BEFORE 20 - STRANGER

207 23 1
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL

Kahit mahirap magkaroon ng dalawang trabaho, pinagsasabay ko ito dahil nag-aaral ako ng Masters degree tuwing weekend. Wala na akong mga magulang kaya ang sarili ko na lang ang inaasahan ko para mabuhay.

Sa isang high-end bar na pag-aari ng French Filipino na si Aurelien Delacroix ako nagtatrabaho tuwing gabi. This is just a part time job dahil assistant bartender lang ako dito.

"Caelen, ipinapatawag ka sa office ni Sir Von. You have a scheduled interview for the internal job posting at exactly 10 AM," sabi ng isa sa mga ka officemates ko.

Sana matanggap ako na secretary. Malaki daw ang salary increase at may dagdag additional benefits. Hindi ko na kailangan magtrabaho sa club ni Sir Aurelien kapag isang secretary na ko dito.

Umakyat ako sa floor ng Shipping Logistics Division, sa mismong office ni si Sir Von. Isang beses ko pa lang siya na-meet noong company anniversary.

Von Dimaculangan. He is tall and masculine, with gorgeous eyelashes. Isang lalaki na tipong titigil ang puso mo kapag nakita mo. Maraming empleyado ang nahuhumaling kay Sir Von. Siguro dahil gwapo at mayaman.

Bago ako pumasok sa office ni Sir Von ay sinalubong na ako ni Zaphorah Kiana Everett or Ms. Zackie, his current secretary. May umuugong na tsismis na magreresign na daw ito kaya naghahanap ng kapalit. Meron naman nagsasabi na kailangan daw niya ng additional assistant dahil buntis daw si Zackie at si Sir Von ang ama.

Pero mas maugong ang balita na si Sir Von ay may relasyon sa kanyang driver na si Aris Garcia. Wala naman akong pakialam sa personal affairs nila. I will not put my nose to where it does not belong.

Pera lang ang habol ko dito.

"Caelen San Rafael? Mr. Dimaculangan will see you now," sabi ni Zackie sabay bukas pinto ng office ni Sir Von.

First time ko nakapasok sa office ni Sir Von. May sariling living room area para sa mga guests. Ang mismong office table ni Sir Von ay naka-elevate ng ilang steps. It is like he is the king inside this room. Though he is just a division manager, masyadong magara ang kanyang opisina. Siguro dahil kamag-anak siya ng may-ari ng Dima Corp.

Natigil lang ang pag-iisip ko ng kung ano ano nang magpaalam na si Zackie na lalabas ng opisina. Ang lalaking nakaupo sa kanyang office throne ay busy sa harap ng kanyang computer na parang insignificant ang existence ko.

Lumipas ang ilang minuto at mukhang wala akong balak kausapin ni Sir Von. I faked a cough para malaman niya na may isa pang nilalang sa kwarto bukod sa kanya.

Mukhang nabasag ko naman ang kanyang icy cold walls dahil bigla siyang tumigil sa kanyang ginagawa. He suddenly looked at me with a frown as if saying - Maghintay Ka Diyan!

"Hi, I am Caelen San Rafael. I am one of the applicants for the secretarial post---"

"I know who you are," he cut me right away.

So bakit po ako nandito? Eh kilala na pala ako?

Siyempre hindi ko sinabi 'yon at ngumiti lang ako. Kunwari ay hindi ako affected ng unwelcoming demeanor ng lalaking ito.

Pera pera pera. Pera ang labanan dito.

Ang secretarial post ng mga Dimaculangan ay hindi ordinaryo lang ang sweldo. Mas mataas dahil mas maraming trabaho. Mas maraming benefits dahil alam mo lahat ng sikreto ng boss mo.

Ang balita ko, may mga mansyon na daw ang mga retired secretaries ng Dima Corp. Kahit ang secretary ng current CEO ay mayaman na din.

"Caelen San Rafael, a graduate of the Office Administration course. A Record Officer in the Human Resource Department of Dima Worldwide Corporation for six months. Exceptional verbal and written communication skills. Well-versed in organizational and project management. Flexible and can work with minimal supervision," sabi ni Sir Von.

Napangiti na lang ako dahil sa magandang recommendation letter na ibinigay ng immediate supervisor ko.

"I also know you are poor as fuck. Hence, you are also working as a part time bartender in Aurelien's Nightclub."

I almost dropped my jaw with his last statement. Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Sa katotohanan na alam ni Sir Von na isa kong part time bartender or dahil sinabihan niya ako ng poor as fuck.

"I only have one question, Ms. San Rafael," seryosong sabi ni Sir Von sabay tingin sa akin ng derecho.

"Uhmm. Ano po 'yon?"

"Why did you accept Aurelien's ridiculous offer a few weeks ago?"

"Po? Offer?" naguguluhan kong tanong.

"The offer to fuck a total stranger?" he said while gritting his teeth.

Gusto ko maglaho sa mga oras na 'yon. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Sir Von ang sikreto na tinatago ko. This will be a total scandal and I will surely lose this job.

There is only one explanation for this. Nilaglag ako ni Aurelien Delacroix.

That blonde fuck revealed my sexcapades to my boss!

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now