CHAPTER 7

1.2K 48 5
                                    

"Ms. Alexa, may nagpadala po ng donuts and flower para sa inyo." Sabi nung isang staff dito.

May shooting kasi ako ngayon para sa isang teleserye kaya nandito ako ngayon sa dressing room. Inaayusan ako dahil kakarating ko lang. Ang aga ko ring nagising dahil maaga ang shoot today.

Kinuha ko ang flower at box ng donut sa staff at tinignan ko kung kanino galing ito.

It's from Natalie.

I automatically smiled when I saw that it's from her.

3 days na rin kaming hindi nagkikita at ang last na pagkikita namin is yung nasa condo ko siya. Masyado kasi kaming busy sa trabaho namin kaya hindi kami pa kami nagkikita.

I took a picture of it at pinost sa social media. Kinain ko ang donut na binigay niya and damn, she knows what's my favorite donut.

"Galing po ba yan kay Ms. Natalie?" Tanong ng hair stylist ko.

I nodded as a response dahil nginunguya ko pa ang donut ko.

They all screamed after I nod at yung iba ay nagtulakan pa dahil sa kilig.

I sent a photo of me holding the donut and flowers to Natalie and I also said thank you.

Simula nung araw na pinirmahan namin ni Natalie yung agreement ay naging malambing siya sa akin. Well, siguro ginagawa niya yun para masanay kami na malambing kami sa isa't isa para hindi awkward kapag may iba nang taong nakapaligid sa amin. I guess.

There's no romantic feelings naman between us dahil straight kami pareho.

"Ms. Alexa, may nagpadala na anman po ng flower for you po." Sabi ulit ng isang staff at inabot sa aking ang bulaklak na tinutukoy nito.

Tinignan ko kung kanino galing ang bulaklak at nakita kong may nakalagay na maliit na papel sa gilid at agad ko itog binasa. Walang message na nakasulat at iisa lang ang nakalagay dito. It's from Abigail Gonzales, the well known actor here in the Philippines.

Nagtataka kong tinignan ang bulaklak hanggang sa marinig ko si Matt na nagsalita sa tabi ko.

"Kanino yan? Kay Natalie ba ulit? Aba sana all."

Inabot ko sa kanya ang papel at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

"Omg, bet ka rin ata nitong si Ms. Abigail! Haba naman ng hair mo, Alexa!" Pumapalakpak pa na sabi nito. Mukha siyang sea lion diyan, infairness.

"Baka naman gusto lang makipag friends sa akin dzuh, maissue ka rin Matt eh."

Tinaasan lang ako nito ng kilay at inirapan ako. Luh.

Hindi ko pa nami-meet si Abigail in person pero lagi ko siyang napapanood sa TV, well, she's a good actor to be honest at aaminin kong sobrang ganda niya. But it's impossible na magkagusto yun sa akin.

"Ready na daw po ba kayo sabi ni direk?" Tanong sa akin ng isang staff na tinanguan ko naman.

Nagstart na ang shooting at gabi na nang makauwi ako.

Pagod na pagod kong binagsak ang aking katawan sa malambot na higaan ko. Sobrang dami kong ginawa kanina kaya ubos na ubos ang energy ko ngayon. Gusto ko mang maligo at magpalit ng komportable na damit ngunit tinatamad talaga ako at antok na antok na.

Pikit matang inayos ko ang pagkakahiga sa higaan ko at pinatay ko na rin ang lamp shade na nagsisilbing ilaw ng kwarto. Pinatay ko na kasi ang pinaka main na ilaw nitong kwarto kaya yung lampshade na lang natira kanina.

Ready na akong matulog ngunit biglang bumukas ang ilaw kaya napamulat ulit ako ng mata.

"What the heck?! Paano ka nakapasok dito?" Sigaw ko dahil nagulat ako sa taong nakatayo ngayon sa pintuan ng kwarto ko.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now