AFTER 1 - RED MOON

987 56 5
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL


My name is Caelen San Rafael. Isang office administration assistant sa Dima Worldwide Corporation.

Sa loob ng ilang gabi ay dinadalaw ako ng kakaibang panaginip. Panaginip kung saan nagbabago ang anyo ko at binabalot ng balahibo ang buo kong katawan. Imbes na kamay tao, isang dambuhalang kamay ng aso ang nakikita ko. Nagigising na lang ako kapag nakita ko ang mukha na ko parang isang lobo, isang Werewolf.



You are a Werewolf.

Find sanctuary in the forest during the Red Moon.

- Sir Joe


Kasabay ng kakaiba kong panaginip ay ang pagdating ng mahiwagang sulat na nagsasabi na isa akong Werewolf. Gusto ko sana tawanan ang kakaibang prank na natanggap ko, pero pakiramdam ko ay may katotohanan na kalakip ang sulat na ito.

Ilang araw na may dumarating na mga sulat sa aming bahay at hindi na ako nagulat nang makita ko ang identical letter na nakapatong sa office desk ko. Parchment paper ang ginamit at may red wax seal stamp pa ito na uso noong makalumang panahon.

May initial na letter J ang seal. Marahil ay mula sa pangalan ng sender na si Sir Joe.


"Caelen, can I talk to you for a minute?"


Ang boses lang ng boss ko ang tila nagpa-balik sa akin sa kasalukuyan. Ilang araw na din ako binabagabag ng panaginip ko at kulang na rin ako sa tulog dahil sa matinding pag-iisip tungkol dito. Tumango lang ako at sinundan siya sa kanyang opisina. Siguro ay gusto niya akong kausapin dahil sa vacation leave request ko.

"Take a seat, Caelen. I received your vacation leave request for a duration of one month. Isang buwan mo gustong mawala sa opisina? Is there something wrong?" nag-aalala na tanong nito.

Ford Harrison, my immediate supervisor. Maraming nag-aasam na mapunta sa aming team dahil sa kanya. He is tall with dark blonde hair. Kahit palaging naka-business attire, astig ito sa kanyang porma dahil sa kanyang left earring. Palaging seryoso ang kanyang magandang mukha, pero napakabait naman nito at hindi suplado.

"Sir Ford, gusto ko po sana magbakasyon muna sa Isabela. Sayang po ang leave credits ko at hindi ko nagagamit. Gusto ko lang po mag recharge, mag-unwind, you know?"

"For one month?"

"Request lang naman po 'yan. Naayos ko na po kung sino ang magcocover ng trabaho ko in case naka-vacation na ako. Kung masyado po matagal ang one month, kahit ilang days lang po---"

"I don't care about the duration of your leave. I care about you, Caelen. May problema ba sa trabaho? Nahihirapan ka ba? May pagkukulang ba ako bilang boss mo?"

"Ay naku, Sir Ford! Wala pong problema sa work, gusto ko lang po talaga magbakasyon. Mukha na kasi akong haggard sa dami ng overtime ko. Baka hindi na ako makapag-asawa dahil mukha na kong losyang."

"Kung sinasagot mo ako, eh 'di may boyfriend ka na."

Napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi ni Sir Ford. Hindi naman lingid sa akin ang kanyang panliligaw. Nagpapadala ito ng bulaklak at pagkain sa bahay namin.

Ayoko lang masyadong seryosohin dahil hindi ko alam kung bakit siya magkakaroon ng interest sa isang tulad ko. Isang ordinaryong empleyado lang ako, hindi sopistikado at hindi mukhang mayaman.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now