AFTER 17 - SHAM

350 38 1
                                    

POV TRAEVON ERIKSSON

When Kuya Lanford reminded me about Jedidiah's vision, the revival of the Alpha using the Stygian Spheres, I was already expecting that Caelen will either be angry or will be sad if I told her that the only means to stop this is by marrying Zackie. But Caelen's reactions surprised me. She took Zackie's confrontation lightly as if she was already expecting this.

It is like she does not care about the visions, she only cares about me.

Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula kay Kuya Lanford at pinapapunta niya ako sa lumang bahay ng mga Eriksson kung saan dati na naninirahan ang parents ko at ang Aunt Gwenevere.

"Traevon, saan ka pupunta? Ang aga pa ah?" tanong ni Caelen nang bumangon ako sa kama.

"May emergency meeting ang mga Direct Heirs. Kakatawag lang ni Kuya Lanford. And it is already eleven in the morning. Let us have some quick brunch in the hotel restaurant."

"But I want some real Hungarian sausage for lunch!" naka-pout na sagot nito.

"Sausage for lunch huh? Are you seducing me in broad daylight?"

Lumapit ako kay Caelen at napasigaw ito nang mabilis ko siyang binuhat at dinala sa shower room. I am sure I am going to be late, but I don't think I can decline this delicious breakfast with her.

Pagdating ko sa bahay ng mga Eriksson ay nandoon ang mga Royal Cavaliers ko na si Galileo Steiner, Polaris Grayson at Einsten Campbell. Kahit ang Cavaliers ng kapatid ko na si Glacier Petroshka at Ainsley Sterling ay nandoon din.

"Nandito na ang mahal na prinsipe! Party na ba ito?" tanong ni Polaris nang dumating ako sa bahay.

"This is a Direct Heir meeting," sagot ni Kuya Lanford.

"Bakit pito lang tayo? Nasaan ang ibang Direct Heirs? Susunduin ko ba sila?"

"I only summoned the Direct Heirs whom I truly trust. No offense to the other Direct Heirs."

Hindi ko alam kung bakit kami nandito, pero mukhang mapapatagal ang pagstay namin dito sa dami ng pagkain na inihanda ni Kuya Lanford. Pumunta ako sa lamesa ang kumuha ng mga sushi. Alam ni Kuya Lanford na ito ang paborito kong pagkain.

"So kamusta ang overnight stay sa hotel? Balita ko ay ginamit mo ang penthouse suite kagabi?" bulong ni Polaris habang kumukuha kami ng pagkain sa table.

Kaya kami magkasundo ni Polaris ay dahil pareho kaming malakas kumain. My mother is the Direct Heir of the Thirteenth Alpha. Sa kanya ko ata namana ang pagkakaroon ng extraordinary appetite. Samantalang si Polaris naman ay palaging gutom dahil ginagamit niya kadalasan ang kanyang teleportation ability.

"I am planning to use the penthouse suite for days. I am confident that you will not disturb me."

"Naks! Mukhang seryoso ka na kay Caelen ah? Pero paano ang vision ni Lolo Jedidiah?"

"Nalaman ni Caelen ang totoong rason kung bakit kailangan ko magpakasal kay Zackie."

"So LQ kayo ni Caelen?"

"No, she is not that type. She is very understanding. Pakiramdam ko nga, kahit mahal niya ako, papalayain niya ko para magpakasal kay Zackie."

"Dude, iyan ay kung mahal ka niya. Huwag assuming masyado na mahal ka ni Caelen para 'di ka nasasaktan."

"Akala ko ba magkakampi tayo? Or Team Lanford ka na din?"

"Ikaw naman, 'di ka na mabiro! Syempre Team Traevon ako. I am a very supportive boylet. I hope Caelen is okay after her confrontation with Zackie. Alam ko na hindi magagawa ni Caelen ang ibinibintang ni Zackie."

Napatingin lang ako kay Polaris. Hindi ito ang unang beses na naramdaman ko na tila matagal na silang magkakilala.

Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay pumunta kami sa living room. Si Kuya Lanford at si Galileo ang pinakamatandang Direct Heirs na nandito. Sigurado ako na sila ang naka-isip ng meeting na ito.

"The First Heirs want to proceed with the wedding of Zaphorah Everett and the Royal Heir. It sounds absurd but they highly believed that the wedding will stop the summoning of our dead twelve Alpha. What do you think about this? I need all of your opinions. Let us start with you, Galileo Steiner," panimula ni Kuya Lanford.

Ibinaba ni Galileo ang hawak niyang plato. Tulad ni Kuya Lanford, seryoso din ito palagi dahil matured na mag-isip, unlike namin ni Polaris na madalas na tinatawag na mga isip bata.

"I am the Direct Heir of the Steiner Family and I highly respect the vision of the First Heir Jedidiah. As a Direct Heir, I will have to agree with the First Heirs' decision. As the head of the Royal Heir's Cavalier, I am considering his safety and his happiness, so I have to disagree with them. Traevon has the right to choose the girl he wants to marry. We are not talking about a simple marriage here. We are talking about a Werewolf Wedding. This is for eternity."

"I am sorry, my dear dudes, but I am with my boylet here. Kung saan siya masaya, doon ako," dagdag ni Polaris sabay akbay sa akin.

"We have to follow the chain of command. The First Heirs are our oldest counselors. We find strength in them. If I will be in the Royal Heir's shoes, I will obey them even if it is against my will," dagdag naman ni Ainsley Sterling.

"I am with Ains here. The Direct Heirs are more powerful than the First Heirs, but we need to follow the hierarchy. The First Heirs have been the deciding body since ancient times. I am sorry, Traevon, but even Kuya Lanford will agree with me. We cannot disregard Jedidiah's vision and the decision of the oldies," sabi naman ni Glacier Petroshka.

Tumango lang si Kuya Lanford. Alam ko nahahati sa nararamdaman niya. If I will take Caelen out of the equation, I am sure he is against my marriage with Zackie but we are now on a different story.

My cousin is already attached to Caelen.

Polaris and Galileo are both on my side, while Kuya Lanford, Ainsley at Glacier are all siding with the First Heirs. This is three versus three and only Einsten Campbell's vote can make a difference.

"I want to hear the point of view of my youngest Cavalier. The new Alpha of the Campbell Family who inherited the advanced skill called Memoria from the Alpha Salathiel himself," sabi ko kay Einsten.

Bata palang si Einsten ay matalino na ito, lalo pa ngayon na nasa kanya na ang advanced skill na Memoria. He is possibly the most intelligent person alive.

"Boy genius, kanina ka kakampi? Team Traevon or Team Lanford?" tanong ni Polaris sa kanya.

"I think that the First Heir Jedidiah's vision is a sham. The vision itself is not real. It was perpetuated by someone else. Even the incident last night in the hotel is another form of deception."

Lahat ng mga kasama ko na Direct Heirs ay napatingin kay Einsten. Hindi na ako nabigla dahil isa ito sa mga absurd theories ni Caelen. Her theories about the manipulation of the Unholy Knight.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now