CHAPTER 4

1.3K 52 5
                                    

"Gago nasaan ka? Akala ko ba kanina ka pa nandito huh?" Tanong sa akin ni Zoey dahil nandoon na daw sila sa restaurant ng mga kaibigan ko.

"Wait, may pinuntahan lang ako saglit." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Nagdrive na ulit ako papunta sa restaurant kung nasaan ako kanina.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko na nasa may side table.

Anong meron at nakangisi sila sa akin?

Nakakunot noo akong lumapit sa kanila dahil may kakaiba sa mga ngiti nila at ang iba ay nakangisi pa.

"Oh? Anong meron?" I aksed.

"Sana all may kayakap." Sabi ni Tracy at nagsihiyawan naman ang iba naming kasama.

Huh? Kayakap?

"Huh?" Tanong ko.

Kinuha ni Scarlet ang phone niya at pinakita ito sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko sa nakita ko.

It's a picture of me and Natalie hugging a while ago in the parking lot.

"Number 1 trending kayo sa Twitter, master! Ang ganda ng yakapan niyo ang sweet sana all!" Sabi ni Zoey.

"Baka master Alexa namin yan!" Sigaw naman ni Scarlet.

Inirapan ko lang sila at umupo sa tabi ni tracy.

"#brokenhearted"

Napatingin naman kami kay Alison na parag pinagsakluban ng langit at lupa na nakaupo sa tabi ni Tracy.

"Ay, Alison mukhang naunahan ka ata ni Natalie ah." Sabi ni Tracy kay Alison.

"Gagi, look!" Sabi ni Scarlet at pinakita ulit sa akin ang cellphone niya.

"OMG! Bagay silang dalawa!"

"Alexa and Natalie? Omg ship!"

"NALEXA lang sakalam!"

"New ship unlocked, NALEXA!"
"Ang sweet naman nila, sana all magkayakap!"

Yan ang mga nabasa kong comments sa picture namin na magkayakap ni Natalie sa social media.

"Gago, ang dami nang nagshiship sa inyo!" Sabi ni Scarlet.

"I'm straight, duh." ANg tangi ko lamang sinabi bago inumin ang iced tea na nasa harapan ko.

"Weh?"

"Sure ka ba diyan?"
"Maniwala."

Putanginang mga kaibigan ito.

"Straight nga ako!" Sabi ko dahil ayaw nila akong tigilan.

"Relax, master, wag mong ipakitang guilty ka." Sabi ni Alison na nakangisi na ngayon sa akin.

"Bahala nga kayo diyan, nagugutom na ako." Sabi ko at kumain na habang nakikinig sa mga chismis nila.

"Pero master, diba sabi mo mainit dugo niyo sa isa't isa? Bakit may yakapan na nangyari? May video pa nga na sumakay kayo sa kotse mo tapos umalis kayo." Sabi ni Tracy.

Nabalik nanaman ang topic sa akin.

Kwinento ko kasi a kanila sa bar noong pagkatapos ng awarding yung nangyari sa amin ni Natalie noong natapunan siya ng coffee sa dress niya kaya alam ng mga kaibigan ko na mainit ang ulo namin sa isa't isa.

"Mahabang kwento." Sabi ko.

"Sige na masteeeer!" Sabay sabay nilang sabi kaya bumigay rin ako. Ikinwento ko ang nangyari kanina.

"Ay, bakit kaya siya umiiyak kanina noh?" Tanong ni Zoey.

"Ewan ko." Sagot ko.

"Pero shene ell telege megkeyekep." Maarteng sabi ni Scarlet na sinundan naman ng mga 'ayieee' ng mga kasama namin.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now