Behind Walls 18

17K 300 6
                                    

Kabanata 18

"Hoy!" masayang nilingon ko si Manuela.

"Ano, buntis ka na?" seryosong sabi niya. Napahampas na lang ako sa kanyang braso sabay tawa.

"Ano ka ba! Gagi! May makakarinig sa iyo at kung ano pa ang isipin nila!" ramdam ko ang panginginit ng aking pisnge sa lakas ng boses ni Manuela. Para ulit akong kinikilig na ewan.

"OA. Tama na sa kasiyahan, ateng! May pumunta nga pala dito noong isang araw. Hinahanap ka." Napailing nalang ako kay Manuel. Lalala. Masaya ako. Wala akong papansining masamang vibes simula ngayon.

Kahapon ng gabi lang kami nakauwi ni Red, at nang makarating kami bahay, may nangyari ulit. Nababaliw na ata ako sa taglay kong kagandahan at kahit wala pa akong ginagawa, naaakit ko na ang asawa ko.

Ngayon, isa na lang ang goal ko. Ang paibigin si Red at paaminin siyang mahal niya ako. Dahil kahit hindi niya sabihin, ramdam kong mahal na mahal niya ako. Yes. I assumed. It's what I felt and I am confident about it.

"Ateng, please lang. Pinagtitinginan ka na ng mga tao o. Umaabot na sa noo mo ang ngiti mong nakakakilabot, te! Please." Napairap na lang ako sa kawalan habang nanatili ang ngiti sa aking labi at saka pumasok sa aking opisina.

Natigilan ako una nang makita ko ang loob ng opisina.

Ilang araw na ang lumipas simula nung huli akong punta dito. But I have to say, Manuela really has a good taste of art. Mas lalong gumamda ang opisina namin dahil sa mga idinagdag niyang mga palamuti at halos kulay pink na ang mga gamit namin dito.

Kinuha ko ang papel sa ibabaw ng aking mesa. Umupo ako sa aking swivel chair at humilig. Una kong nabasa ang daily report ng shop na gawa ni Manuela.

Tumaas ng 8% ang sales sa panahong wala ako. Napangiti ako. Magaling talaga ang bading na iyon na humawak a.

Napahilig na lang ako sa aking upuan at kinuha ang cellphone. Agad akong nagtype para itext si Red.

Ako:

Hi.

Ay ewan ko ba! Para akong kinikilig na ewan. Parang may kung anong umusbong na damdamin sa aking puso.

Napangiti akong may reply agad.

Red:

Hello. You hungry?

Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung anong 'hungry ba ang nais iparating ni Red na sa akin. Mapupunit ko na ang labi ko ngayon. Damn it!

Binasa ko ulit at may text pa ang dumating galing sa kanya.

Red:

I'll wait for you here in the office.

Nabitiwan ko na ang cellphone ko sa kilig. My gosh! I don't know why that sounds so much love to me. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Nag-apply ako ng light make-up at saka lumabas.

Nakakunot-noong Manuela na naman ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa aking opisina. Nginitian ko lang at dinaanan. Hindi na ako makakapaghintay na makita ulit si Red kahit ilang oras pa lang kaming nagkalayo.

Paglabas ko, sumabay agad sa akin ang body guards ko at binati ko, dahil walking distance lang ang kompanya ni Red at madali akong nakarating.

"Good morning, Ma'am!" bati ng mga tao sa akin pagkapasok ko. Tinanguan ko lang sila at dumiretso ako ng elevator. Nang makarating ako sa floor ni Red ay napataas agad ang kilay ko.

Nakita ko si Nadia na nagtitimpla ng kape na nakangiti. I cleared my throat and make her notice me.

I succeeded and she noticed me.

Behind Walls (Ruptured Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon