BEFORE 24 - BLACK CHER

266 21 0
                                        

POV CAELEN SAN RAFAEL

Flashback - A few weeks ago

Cascade San Rafael, my younger brother. Graduating student na dapat ngayon si Cas, pero dahil sa isang aksidente, natigil ito sa pag-aaral at nahihirapan na maglakad. Kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay nang mamayapa ang aming mga magulang ilang taon na ang nakalipas.

Kinabukasan, nagulat na lang ako nang inabot sa akin ng kapatid ko na si Cas ang isang itim na envelope. Isang lalaki na nakasuot daw ng itim na suit ang nag-abot nito sa kanya habang nakatambay siya sa tapat ng gate.

Binuksan ko ang envelope na may laman na sulat. Kalakip nito ang isang cheke na nagkakahalaga ng kalahating milyon. Hindi na ako magtataka kung kanino galing ang sulat. Sapat na ang initials na CF sa harapan ng envelope para malaman ko na mula ito kay Aurelien Delacroix.

"Para saan 'yan, Ate Caelen?" nagtataka na tanong ni Cas.

"Financial help para sa operation mo."

"Mao-operahan na ako? Makakalakad na ko?"

Dahil sa kanyang aksidente, nahirapan ng lumakad si Cas ngayon at gumagamit na ng saklay. Tumigil din siya sa kanyang part time job kaya ako lang ang sagot sa lahat ng aming gastusin. Isang operasyon na nagkakahalaga ng kalahating milyon ang maaaring magpagaling sa kapatid ko.

Pera kapalit nito ay ang virginity ko.

Kung makaka-lakad ang kapatid ko, 'di bale na kung mawala ang virginity ko sa isang kliyente ni Aurelien Delacroix. Napakalaking halaga nito para sa isang mabilis na one-night stand.

Malaking advantage din sa part ko na hindi ko makikita ang lalaking aangkin sa akin. Mabilis ako makaka move-on, charge to experience na lang ang mangyayari.

Dahil sa kaakit akit na offer ni Aurelien, mukhang madali akong makapag-desisyon.

Kinagabihan ay bumisita ako sa office ni Aurelien Delacroix para sabihin ang aking naging pagtanggap sa kanyang offer. Pagpasok ko sa opisina niya ay mukhang inaasahan na niya ako dahil naka-upo siya sa kanyang paboritong red velvet chair. Katabi niya ang babae na mukhang isang supermodel. Nakasuot lang ito ng silvery white na two-piece.

"Did you like my offer?" nakangiti na tanong ni Aurelien sa akin.

"It was indeed a generous offer, Sir Aurelien."

"You can use that money for your brother's operation."

Mukhang nag-research nga si Sir Aurelien dahil almost half a million nga ang gagastusin sa operation ng kapatid ko dahil isang specialista ang mag-sasagawa ng surgery.

Kung kahapon ay hesitant ako sa offer ni Sir Aurelien, ngayon ay tila nagkaroon ng Peso signs ang mga mata ko. Pera nga ang nagpapatakbo ng mundo dahil napaka bilis kong bumigay sa malaking halaga na offer ng lalaking ito.

Isa na ako sa mga tao na nasilaw ng salapi. Isang tao na mukhang pera.

"Sir, may I ask when is this---"

"Tonight, Caelen. My underling will show you the right way. I just have one rule. Do not take off your mask," sagot ni Aurelien sabay tingin sa babaeng may mahabang blonde hair na katabi niya.

Tumango lang ako sa kanya dahil ayoko din makita kung sino man ang lalaking makakasama ko ngayong gabi.

Tulad ni Aurelien, mukha foreigner ang babaeng kasama niya. Slender ang katawan, pero malaki ang hinaharap. Napakaganda din ng kanyang mga bughaw na mata. Mukha nga siyang girlfriend ni Aurelien, pero nakapagtataka na tinawag niya lang itong underling.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. Niyaya niya ako papasok sa kwarto at tumambad sa akin ang isang malawak na walk-in closet.

Hindi itong isang ordinaryong closet, mukha itong isang section ng department store. Imbes na mga damit ang nandito, parang mga costumes. Alam ko na nasa fashion design industry din si Aurelien Delacroix. Marahil mga collection niya ito na nirarampa ng kanyang mga modelo.

Hinawakan ng underling ni Aurelien ang mukha ko at ngumiti sa akin saka pumunta sa gitna ng napakaraming damit. Pagkatapos ng ilang minuto ay may hila hila na itong clothing rack. Muntik na akong mapangaga nang makita ko ang costume na nakasabit dito.

Isang glittering white brassiere na gawa sa white fur na may kapares na white underwear. Meron din silver high-heeled shoes at isang pares ng pakpak.

Mukhang costume ito ng isang sexy cherubim. Mukhang hindi ito nababagay sa akin dahil isa akong demonyita na isusuko ang katawan kapalit lang ng pera. Lumapit sa akin ang underling ni Aurelien na aktong tatanggalin ang damit ko, pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Wait lang. Kailangan ko ba isuot 'yan?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang ito bilang pagsang-ayon. Ipinakita niya din sa akin ang isang white masquerade mask na may small crystals designs na magsisilbing takip sa aking buong mukha.

"Okay lang ba na ako na ang magpalit ng damit ko?" tanong ko sa kanya, pero umiling lang siya sa akin.

Hindi ko alam kung mute siya or hindi lang siya marunong magsalita ng Tagalog. Lumapit siya sa akin at unti unting inangat ang shirt ko. Gusto ko sana siya tulungan, pero umiiling lang siya tuwing gagawin ko ito.

Dahil pareho naman kaming babae, hinayaan ko lang siyang tanggalin lahat ng saplot ko. Tinulungan niya akong magsuot ng aking angel-like costume. Hindi ko alam kung ano nasa isip ni Sir Aurelien, pero ito marahil ang sideline niya.

Ang pambubugaw with a twist.

Niyaya ako ng kanyang underling papasok sa isang pinto sa dulo ng corridor. Hindi ko alam na napakalaki pala ng sakop ng underground level ng Club Fantaisie.

Pumasok kami sa isang kwarto na medyo may kadiliman, pero kapansin pansin ang malawak na circular swimming pool sa gitna ng kwarto. Muntik na akong mapa-atras nang makita ko ang isang lalaki na nakatalikod sa amin. May itim itong pakpak na parang isang black archangel.

Tulad ko, malamang binihisan ito ng isa sa mga alagad ni Sir Aurelien.

Magtatanong pa sana ako sa babaeng underling, pero nakapagtataka na biglang nawalan ako ng boses. Sinubukan ko magsalita pero walang tinig na lumalabas sa akin.

Kasabay ng paglabas ng pinto ng underling ni Aurelien ay ang pagharap ng lalaki sa akin. He is almost naked with his glittering black underwear. Ang mukha niya ay natatakpan din ng glossy black mask na tulad sa akin.

It is like he is posing as a black angel, a devil or my counterpart.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now