Behind Walls 17

17.7K 386 3
                                    

WARNING: SPG. (Again. Hihihihi)

 

Kabanata 16

Ibabaw Niya

Kinapa ko ang tabi ko at naramdamang wala na si Red. Naidilat ko kaagad ang mata ko sa pagtataka. Wala na nga siya. Nasa hotel na kami kung saan kami tumutuloy ni Red. We did it all over again and it feels so good. I did really miss him so much.

Siguro, nasa meeting na siya ngayon. Pangalawang araw na namin ngayon sa tagaytay at nakuha ko na ang sinabi niyang 'kung kaya mo' sa tanong kung pwede ba akong sumama sa mga meetings niya. Gosh! Namula na naman ang pisnge ko sa kapilyuhan ni Red. Kung kaya mong bumangon pala ang ibig sabihin doon.

Napabangon ako at naramdaman ko kaagad ang sakit sa aking gitna. Pinilit kong tumayo. Kailangan kong maligo para pagdating ni Red, ay maganda na ako sa paningin niya.

Dumiretso akong CR at naligo. Lumabas din ako at nagbihis. Napatingin ako sa ibabaw ng mesa nang may nakita akong papel doon. Linapitan ko ito at kinuha.

Went to meeting. I've ordered your breakfast. Be right back.

Napatingin naman ako sa pagkain sa mesa. Kumalam agad ang sikmura ko sa gutom. Pero hindi napigilan ng pisnge ko ang pamumula. Kahit simple, abot langit ang kilig kong naramdaman. Napahawak na lang ako sa aking dibdib sa pagpipigil na mapasayaw at napasigaw sa kilig...

Minsan lang ganito si Red sa akin kaya sobra ang epekto nito sa aking puso.

Napaisip tuloy ako, okay na kaya kami? o ganoon pa din kami? Hindi ko pa alam ang sagot. Walang pag-uusap pa tungkol sa amin ang nangyari. Umiling na lang ako at umupo. Nagsimula akong kumain at kumain nang kumain. Gutom na gutom pala talaga ako.

Nang matapos ako, binuksan ko ang TV at umupo sa sofa sa harapan nito.

Bumukas ang pinto dahilan para mapatingin ako dito. Iniluwa dito ang lalaking naka three piece suit at napakagat labi ako agad nang sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.

Ramdam ko din ang panginginit ng aking pisnge. Damn it, Arcise. Pigilan mong halikan ang asawa mo. Lintek!

"How are you feeling?" mas lalo kong nakagat ang labi ko sa tanong niya. How that was supposed to mean? Saang feeling? Red naman!

"Have you eaten already?" napatango na lang ako sa tanong niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi. Naningkit agad ang mata ko sa aking nakita sa kanyang leeg.

"Hinayaan mong makita nila iyan?" nanlalaking mata kong sabi.

Hinawakan niya ang tinutukoy kong love mark sa kanyang leeg na sobrang obvious!

"This? Yeah. Why?" patay malisya niyang sagot. My god!

"Red naman,"

"Its okay. Pinaghirapan mo iyan kagabi kaya dapat lang na makita nila." Napalunok na lang ako ng wala sa oras sa naging sagot niya.

"Pero—-"

"I'm a married man, Arcise. People will understand. It's not like lahat talaga sila ay napansin ito." Napatango na lang ako sa kadahilanang hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

"I have something for you." Aniyang nakangiti. "Here." May inilahad siyang isang box na maliit. Binuksan ko ito agad at nakita kong isang necklace ang laman nito. Napangiti ako agad sa aking nakita. Isang fishbone ang pendant nito at kalay white god.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon