga sirang gamit.
Batid ni Dana na wala na siyang takas at ilang saglit lamang ay papatayin na siya ng tuluyan ng taong kaharap niya ngayon. Nakahandusay siya sa sahig. Ang kaninang maayos na buhok ngayon ay wala na, tinanggal ito sa kaniyang anit na ngayo'y nagdurugo. Ang kaniyang ngipin ay pulang-pula sa dugong patuloy na lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi niya maipaliwanag ang kirot, sakit at hapdi na kaniyang nararamdaman.

“I...n-never t-tho..thought i-it w-was...you” tinitingala niya ang papalapit sa kaniya.

Nang makalapit ay may dala na itong sirang string ng gitara. Dahan-dahang inukit sa pisngi ng papatayin ang marka. Napasigaw sa sobrang sakit ang dalaga ngunit kahit anong gawin ay walang makarinig sa kaniya. The room's walls are thick dahil music room ito, idinesenyo ito para kahit magpractice ang mga nasa music club dito dati ay hindi makakaistorbo sa klase ng iba.

Arghhh!!!” humahalo na ang pawis at luha ni Dana sa kaniyang mukha habang sumisigaw sa sobrang sakit. Nanlalaki ang mga matang makikitaan ng sobrang takot.

Naiinis ako sa mata mo!” saad ng killer at walang ano-ano'y tinusok ng string ang kaliwang mata ng biktima.

Ahhhhh!!” halos mahimatay si Dana sa sobrang sakit. Mas nanaisin na lamang niyang patayin nalang kaysa pahirapan pa ng ganito ngunit hindi, nag-eenjoy ang killer sa ginagawang pagpapahirap sa kaniya. Nais nitong makita siyang nagdudusa at dahan-dahang bawian ng hininga.

Tawa nang tawa ang may sala. Lumapit ito at bumulong sa kaniyang tainga.

“Rest well Dana...” sabi nito sabay pulupot ng string sa kaniyang leeg. Nahihirapan na siyang huminga, alam niya na kahit anong gawin niya ay siguradong katapusan na niya kaya't hindi na siya nanlaban. Mas pinili niyang 'wag nalang huminga at tuluyang mamaalam. Sa huling pagkakataon ay nasilayan niyang nakangisi ang may sala.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now