CHAPTER 3

1.3K 56 4
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko dahil may tumatawag dito.

Fuck. It's just 7 am in the morning. Ang aga naman tumawag nitong bruhang toh!

"Tangina kapag walang kwenta yang sasabihin mo, lulunurin talaga kita sa Boracay, Tracy!" Inis na sabi ko pagkatapos sagutin ang tawag.

"Chill ka lang, master! Aayain lang sana kita mamayang 10 am sa restaurant na pagmamay-ari ng boyfriend ko, miss ko na kayo eh." Sabi ni Tracy.

It's been 1 month na rin nung huling kita naming magtotropa and that was the awarding event. Masyado kasi kaming busy since punong puno ang schedule namin and buti na lang dahil pare pareho kami na day off today.

Gusto ko pa sana magpahinga since day-off ko pero inaamin ko rin naman na miss ko na rin ang mga bruhang yon.

"Sige, sige, bye na at inaantok pa ako. Istorbo."

"Ang ganda ko naman atang istorbo, master." Natatawang sabi ni Tracy na pinatayan ko na lang ng phone.

Agad rin akong bumalik sa mahimbing na tulog dahil ngayon lang ulit ako nakatulog ng walong oras kaya susulitin ko na.

"Tangina 10:30 am na tapos wala pa kayo dito?!" Inis na sabi ko sa mga kausap ko sa cellphone. 10 am kasi ang usapan tapos hanggang ay wala pa rin sila.

"Wait lang master, otw na!" Sabi ni Scarlet habang naririnig ko ang pagbukas niya ng showerhead. Putangina.

"Otw pero kakabukas lang ng showerhead?!" Sabi ko.

"Otw kasi sa banyo, master."

"Gusto mong hambalusin kita?" Saad ko.

"Joke lang ito na master bibilisan ko na maligo" Sabi ni Scarlet at pinatayan ko na sila ng phone.

Putangina nila.

Charot, mahal ko sila kahit ganyan yang mga yan.

Lumabas ako ng restaurant to get something from my car kaso may nakabunggo sa akin na babae. Nakayuko lang kasi yung babae kaya hindi niya ata ako nakita.

"S-sorry." Sabi nito and my eyes widen when I saw who she is.

Kumunot ang noo ko ng makita kong namumula ang mga mata niya na parang konti na lang ay tutulo na ang mga luha niya.

Nakita kong nagulat rin ito ng makita niya ako at agad na pinunasan ang luhang tumulo galing sa mata niya.

"H-hey, Natalie, are you okay?" I asked.

She nodded at akmang aalis na siya pero hinawakan ko ang braso niya dahilan para tumingin ito sa akin na nakakunot ang noo.

"What?" Inis na tanong nito.

Hindi ko alam kung bakit ko siya hinawakan pero there's something in me na nagtulak na gawin ko iyon.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at iniabot ito sa kanya.

Natatakang tumingin lang ito sa panyo na hawak ko.

"Malinis yan, wipe your tears, hindi bagay sayo umiyak"

"No, thanks."

Akmang aalis na ulit siya ngunit hinigpitan ko lalo ang hawak sa kanya at hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ito.

I feel like I have to hug her dahil kita ko kung paano niya pigilan ang sarili na mas lalo pang umiyak and I think she needs someone to comfort her right now.

"What the heck are you doing!" Sabi niya at tinutulak pa ako nito ng konti pero mas lalo ko pa itong niyakap at naramdaman kong tumigil na ito sa pagtulak sa akin dahil ramdam ko rin na nanghihina na siya kanina pa.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now