BEFORE 31 - 13TH

199 28 2
                                    

POV TRAEVON ERIKSSON

Joaquim Hidalgo. He is my ancestor and the Thirteenth Werewolf Alpha. Instead of concerning himself with Werewolf affairs, he chose to be a university professor. My sister Traenna Eriksson grew up with him as his mentor. He goes by the name Professor Joe Vera right now.

Mas cool daw pakinggan at parang bata lang.

"Sir Von, saan ba talaga tayo pupunta? Bakit po ikaw ang nagda-drive? Nasaan po si boyfie?" tanong ni Caelen habang nasa loob kami ng sasakyan.

"Pupuntahan natin ang lolo ko."

"Sir Von, alam mo ba na diyan ako nagwowork dati?" sabi ni Caelen sabay turo sa isang coffee shop na malapit sa university.

"Barista?"

"Opo! Marunong nga ako ng coffee arts, tinuruan ako ng ex ko."

"Ex mo? May ex boyfriend ka?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Ay bawal po ba? Kung hindi mo mahal si Aris, iisipin ko nagseselos ka, Sir Von," sabi nito sabay kurot sa braso ko.

Caelen was a virgin when I first took her, that is why I was stunned when she mentioned an ex-boyfriend.

"Nag-uusap pa ba kayo? Nasaan na siya ngayon? Mahal mo pa ba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Madalas po siya diyan sa coffee shop. Barista slash owner, pero madalas nasa ibang bansa siya. Long distance relationship kami noon. Bihira kami magkita. Chat at video calls lang."

"Hindi mo sinagot ang mga tanong ko."

"Hindi na po kami nag-uusap ni Levine. Sa pagkakaalam ko, nasa ibang bansa na siya. Mahal ko pa ba? Ewan ko, siguro. Pogi 'yon, Sir Von. Mas pogi pa kay Aris, pero straight siya kaya Cannot Be kayo."

"Cannot be?" gigil na tanong ko kay Caelen.

"Alam mo, Sir Von. Akala ko nga noon barista lang siya. Nagulat na lang ako nang ipinagtapat niya na siya pala ang owner ng coffee shop. Gusto mo ba puntahan natin ang coffee shop niya---"

"No!"

"Ay bakit?"

"Ang sabi ko No, 'di ba? Paulit ulit? Gusto mo bang sabunutan kita sa kakulitan mo? Dumadami wrinkles ko sa'yo!"

"Moody ka na naman, Sir Von. LQ ba kayo ni Aris? Or kulang sa score?"

Kung pwede lang pagsamantalahan ang babaeng ito everytime na inaasar niya ako, ginawa ko na. Kaso malalaman niya na totoo akong lalaki. Kapag nalaman niya na lalaki talaga ako at wala kaming relasyon ni Aris ay baka maging awkward ang treatment niya sa akin.

Pagdating namin sa university ay pinuntahan ko agad ang lolo ko na opisina niya. Nadatnan namin ito na kausap ang isang middle-age na babaeng professor na tuwang tuwa sa mga jokes ng lolo ko. Nagpaalam lang ang co-worker ng lolo nang mapansin niya na may bisita ito.

"Buti pa si Traenna, palagi ako pinagba-bake ng Macarons, samantalang ang ka-look alike ko na apo ko, bihira ako bisitahin," nagtatampo na sabi nito.

Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. Mabilis ko din ipinakilala si Caelen sa kanya na mukhang na-starstruck sa lolo ko. Siguro ay hindi niya akalain na medyo bata pa ito para maging lolo.

Wala siyang kaalam alam na ilang libong taon na ito.

"Alam mo naman na busy po ako sa trabaho. At pinadadalhan naman kita ng cake tuwing weekend ah?"

Sabi ng mommy ko, college student pa lang siya ay matakaw na ang lolo ko. Mahilig sa dessert at sa tinapay. Epekto daw ito ng pagiging Thirteenth Werewolf Alpha. Kung walang lahing Werewolf ang lolo, malamang ay mataas na ang blood sugar nito.

"Busy sa work? Baka busy sa girlfriend? Caelen, ilan months na kayo ni Traevon? Alam mo ba na ikaw lang ang babaeng pinakilala niya sa akin. Naku, makakapunta ka ng Sweden panigurado!"

"Po? Ay hindi po, Sir Joe! Secretary po ako ni Sir Von. May iba po siyang boylet."

"Boylet?"

Tinignan ko lang ng masama si Caelen dahil sa daldal niya. Sinabihan ko muna siya na ibili kami ng snacks ng lolo sa university canteen dahil may pag-uusapan kami na hindi dapat niya marinig.

"Sinong boylet ang tinutukoy ni Caelen? Traevon, you are the Royal Heir! You cannot produce an heir by means of fencing!"

"Lolo, chill ka lang. Akala ni Caelen ay may relasyon kami ni Polaris."

"The Grayson Direct Heir?"

"Yeah. Nakikisakay lang ako sa trip nila. Anyway, I am here about Alpha Ezra. I need your advice."

Biglang nagbago ang expression ng lolo nang binanggit ko ang pangalan ni Alpha Ezra. Naglabas siya ng tatlong box ng chocolates sa drawer niya. Para kaming mag-iinuman pero chocolates ang trip niya. Parehong pareho sila ni Einsten na chocolates ang libangan.

Mabilis ko na ikinuwento sa lolo ang tungkol sa ilusyon ni Alpha Ezra. Sinabi ko din sa kanya na nagpatawag ako ng emergency meeting ng mga First Heirs.

"The theory of the Campbell boy makes sense. It is called a Slumbering Spell. A powerful inactive spell that can be activated once the criteria has been met."

"Kailan ka pa naging well-versed sa mga spells?"

"I know a thing or two about spells. May ex-girlfriend akong witch na isa din professor sa isang wizard school sa Denmark."

"Are you referring to the witch who helped the Werewolf Clan during the Werewolf-Demon Witch War?"

"Yes, but we broke up as she chose her magic instead of being a Werewolf."

"Tragic love story?"

"Not really, unlike your story with Caelen. Mukhang tragic ang ending niyo," sagot nito sa akin sabay tawa ng malakas na parang nang-aasar pa.

"Lolo, I really like her but the freaking vision of Jedidiah is bothering me. I don't want to be married to Zackie. Kaya nga nang malaman ko na gusto niya magresign ay hindi ko na siya pinigilan."

"Follow your heart, son. I am just not sure how you will be able to explain to her that you are the same man who took her innocence in Club Fantaisie if you already told her that you are the boylet of the Grayson Direct Heir."

"Lolo Joah! Don't use your Historia ability on me! That's cheating and peeping!"

"I did not absorb your past, son. Your attraction to Caelen is too powerful, that is why I saw your past. Wala akong nakita na costume ng angels, promise!" nakangisi na sabi nito.

"Cheater! Namboboso ka eh! Pero ano ngayon gagawin ko kay Alpha Ezra? I need your advice. Lolo, please help me. What if they are indeed in danger?"

"The First Heirs will know what to do. I am sure the twelve Alpha are fine. No need to worry about it, Royal Heir."

Gusto ko man maniwala sa lolo ko, pero mukhang nag-aalala din ito sa sinabi ni Alpha Ezra. Itinatago niya lang sa pamamagitan ng kanyang pagbibiro sa akin.

"And Traevon, if you already made Caelen as your Mate, your lolo will support you. Fuck Jedidiah's vision!"

Mukhang alam na din niya na ginawa kong Mate si Caelen sa unang gabi namin sa Club Fantaisie.

Being a friend with the Thirteenth Alpha is cool, but being his grandson is definitely more awesome.

Teach Me How To AlphaWhere stories live. Discover now