Wakas

25.7K 555 23
                                    

Epilogue (Prelude to postlude)

Ryle Enio Dion Del Grande



Nagmamadali akong umuwi ng bahay dahil alam kong naghihintay na siya sa akin. Dala ko ang isang supot ng paborito niyang chicken wings.

Dumiretso akong silid namin at nakitang wala siya. Napakamot ako sa aking ulo.

Where the...

Nanlaki ang mata ko nang makitang halos wala ng laman ang cabinet namin at nakabukas. Nagsimulang kumalabog ang puso ko. Tumatakbo na sa isipan ko mukha niya hindi ko maintindihan. Please...

"I am leaving you. God bless you on your career and your company."

That's when I lost everything I had that day.

"She left me." I curled my palm upon realizing that. She left me. Arcise naman, mapapag-usapan pa naman ito di ba? This is for you. Hindi mo ako pwedeng iwanan, Arcise. For the first time in my life, hinayaan kong lunurin ang sarili ko sa aking mga luha. Hindi ako umiiyak pero iniwan niya ako.

Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko sana sasagutin pero nang makita kong si Mark ang tumawag ay agad kong sinagot.

"Sir, nahanap na namin siya. Nakapag-invest na din tayo sa kompanya niya. Just keep your wife dahil baka madamay siya dito."

Hindi na ako sumagot at binaba ko na.

Natigilan ako.

This is what she wants. Ang gusto niya ay mahanap ko ang taong pumatay sa kanyang magulang. Naalala ko iyon. Lahat ng sinabi niya sa araw na iyo ay naalala ko.

Tinawagan ko si Carlos.

"Hanapin niyo kung saan—" hindi pa ako tapos sa pagsasalita pero inunahan na niya ako.

"Sir, nakasunod po kami kay Ma'am ngayon." Nanlaki ang mata ko. "Wag kayong magpahalata! Wag kayong magpakita. Kumuha ka pa ng kasamahan mo. Diyan lang kayo kung nasaan siya. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Now I asked myself if nabuntis ko ba. Damn! Kung nabuntis ko na siya hindi na siya pwedeng lumayo sa akin pero kailangan kong umalis ng bansa para mauna muna ang taong ito. I need to make her wish come true. I'll deal with her after this.

"Copy Sir."

"Make it twelve. Isang dosena kayong magbabantay sa kanya. Siguruhin niyong nasa mabuting kalagayan siya. I'll be back after a month."

Mabigat ang puso at kailangan kong iinom ito. Nilagok ko ang isang baso ng alak.

I love her so much pero kung gusto niyang umalis muna sa aking tabi ay hahayaan ko muna. She'll be back for me. I know. I'm confident about that. I know.

"Bro?" nakita ko ang mukha ni Fred na umaalon na. Hindi ko na alam kung ilang alak na ang nainom ko.

"You need some powerful med bro." kumuha siya ng isang pakete ng ipinagbabawal na droga at binigyan ako. "Libre na iyan."

I don't do drugs but I need them as of now. Alam kong makakalimutan ko ang sakit kahit ilang oras lang. This will help me think.

Nagising akong puti ang nakapaligid sa akin. Nasa ospital ako! iyon agad ang pumasok sa aking isipan. Why the hell I am here?

"Are you trying to kill yourself?" Sigaw ni Mike sa akin. Tiningnan ko siyang naguguluhan.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa iyo! Kung hindi pa ako tinawagan ni John, patay ka na sana! Gago ka! Ano? Kailan ka pa natutong magdroga Red? ha?"

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon