CHAPTER 1

3.4K 63 8
                                    

"Alexa!"

Napatingin ako sa manager ko na tinanggal ang earphone ko sa tenga at malakas na sinigaw ang pangalan ko.

"Bakit?!" Nakakunot noong tanong ko dahil sa ginawa niya. Ang ganda na ng kantang pinapakinggan ko eh tapos tatanggalin niya lang sa tenga ko yung earphone ko, dzuh.

"30 minutes na lang at magstart na ang awarding, magbihis ka na doon!" Sabi ni Matt.

"30 minutes pa lang naman eh, just let me rest here for 5 minutes more" Kalmadong saad ko bago sumandal ulit sa upuan ko at pumikit ulit habang ibinabalik ang earphone ko sa tenga ko.

"Matthew!" Sigaw ko dahil tinanggal niya sa pagkakasaksak sa phone ko ang earphone ko.

Tangina gusto ko nang umuwi at kumain ng donuts.

Kanina pa ako nacrecrave ng donut ng Dunkin Donut, I want choco butternut!

"Gaga, may red carpet pa kayo kaya tumayo ka na diyan at mag-ayos ka na ng sarili mo." Sabi ni matt na ikinairap ko lang.

Tumayo na ako at pumunta sa dressing room at isinuot na ang isang red dress na hapit na hapit sa katawan ko dahilan para makita kung gaano kaganda ang hubog ng katawan ko.

Kanina pa ako naayusan ng hair stylist ko pati ng make up stylist ko kaya nagpahinga na ako kanina saglit.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakatingin lahat ng staff sa akin at tila mahuhulog na ata ang panga nila habang nakatingin sa akin. I'm the star of the night, pero pwede rin namang star sa taas ng christmas tree. Char.

"Where are you going?" Tanong sa akin ni Matt ng makita niyang pupunta ako sa ibang direksyon.

"Cafeteria, I need coffee." Sabi ko na ikinatango na lamang niya.

May private cafeteria kasi dito sa venue kung saan magaganap ang awarding ng mga celebrities.

"What the fuck!"

Napahinto ako sa paglalakad dito sa hallway ng marinig ko ang isang sigaw ng babae. Napatingin ako dito at dalawa silang nakatayo sa may gilid.

Mukhang kakalabas lang ng pinto ng isang kilalang babae, napakaganda niya, she is a model and a singer. She is Natalie Valencia.

Ngayon ko lang siya nakita ng personal dahil sa TV ko lamang siya nakikita at pati na rin sa mga social media platforms.

Nakita kong natapunan siya ng coffee ng babaeng nasa harap niya na mukhang staff dito.

"I'm sorry po, Ms. Natalie." Nakayukong saad ng babaeng staff.

Agad akong lumapit at nilayo ang staff na nakatapon ng coffee kay Natalie.

"What's happening?" Tanong ko kahit alam ko naman ang nangyari, para naman kunwari curious ako diba.

Gosh mas maganda pa pala siya sa malapitan, medyo matangkad rin ito at napakasexy, gosh!

"She spilled coffee on my dress! Fuck! The awarding is about to start and that girl just spilled coffee in my dress!" Inis na sabi nito at pinagdududuro ang babaeng nasa likod ko.

"Miss, you can just change your dress na lang stop being rude." Sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

"I don't care if I'm being rude!" Pagsigaw niya sa akin. "Ugh! Jasper, get me another dress!" Sigaw niya sa lalaking nasa loob ng room na pinanggalingan niya, I think it's her manager. Pumasok na ito sa room niya at isinara ang pinto ng padabog.

Gosh parang hindi siya celebrity ah!

Maganda nga kaso ang pangit ng ugali, dzuh.

"Ate, are you okay?" Tanong ko sa babaeng staff na parang maluluha na.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now