Behind Walls 15

17.6K 464 12
                                    

WARNING: SPG sa kalandian ni Arcise. (Insert evil grin)

 

Kabanata 15

Landian

 

Tanghali na nang magising kami pareho ni Red. Kumakalam na ang sikmura ko at sobra akong nasiyahan nang paggising ko, may pagkain agad sa lamesa namin.

Hindi na ako nagdalawang isip na talunan ang pagkain. Hanggang sa maramdaman kong tumabi sa akin si Red. Bumuhos ulit sa isipan ko ang ginawang panloloko ni John sa akin. Ang gago! Gusto ko siyang patayin. Pinaglaruan ba naman ako.

"What annulment were you talking last night?" nilunok ko muna ang pagkain bago siya sinagot.

"Sabi kasi ni John sa akin, makikipaghiwalay ka nadaw sa akin." Patay malisya kong sabi. Sumubo ulit ako at ngumuya.

"Ano pa?"

"Bakit ka puno ng dugo noong nakaraan? Bakit ka napaaway Red?" napahinto ako sa pagkain at binalingan siya ng tingin.

"Wala iyon. Kamusta ang negosyo mo?" inirapan ko nalang siya. Here we go again. Bakit hindi niya muna tanungin kung kamusta ako? Kainis!

"I don't know what happened to the business."

"Okay. Bukas aalis ulit kami. I just needed to bring something kaya ako umuwi saglit."

Nawala na naman ang sigla sa mukha ko. Sana pala hindi nalang siya bumalik kung hindi pa pala uuwi ng tuluyan.

"Isasama sana kita. Okay lang ba?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"Sino iyong nurse? Bakit may ganoon ka?" pag-iibang usapan ko kahit hindi ko na mapigilan ang kasayahan sa aking puso. Isasama niya ako? Gusto ko nang magpagulong-gulong.

"I didn't know I have a nurse. Bigla nalang siyang sumulpot pagkauwi ko." What?

Mapapatay ko talaga si John sa ginagawa niyang ito. Walang hiya. Pinagselos lang ba niya ako sa walang dahilan?

"That was actually Andrea. You'll be friends with her someday. Secretary siya ni John." Mas lalo akong nabigyan ng dahilan para patayin si John.

"Bakit ka nilagnat? Kahit ito man lang Red sagutin mo!" naiinis kong sabi bigla.

"Nabigla ako sa panahon sa Europa. Nabugbog ako."

"Iyon lang ang sasabihin mo sa akin?"

"Maghanda ka na at aalis na tayo." Napabuntong hininga nalang ako. He wouldn't tell me.

"Saan tayo?" walang ganang tanong ko.

"Sa tagaytay. I have a business there." Business na naman! Kailan ko kaya siya maririnig na 'Magbabakasyon tayo, Arcise.'.. kailan?

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Namiss kita." Sabi ko bigla. Napatikom ako agad ng labi.

"Hindi mo na ba ako aawayin? Hahanapin mo ba ako? Magtatanong ka na ba kung nasaan ako?" laglag panga ako sa sinabi niya. Uminit agad ang gilid ng mata ko sa naging tanong niya.

"Red, sana alam mong masakit ang pambabaliwala mo sa akin." Napabitaw ako sa hawak kong kutsara at tumagilid.

"I'll scare you, Arcise. I tell you. I'll scare you and I don't want that." Napalingon ulit ako sa kanya.

Nakayuko na siya at napanguso nalang ako. Hindi ko siya maintindihan.

Lumapit nalang ako at isiniksik ang sarili sa kanya. Umupo ako sa hita niya at niyakap ang kanyang leeg.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon