Behind Walls 6

21.3K 455 22
                                    

Kabanata 6

Uminit

Tahimik lang siya habang kumakain ako ng fries. Nilingon ko siya nakapikit siya. Gusto ko siyang kunan ng larawan. Ang taas ng pilik mata niya at ang sarap kirutin ng pisnge niya. Pero mas gusto kong halikan ang labi niya at maramdaman ulit ang tamis ng halik niya. I miss kissing him hanggang sa matutulog ako noon.

Hinawakan ko ang pisnge niya at dumilat ang inaantok niyang mata.

"Gusto mong matulog?" sabi ko.

"Matutulog tayo pagkatapos mong kumain. " tumango nalang ako at itinoon ang pansin sa kinakain kong fries. Nakita ko sa may sulok ng cabinet malapit sa akin ang mga naka-file na mga libro ko. Nanliit ang mata kong makita ang diary ko doon. Oh my! Naiwan ko pala ito dito? Hindi pwede!

Napatayo ako at nilapitan ko iyon.

Thank goodness. Akala ko nabuksan. May lock code ito at ako lang ang nakakaalam sa code na iyon. Nandito lahat ng mga hinanakit ko noon kay Red. Ang mga plano ko. Binuksan ko ito gamit ang lock code ko at tiningnan. Napangiti ako sa mga naisulat ko dito. Eto lang ang nalalabasan ko sa aking mga problema noon. Binasa ko ang huling pahina nito. Ito 'yong naisulat ko bago ako nagpasyang magpakalayo muna.

Dear diary,

Sabi nila, ang tao daw ay parang punong kahoy. In order to grow bigger, one needs to have an enough space of its own. Siguro, kailangan ko din ng space para sa sarili ko para mas mabigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na tumayo sa sarili kong lugar. Mahal ko si Red, alam mo iyan. Pero ang sakit na ang lagi niya pagbabalewala sa akin. Mas mahal ba niya ang kompanya?

Wag kang mag-alala, mamahalin ko padin naman siya sa pagbalik ko. Siya lang.

Loves Arc,

This was the day that I had enough of Red's doings. Ang araw na hindi ko makakalimutan. Ang araw ng kasal namin. That was our 2nd anniversary when I decided to leave. Hindi naman ako nagsisisi na umalis ako sa tabi niya, sa katunayan, nakatulong nga iyon sa akin para matutunan kong tumayo sa sarili kong paa. Tama nga sila, ang tao ay parang punong kahoy din. Hindi ako nagpaalam sa kanya sa araw na iyon. Tanging isang maikling sulat lang ang iniwan ko sa malaking dining table namin. At hindi man lang niya ako hinanap noon. Kaya labis-labis ang pagkainggit ko at pagkainis sa nalaman ko kanina na tumulong siya sa paghahanap kay Jullian. Ako nga na sarili niyang asawa, hindi niya hinanap. Ano nga ba ang maasahan ko? Feeling ko tulay parang pabigat lang ako sa buhay niya.

Like I was one of his priority but I am on the bottom part of it. Nasa last number ang pangalan ko.  Ang saklap!

"What are you doing?"

Sinara ko ang diary ko at ibinalik sa dating pwesto nito. Nilingon ko siya at nginitian ng pilit.

"Wala, may tiningnan lang ako sa mga libro dito. Ang luluma na nila." Kaya mo iyan, Arcise.

Iyan ang napapala mo sa sobrang pagmamahal mo sa kanya.

"Gusto mong bumili ng bago?" nagtaka ako agad sa kakisigan ng boses niya. Para siyang nabuhay mula sa pagkaantok.

"Bakit? Free ka?" Ramdam ko ang tabang sa boses ko.

"Magbihis ka na at bibili tayo ng bago. Luma nadin ang mga palamuti sa bahay natin. We can buy new decorations. At ikaw na ang mamili lahat. We can also reprint our wedding photo if you want a newer one. And maybe you want to repaint our house. We can have a total make-over."

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon