CHAPTER 14

1K 49 19
                                    

"Shhhh, tahan na hindi mo dapat sinasayang 'yang luha mo sa manlolokong lalaki na 'yon." Pagpapatahan namin kay Tracy. Kanina kasi ay may kumalat na videos and photos of Mark with another girl.

It's a good thing dahil ngayon alam na ni Tracy ang totoo at ang dami ng nagagalit kay Mark dahil sa pangchecheat niya sa kaibigan namin.

We're here ulit sa bar at nagpapakalasing si Tracy, pinapabayaan lang namin siya dahil hindi biro yung nangyari ngayong araw.

I think I need a drink rin, ngayon lang kasi ako nakapag day off after 2 weeks dahil sa dami ng project na meron ako ngayon. 1 month na rin kaming hindi nagkikita ni Nathalie and I miss her very much. Minsan lang siya magsend ng message sa akin and dalawang beses lang siyang tumawag sa isang buwan. It's okay dahil naiintindihan ko naman na sobrang busy siya pero meron siguro naman may konti siyang time para magchat sa akin ng good morning or iupdate man lang ako sa kung ano ang ginagawa niya.

I don't want to sound like a possessive girlfriend pero kasi busy rin naman siya dati pero nagagawa niya pa rin akong kumustahin or imessage ako para iupdate ako sa kung anong ginagawa niya.

Napabuntong hininga na lang ako at mabilisang ininom ang isang glass ng beer na hawak ko ngayon.

She's just busy, Alex.

Nakangiting nagmamaneho ako ngayon dahil pupuntahan ko si Nathalie sa condo niya. I asked her manager kung nasaan si Nathalie ngayon and she told me na nasa condo siya at nagpapahinga. Medyo nagtatampo ako dahil hindi man lang ako sinabihan ni Nathalie na day off niya ngayon pero baka nakalimutan niya lang ako iinform dahil sa sobrang pagod.

Pagkapark ko dito sa parking lot ng condo niya ay lumabas na ako ng sasakyan bitbit ang bulaklak at foods na niluto ko dahil baka hindi pa siya kumakain. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang unit niya.

Inayos ko muna ang aking sarili bago ako kumatok sa pintuan niya. Makalipas ng ilang segundo ay binuksan niya na ito ngunit ang ngiti na nakapaskil sa aking mukha kanina ay unti unting nawala ng makita ko kung sino ang taong nagbukas nito. It's Ivan Ramos. It's Nathalie's ex boyfriend.

What the fuck is he doing here?! He's only wearing a towel, half naked. Halatang kakatapos lang maligo. Tangina?

"Who is it, Ivan?"

My heart broke into pieces when I saw Nathalie. Mukhang kakagising lang nito.

Pagkatingin sa akin ni Nathalie ay halatang nagulat ito at nakita ko sa mga mata nito ang takot.

Unti-unti kong napagconnect ang mga nangyayari. Kaya pala wala siyang oras na kausapin ako. Kaya pala bigla na lang siyang nanlamig sa akin. Kaya pala hindi niya ako sinabihan na day-off niya ngayon. Kaya pala.

Napatingin ako sa lalaking nakangisi ngayon sa akin.

"What are you doing here?" Pagtatanong ko dito.

He chuckled. "I'm visiting my girlfriend. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Girlfriend?" Pagtatanong ko. Nakita kong yumuko si Nathalie.

"Yeah, she's my girlfriend. You don't know? 3 years na kaming dalawa." Pagsagot ulit nito.

"Nathalie? Is it true?"

Hindi sumagot si Nathalie at patuloy lang itong walang imik na nakayuko.

"Ay oo nga pala, you are her so called "girlfriend" sa showbiz." Natawa pa ito. "And she told you na gawin niyong official ang relasyon niyo? Well, guess what, she's just playing with you." He held Nathalie's waist at inilapit ito sa kanya. "Tell her, Babe."

Nanghihina ang mga tuhod ko ngayon at hindi ko alam ang gagawin. Sana hindi totoo ang sinasabi nitong lalaking ito. Pero mas lalo akong nanghina nang tumingin sa akin si Nathalie ng walang emosyon na mababakas sa mukha nito.

"I-is it t-true, Nathalie?" Nanghihina kong tanong dito. Nagdadasal na sana ay hindi totoo ang mga pinagsasabi nitong si Ivan.

"It's true. I'm just experimenting with my sexuality and used you. Ivan knows it all. Now that you know, forget all the things that happened between us." Malamig at seryosong sabi nito.

Tangina ang sakit. Mas masakit pala kapag sa kanya mismo nanggaling ang mga salitang ito.

"P-pero you told me that you love me." Sabi ko dito, baka lang, baka sakaling totoo ang mga sinabi niya sa akin na mahal ako nito.

Pero para akong nabingi sa sinabi nito.

"I never loved you."

She never loved me.

Wow. Just wow.

So lahat ng 'yun ay laro lang?

Sobrang dami ng tanong na pumapasok sa isip ko ngunit nasagot lahat ng ito sa sinabi niya sa akin hindi niya ako minahal.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Tinignan ko ang mga dala ko at bumalik ulit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang sakit nila sa mata. Ang sakit sa puso.

"Umalis ka na dito." Pagkatapos sabihin ni Nathalie yun ay sinara na ni Ivan ang pinto.

Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Tinignan ko ulit ang mga hawak ko at ngumiti ng mapait. Iniwan ko dito sa tabi ng pinto ang bulaklak na hawak ko at itinapon ko ang mga pagkain na dala ko.

Umalis na ako dito at pagpasok ko sa kotse ko ay doon ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Ano bang ginawa kong mali?

Gusto ko lang naman magmahal pero bakit ganto?

Bakit kailangan paglaruan pa ako?

Bakit kailangan pag eksperimentuhan pa niya ako?

Pinaandar ko na ang kotse ko at biglang bumuhos ang matinding ulan. Ang malas ko naman ata ngayon.

Ayokong umuwi ngayon. Gusto ko munang mapag-isa.

I went to a place where I always have peace. A place I own na tanging mga kaibigan ko lang nakakaalam.

I turned off my phone dahil ayokong maabala ngayon.

Masyadong masakit ang puso ko.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now