Behind Walls 7

19.6K 397 10
                                    

Kabanata 7

Bibig

Hindi ko na pinansin ang mga maid na bumabati sa akin. Nagmamadali akong umakyat papuntang silid namin. Hinid ko alam kung ano ang nakain ni Red at ganoon ang sinabi niya sa akin pero nag-alala talaga ako dahil hindi pa siya kumakain.

Pagkapasok ko sa kwarto namin, nakita ko siya kaagad na nakadapa sa higaan. Walang damit na pang-itaas at para siyang pagod na pagod.

Lumapit ako sa walk-in closet namin at naghanap ng masosoot niya. Masyadong tempting ang katawan ni Red kaya ako nalang ang iiwas.

Nang makahanap ako lumabas ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang buhok. Gumalaw siya at tumingin sa akin. Gusto kong lumunok pero hindi ko magawa. Ang lalim ng titig niya.

"Magbihis ka." Ibinigay ko ang damit sa kanya. That was a good start Arcise. Kaya mo pa palang magsalita kahit kitang-kita mo na ang umaapoy na abs ng asawa mo.

"Lagi ka bang walang damit pang-itaas sa mga panahong wala ako?" tanong ko sa kanya. Lumilipad na kung saan-saan ang isipan ko. Ang mga kasambahay niya. Lahat! Paano kung nakita nila ang katawan ni Red? Panigurado pinagpantasyahan na nila iyon. Binalot ako ng pagkainis! I hate it.

"Minsan." Aba't! so pinapakita talaga niya sa kanyang maid ang kanyang abs?

"Ganun ba? Anong komento ng mga kasambahay mo?" oh come Arcise! You can do better than this.

"Ewan. Samahan mo nalang ako. Kakain ako sa baba." Gusto kong magmura at saktan si Red. Lagi nalang niyang pinapabigat ang puso ko. Ewan? Ewan lang ang masabi niya? Napaka naman talaga!

"Kumain ka mag-isa mo." At bahala ka sa buhay mo. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumayo. Magbibihis nalang ako. Bahala ka na diyan.

"Dalhan niyo ako ng pagkain dito sa kwarto namin. Samahan niyo ng fries at gatas." Napalingon ako kay Red na siyang kausap ang telepono. Huh! Nakakainis! Naghuhubad talaga siya sa harapan ng mga kasambahay niya?

Fine.

Hinarap ko ang malaking cabinet ni Red sa gilid. Hinubad ko ang soot kong tight dress kong soot na hapit na hapit sa katawan. Wala naman akong ikinahihiya sa aking katawan kaya bakit ako mahihiya kay Red. Tingnan lang natin. Itinapon ko ang damit ko sa may basket counter malapit sa pintuan at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin.

Pwede na akong magmodel nito. I always wanted to do modeling pero hindi ko magawang iwanan si Red noon. Maybe I can do it now. Para may pagkakaabalahan naman ako.

Nilingon ko siya at nakita ako ang seryoso niyang titig sa akin. Inirapan ko siya at pumasok akong walk-in closet. Naghanap ako ng damit niya at isinoot ko iyon. Paano kaya kung lalabas ako ng bahay ng nakaganito lang? magagalit kaya si Red sa akin? Gustong-gusto ko talaga siyang nagseselos eh. Pero hindi ko pa naranasan na magselos ang isang Red.

Siguro kampanteng-kampante siya sa akin na siya lang ang mahal ko kaya hindi siya nagseselos ano?  Fine. Mahal ko naman talaga siya.

 Lumabas na ako at nakita ko si Red na nakaupo na sa gilid ng kama. Wala padin siyang damit pang-itaas at bumukas ang pinto namin. Pumasok ang isang maid niya na kasing edad ko lang ata. Nakita ko ang pagdaan ng kanyang mata sa katawan ni Red at naningkit ang mata ko.

Sapat naman siguro ang rason 'na pinaalis ka dahil tumingin ka sa katawan ng asawa ko di ba?' Ugh! Nagmamadaling lumapit ako sa higaan at hinakawan ang kamay ni Red.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon