Behind Walls 26

13.9K 323 21
                                    

Kabanata 26

Pinunasan ko ang aking mukha na hindi ko alam kung mukha ko pa ba din ito ngayon. Ilang beses kong sinubukang lumunok pero lagi akong nauuwi sa paghikbi.

Nakita kong nasa butuan na kami at walang tigil ang pagmamaneho ng driver.

Pinunasan ko ulit ang tumakas na luha.

Nakatingin lang ako sa labas. Sinubukan kong bilangin ang mga nadadaanan naming punong kahoy pero lagi akong napupunta sa pangalan ni Red at ni Nadia.

All my life, all I ever wanted was to live peacefully. Pero mukhang hindi ako biniyaan ng katahimikan sa buhay. Hindi ko naisip na kayang gawin ito ni Red sa akin.

Hindi ko alam kung gaano kabigat ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko na lang lumayo o mamatay. Sa sobrang sakit na aking nakita, hindi ko na malaman kung ano pa ang gagawin.

Hinayaan ko ulit na lumandas ang luha sa aking mukha. Pagod na ako. Kanina pa ako umiiyak. Ilang oras na kami sa biyahe at ilang oras na din akong umiiyak.

Red... bakit?

"Ma'am?" napapunas ako sa aking mukha. Alam kong nagmumukha na akong kawawa sa mata ng driver. I know. Nakakaawa naman talaga ako.

"Ma'am, sa ilang taon ko pong pagseserbisyo sa mga magulang mo noong nabubuhay pa sila, ni minsan hindi ko po nakitang sinaktan ka nila o pinaiyak." Napaiyak ulit ako sa sinabi ni manong driver.

"Matanda na kami ng asawa ko but your parents were the best employer that we had in our entire life. Na parang habang-buhay namin silang dapat pasalamatan." Biglang pumasok sa isipan sina at Mommy at Daddy. Kung paano ngumiti si Daddy sa akin at kung paano ako alagaan ni Mommy. Napapunas ako ng luha.

"Noong mamatay sila, halos mawasak na po ang mga buhay naming mga tagasilbi ng pamilya niyo. Nalungkot kami at nasaktan din katulad ng mga taong nagmamahal sa kanila. Pero naisip ka namin, na may anak pa silang natitira. Na hindi pala kami dapat mawalan ng pag-asa dahil andiyan pa ang nag-iisa nilang anak."

"Kung hindi man kami nakapagpasalamat sa kanila, saiyo na lang kami babawi. Kaya iyon ang ginawa namin. Nagmakaawa kami sa pamilya ni Sir Red na kunin kami bilang tagapagsilbi mo kahit wala nang sahod basta huwag ka lang naming iwanan." Wala akong alam dito.

"Naalala ko pa, nalungkot po kami noong hindi ka na lumalabas at laging nagmumukmok sa kwarto. At sa tuwing dumadaan kami sa kwarto niyo, lagi ka naming naririnig na umiiyak. Hindi mo man alam pero nasasaktan po kaming lahat doon." Napatigil ako sa pag-iyak at mas nakinig sa kwento ni manong.

"Nang makita naming unti-unting humuhupa ang kalungkutan mo dahil kay Sir, ay labis-labis ang pasasalamat namin noon sa kanya. Hanggang sa ikinasal ka po at lumiban ng ibang bahay. Kita niyo naman Ma'am na hanggang ngayon ay nasa tabi mo pa rin kami. Hindi ka namin kayang iwanan dahil sa isipan namin, sa laki ng utang na loob namin sa iyong mga magulang ay hanggang kamatayan ang dapat naming ialay sa iyo. At isa pa, napamahal ka na din sa aming puso."

Mas lalong bumigat ang puso ko sa aking nalaman. Pumasok sa isipan ko ang aming mga kasambahay na andun pa din at si Nanny na tinutukoy ni manong driver na asawa niya.

"Akala namin sasaya ka na ng tuluyan kay Sir pero iba ang nakikita namin ng asawa ko. Tahimik lang kami dahil ayaw naming makialam pero noong umalis ka sa bahay, ay nalungkot ulit kami. Sino ang sisilbihan namin? Wala si Arcise, wala ang amo namin. Pero sabi ni Sir, uuwi ka din, na may pinuntahan ka lang sa ibang bansa. Kaya araw-araw ka po naming hinihintay."

"At noong sinabi ni Sir na uuwi ka na, kahit madaling araw na iyon ay hinintay ka talaga namin."

Kaya ba gising sila noong kababalik ko lang sa bahay? Oh my god! Sa buong pagsasama namin ni Red, minsan ko lang sila napapansin. Dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Red, siya lang ang nakikita ko. Ngayong nalaman kong nakalimutan ko pala sila ay para akong nahiya.

"Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ka po umiiyak Ma'am pero kung nandito man ang magulang mo, hindi sila masisiyahan na makita ka nilang umiiyak at nasasaktan. At kung nandito po ang asawa ko, iiyak din iyon kapag nakita kang umiiyak."

Napatingin na lang ako sa labas ng sasakyan. I should stop this mess. Tama si manong, hindi masisiyahan sina Mommy sa sinapit ko. At ang tanga ko dahil ngayon ko lang sila naisip ulit.

Oh god, mom and dad. I'm sorry. Saka ko lang kayo naaalala kapag nasasaktan ako. Mahal ko po si Red at ang tanga kong siya lang ang isipin sa buong oras.

Alam kong hindi ko man kayang ibalik ang oras at panahon, sana po gabayan ninyo ako ngayong hindi ko na alam ang gagawin. Sorry po.

"Manong, balik po tayong bahay." Pahikbi kong sabi.

Totoong nasasaktan ako ngayon at hindi ko alam ang gagawin kapag makita ko si Red. Pero hindi dapat na ipanatali ko ang sarili ko sa sakit. Kailangan kong ibalik ang dating Arcise, hindi para maitago ang masaklap na katotohan, kundi para makabawi sa mga taong nakalimutan ko dahil sa pagmamahal sa taong winasak ako ng tuluyan.

I won't be anyone's pet. I won't be anyone's shadow na palagi na lang nakasunod sa taong inaapakan ka. Starting today, I'm going to be someone they once knew and loved. I'm going to live like a bamboo grass. Strong and solid. That no matter how storms try to destroy me, I will stay on my ground.

Oras na siguro na idistansya ko naman ang sarili ko kay Red dahil parang lagi na lang akong nasasaktan sa piling niya. Oras na din siguro na bitiwan ko ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito o hindi pero gagawin ko ang lahat na kayanin ito.

Umalis ako noon, pero noong umalis ako, nakatatak doon ang pagmamahal ko kay Red. Umalis ako noong mahal ko siya at palaging umaasa na sana hanapin niya ako at babawi siya. Nang bumalik ako, akala ko makakamit ko na ang gusto kong mangyari, hindi din pala.

Ngayon, wala sa isipan ko ang umalis na naman. Pero aalisin ko ang nasa puso ko at isipan. Aalisin ko ang mga hiling kong alam kong hindi ko na kailanman makakamit. Aalisin ko ang Arcise na mahal si Red at iiwanan ko ang Arcise na palagi na lang umaasa.

Salamat sa sakit at pang-gagago ni Red. Salamat din sa pagkukwento ni manong sa akin. Kung hindi ito nangyari ngayon, mas lalo akong malulunod sa sakit.

I should not think about love anymore... and Red and my love for him.

**

Nakita ko ang pagtango ni Manong driver na hindi ko alam ang pangalan.

May pinindot siya sa ibaba at dahan-dahang nag u-turn. Sa pagliko namin, saka ko pa naalala na may mga tauhan ni Red ang nakasunod sa amin. Limang black auto ang lumiko din at nakasunod.

"Sana po Ma'am makahanap ka po ng kasiyahan at babalik ulit ang Arcise na kilala namin noong buhay pa ang mga magulang niya."

Wala ng luha ang lumabas sa aking mata. Bigla na lamang akong namanhid at nanigas.

Babalik na si Arcise na nakilala niyo noong buhay pa ang mga magulang.

Just please guide me. Hindi dapat ako iiyak kapag makita ang mukha ni Red. Hindi dapat.

Coz starting today, I'm going to live and stand on my own. At gagawin ko ang lahat na hindi kailanganin si Red.

FFFEEEE

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon