CHAPTER 2

1.5K 41 1
                                    

Nandito ako ngayon sa isang set kung saan ay magpipictorial kami para sa isang kilalang magazine.

Hindi ko alam kung sinong makakasama ko ngayon dito sa pictorial dahil ayaw sabihin sa akin ng manager ko. Pero sabi naman niya ay mabait daw ito. Sana nga.

Inaayusan ako ngayong ng make up stylist ko habang nakain ako ng donut. Kanina pa nga siya nagagalit dahil kanina pa niya inaayos ang lipstick ko dahil kain daw ako ng kain habang inaayusan niya ako.

Hindi ako nagbreakfast kanina eh.

Light make up lang ang ginawa sa akin ng make up artist ko dahil sa beach ang set so malamang naka swimsuit kami.

"Grabe, hindi na mo na kailangang mag make up Ms. Alexa! Ang ganda mo na masyado eh!" Masiglang sabi ng make up artist ko.

"I know right." Hinawi ko pa ang huhok ko pagkatapos ko sabihin iyon. "Charot." Natatawa kong sabi.

Madali lang naman akong makisalamuha si ibang tao basta mabait sila sa akin, mabait rin ako sa kanila. Kapag masama sila sa akin, mabait pa rin ako sa kanila pero pinapatay ko na sila sa isipan ko, chour.

Nang matapos na akong ayusan ay lumabas na ako habang nakasuot ang isang black robe na nagtatakip sa katawan ko dahil nakasuot lamang ako ng swimsuit sa loob.

Pupuntahan ko ang director para makipagkamustahan.

"Hi direk!" Masayang bati ko kay direk na may kausap na babae.

"Oh, Ms. Alexa!" Masayang sabi ni direk kasabay ng paglingon ng babaeng kausap niya- ay tangina bakit siya nandito?!

"You?!" Sabay naming sabi ng babaeng kausap ni direk kanina.

"Ms. Alexa and Ms. Natalie, you two will be working with each other for this photoshoot." Sabi ni direk habang nakangiti ito sa aming dalawa ni Natalie.

"No way!" Sigaw ni Natalie.

Ay wow, akala mo naman kung sino.

"Excuse me, wag kang mag-inarte diyan at pasalamat ka nga dahil ako ang makakasama mo dito!" Sabi ko saay irap dito.

"Why would I be thankful na ikaw yung makakasama ko dito?!" Inis na tanong niya.

"Para hindi lang ikaw yung nag-iisang dyosa dito, baka kasi sabihin mo outcast ka dito kung ikaw lang ang nagiisang dyosa dito, dzuh!"

"Ugh! Direk, I don't want to work with her!" Sabi niya kay direk.

"But Ms. Natalie you already sign the contract and besides, one day lang naman kayong magkakasama." Sabi ni direk na ikinatawa ko.

"Oo nga naman, ang arte mo akala mo naman may ginawa akong masama sayo." Sabi ko.

Tinignan ako ng masama ni Natalie at tsaka humalukipkip.

"FYI, you just called me rude at the awarding event last week!" Sabi ni Natalie na ikinatawa ko lamang.

So ako pa masama ngayon? Eh siya nga itong sinisigawan yung babaeng staff noon.

"I'm just telling the truth lang naman eh! Napaka rude mo kaya doon sa babaeng staff! She already said sorry pero sinisigawan mo pa rin siya."

"She deserve that, hindi ko naman kasalanang hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya at hindi siya nagdadahan dahan dahilan para mabunggo niya ako at matapon sa akin yung coffee na dala niya!"

Pinagtitinginan na kami dito ng mga staff at si direk ay nakaawang lang ang bibig habang papalit palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Natalie.

Patuloy lang kami sa bangayan namin ni Natalie hanggang sa sumigaw si direk.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now