Behind Walls 30.2

14.9K 358 16
                                    

Kabanata 30.2

Back

"Anak?" nilingon ko si Nana sa tawag niya sa akin. Bumungad agad sa akin ang malungkot niyang mata at cellphone sa kanyang tenga.

"B-bakit Nay?" tanong ko. Alam kong si Red na naman ang pag-uusapan namin dito. Alam kong si Red na naman ang ibabalita niya sa akin. Alam kong may nalaman na naman siya tungkol kay Red doon sa Cagayan de Oro. Alam ko na... kaya napalunok na lang ako.

"Bad news, anak. Gusto mo bang marinig?" napalunok ulit ako. Nagsimulang bumilis ang kalabog ng aking puso. Bad news.

"Is it about Re—?"

"Sino pa ba, Arcise?" singit ni Nana.

Dahan-dahan akong tumango at pilit siyang ngitian.

"I see. What about him na?" I said fearlessly.

"Sabi ni Cynthia, nasa ospital daw ang Sir nila ngayon. Over fatigue at walang tulog. Lagi pa daw na naaabutan ng mga kasambahay ng umiinom buong gabi." tumango ako. I heard that already.

"He'll be okay. May mag-aalaga naman siguro sa kanya doon at isa pa, hindi nila iiwanan si Red." Patay malisya kong sagot. Isa pa din, andoon naman si Nadia. Talagang hindi niya pababayaan si Red.

Bahagyang sumakit ang puso ko doon.

"Sige anak. Sabi mo e." ani Nana at tinalikoran ako. Nanatili ang mata ko sa kanya. Tumungo siya sa kusina at kumuha ng coffee mug. Napatingin ako sa aking gilid. Naiwan ni Nana ang kanyang cellphone. Kukunin ko na sana nang makita kong may pamilyar na numero ang tumawag.

Tatawagin ko pa sana si Nana pero bigla namang nawala ang tawag.

Isang beep ang sumunod.

Cynthia

Iyon ang nakalagay. Alam kong masama ang mangialam pero hindi ko kayang tumalikod.

Cynthia:

Sinisigawan po niya kaming lahat Na. Pumunta ka nalang po dito. Baka ikaw lang makakatulog sa kanya.

May beep ulit na sumunod. At dahil si Red ang pinag-uusapan dito, binuksan ko ulit.

Cynthia:

Pati po ang mga doctor Na. Hindi niya kinakausap.

Ano pa Cynthia? Come on! Tell me more.

Hindi ko alam kung may load si Nana at ayaw ko din namang mag tanong. Umupo ako sa sahig at nagsimulang magtype.

Ako:

Saang ospital kayo? Anong sabi nung doctor?

Alam kong walang ideya si Cynthia na ako ito. Ang iisipin nun ay si Nana ang nagtext sa kanya.

Cynthia:

Sa polymedic po. Andito na din po si Ma'am Nadia pero sinigawan lang niya at pinaalis.

Kumunot ang noo ko. At bakit Red? Hindi ba dapat masaya ka dahil binisita ka ng babae mo?

Dahil sa text ni Cynthia, hindi ako nakatulog sa hapon. Lumilipad ang utak ko sa kung saan-saang lugar. Napupuno na din ako ng mga tanong at hindi ko na alam kung anong gagawin sa buhay.

"Nay?" tawag ko nang makita si nana na dumaan sa aking harapan.

"May piso po kayo?" tanong ko at tumango si Nana. Naglahad sa akin si Nana ng piso at nagpasalamat ako sa kanya.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon