CHAPTER 17

2.3K 103 100
                                    

"Alexa! Here!" Napalingon ako sa sigaw ng mga kaibigan ko na magkakasama sa isang table.

Agad na pumunta ako doon at niyakap ang mga kaibigan ko. Ngayon lang ulit kami nakumpleto dahil puro busy lagi ang bawa't isa sa mga trabaho nila.

"Nucx blooming ang Alexa namin ah!" Sabi ni Tracy na may mapaglarong ngisi.

"Ganyan talaga kapag alagang Abigail HAHAHAHAHAHAHA" sabi ni Zoey na ikinatawa rin ng iba.

Napakunot noo ako nang bigla silang nanahimik at nakatingin sa likod ko. Luh para silang nakakita ng multo, pero may galit sila sa multo.

Tinignan ko kung ano yung tinititigan nila na sana hindi ko na lang pala ginawa.

There, I saw her again after 6 months. With her boyfriend of course.

May kausap sila na couple din at mukhang masaya naman sila.

Pinagmasdan ko si Nathalie at masasabi kong may nagbago sa kanya. There's something wrong with her aura. Well, para sakin may iba ah pero yun lang naman masasabi ko. Wala na rin naman akong pake sa kanya so why would I be worried?

Aaminin ko na nakaramdam ako ng sakit ng makita ko ulit sila. Na isip ko na naman ang nangyari nung araw na yun sa condo ni Nathalie.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit niya nagawa yun sakin, well, sabi niya nga pinageexperiment niyalang ako that time pero parang hindi lang yun ang dahilan. Bakit parang may iba pang dahilan?

Bago pa man nila akong mahuli na nakatingin sa kanila ay agad na rin akong nag iwas ng tingin pero hindi nakalusot sa peripheral vision ko na nahuli ako ni Nathalie na nakatingin sa kanila.

Pagharap ko ulit sa mga kaibigan ko ay para silang tanga na nakataas ang kilay sa mga taong nasa likuran ko at parang konting galaw mo lang sa kanila ay susugurin na nila ang dalawa.

"Hoy mukha kayong galit na natatae diyan kaya tumigil na kayo."

Aba, inirapan ako ng mga gaga.

"Mukha talagang galunggong yang lalaking yan tsk." Sabi ni Alison.

"Mukhang galunggong na panis." Saad naman ni Zoey.

Natawa naman ako sa sinasabi nila- I mean they're stating facts. Mukha naman talagang galunggong na panis si Ivan.

Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang nakahandusay na yung dalawa dun dahil sa tingin ng mga kaibigan ko sa kanila.

Dumating na ang mga inorder naming pagkain at doon na nila itinuon ang atensyon nila. Thanks kay kuya waiter dahil kung hindi pa siya dumating ay baka nagka world war III na dito.

Nagkwentuhan naman kami about sa mga nangyari sa buhay namin ng mga araw na hindi kami magkakasama. Para namang 'di kami magkakasama ng ilang taon kung makapagkwento kami dahil sa sobrang daming ganap sa buhay namin ng ilang buwan. Ang dami rin nilang chismis tungkol sa buhay ng iba. Oh diba, mga marites.

Nang maubos namin ang mga pagkain ay nag excuse muna ako dahil naiihi na talaga ako. Kanina ko pa gustong umihi kaso hindi ako makaalis dahil ang interesting ng mga kinekwento ng mga marites kong kaibigan.

Pagpunta ko sa comfort room ay wala namang tao kaya agad na pumasok ako sa unang cubicle. Narinig ko naman na may pumasok at agad na isinarado ang pinto at narinig ko ang tunog ng paglock nito.

Luh? Bakit nilock? Kikidnapin ba ako? Papatayin pa ba ako dito sa cr? Kung oo, bakit dito sa cr? Ang pangit naman kung sa cr pa ako mamamatay, shet pwede bang sabihin ko dun nalang sa magandang lugar para naman sosyal tignan.

Tunog lang ng takong ng kung sino man ang maririnig dito at biglang tumigil ito.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at binuksan ang cubicle. Ayokong tignan yung babae huhu at baka patayin ako bigla kapag tinignan ko siya. Pero what if mainis siya sakin kapag di ko siya tinignan tapos barilin niya ako? What if tumakbo na ako agad palabas dito pero yun pala susundan niya ako?

Ano ba 'tong mga naiisip ko grabe na pag ooverthink ko.

Nakayuko atmabilis akong naglakad papunta sa pinto ng maramdaman kongmay humawak sa wrist ko.

Napapikit ako ng madiin at nagdadasal na sana bitawan niya ako.

"B-bitawan mo ako." Nanginginig kong saad.

Wala akong narinig na kahit ano kaya nagsalita ulit ako.

"Anong k-kailangan mo s-sakin? Wag m-mo akong papatayin please."

Hindi pa rin umiimik ang taong may hawak sakin.

Lord, bakit sa cr pa?

Nawala ang kaba ko ng bigla akong niyakap ng kung sino man itong tao na 'to.

"I missed you."

Hindi ako nakagalaw. Alam na alam ko 'tong boses na 'to.

Naramdaman kong nababasa na ang damit ko sa may bandang balikat ko, umiiyak siya?

Nang maisip oo ang mga nangyayari ay agad akong kumawala sa yakap niya at tinulak ito palayo sa akin.

Ang kapal naman niyang yumakap sa akin at sabihing 'I missed you' pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin.

Wala siyang karapatang umiyak ngayon. Bakit? Siya ba yung niloko? Siya ba yung pinaglaruan? Siya ba yung pinag eksperimentuhan?

Akmang lalapit ulit siya pero ako na 'tong lumayo at tumakbo sa pinto para iunlock ito at tumakbo na paalis.

Pagkapunta ko sa lamesa namin ay kinuha ko na agad ang bag ko at hindi ko na pinansin pa ang mga kaibigan ko na tinatawag ako. Nagmamadaling lumabas ako ng restaurant at sumakay sa kotse ko at agad na pinaandar ito.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Bakit parang siya pa itong nasasaktan?

Nagsisisi na ba siya sa mga pangloloko niya sa akin?

Narealize niya na ba na mali ang ginawa niya?

O plano na naman niyang lokohin at paglaruan ulit ako?

Okay na ako eh pero bakit ginugulo na naman niya ang isipan ko?

Bakit ginugulo na naman niya ang buhay ko?

I called someone, I need her right now.

—-

"Abi?" Pagtawag ko sa kanya.

"Abigail?" Pag-uulit ko. Kakatapos ko lang kasi na ikwento sa kanya ang mga nangyari kanina sa resto at bigla na lang siyang natulala at parang may malalim na iniisip.

"Yes, Alex?" Tanong niya.

"Okay ka lang? Bigla kang nanahimik eh."

"I'm fine, Alex." Sabi nito at kinuha ang kamay ko at hinalikan ito. "You know I love you, right?"

"I know." Sabi ko at pinisil ang kamay niya at nginitian siya.

Tinitigan niya naman ako at parang may gustong iparating ang mga mata niya. Parang may gusto siyang sabihin pero parang may pumipigil. I can see the hesitation in her eyes.

"Do you trust me?" Tanong ni Abigail.

I nodded.

"Everything will be okay, Alexa. Trust me. But please stay with me habang hindi pa naaayos ang lahat." Niyakap ako nito ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong bitawan pa.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now