[03]

754 23 0
                                    

Nung natapos kami kumain ay tumambay lang kami sa inuupuan namin dahil tinatamad daw si Pia mag lakad after kumain. Hindi naman kumain si Dave kaya nag cellphone lang. Ako gustong gusto na maka-alis sa puwesto kong ito dahil nasasakal ako sa awkwardness.

"So ate, tell me about yourself. Hindi ka kasi yung usual na players na may vlog. Isipin mo na lang na QnA to." Pag open ng topic ni Pia na parang nakuha niya yung atensyon ni Dave.

"What do you want to know about me?" Tanong ko sa kaniya habang inayos ang pag kakaupo. "Your love life please." Napaubo naman si Dave sa tanong ng kapatid niya kaya nginitian ko lang si Pia.

"That's a little bit personal." Sagot ko na nag puppy eyes naman siya. "Okay fine, I just had one boyfriend." Simple kong sagot sa kaniya.

"Had? Past tense? Single ka?" Pag tatanong niya na tinanguan ko. "During my high school here sa ateneo, we broke up."

"Aww ang sad naman." Commento niya sa akin na parang maiiyak na.

"Natatapos lahat ng relasyon Pia." Pag sasalita ni Dave after a long silence.

"Hindi naman ikaw yung EX-Boyfriend, shut up ka na lang diyan. Kung gusto mo si ate Zella pormahan mo edi matutuwa po ko sa iyo." Inis na sabi ni Pia sa Kuya niya na ikinatawa ko. For sure nainis si Dave sa pang aasar ng kapatid niya.

"Umuwi na nga tayo hinahanap na tayo ni nanay." Pag hila niya kay Pia na iniwan na lang ako mag isa.

Entry:10

Why did you pretend that you didn't know me? Wala na ba talaga ako diyan sa puso mo? Did you really erased me after that break up?

But it was nice hearing your voice again, even though ang cold mo sa akin. I miss your sweet, clingy voice for me.

~~~

*Dave's P.O.V.*

Pag hila ko kay Pia bigla niya ako tinulak palayo. "Ang panira mo kuya, idol ko yun oh. Tapos puputulin mo lang usapan namin." Pag rereklamo niya sa akin na hindi ko pinansin.

"Bakit mo ba naman kasi kailangan uriratin ang love life." Pag tatatanong ko sa kaniya habang nag drive. "Ayy bakit ikaw ba yung ex? Hindi namana 'di ba?" Kanina niya pa yan tinatanong baka sagutin ko na naging kami talaga.

Bigla nag ring ang phone ko, titignan ko sana kaso inagaw bigla ni Pia. "Bawal nag cellphone habang nag drive." Sabi niya kaya sinagot niya yung tawag.

"Hello? Ate Kaila?" Sagot niya sa kabilang linya knowing that it is Kaila Dy. "Alright I'll tell him." Binabaan ni Sofia yung kausap niya na si Kaila at humarap sa akin.

"Huy kuya, may date raw kayo nun. Akala ko ba ate Vanie ka bat ngayon may Kaila pa? Gulo mo." Pahayag niya sa akin na tinawanan ko. "Ang pakielamera mo sa mga love life ano manahimik ka na nga lang diyan."

Pag kababa ko sa kaniya sa bahay dumeretso na ako para i-meet si Kaila. Well she is a courtside reporter for the UAAP season and she needs help with some terms about basketball dahil volleyball ang forte niya.

I arrived at the La Salle Building, not really sure what's the name of the building. Pag dating ko nakita ko siyang nag laptop, kasama yung kasama ko lang kanina.

Bakit nandito siya? Bakit wala nag sasabi sa akin na makikita ko siya ulit? Lumayas nga ako sa JSEC para iwasan siya tapos hindi pala ako makakaiwas. Ang galing naman!?

"Sorry I'm late." Maikli kong pahayag na iniwasan na naman niya ako ng tingin.

"Totally fine I had company naman." Sagot ni Kaila sa akin na binigyan ko ng beso.

Walang imik pa rin si Zell na hanggang ngayon, umupo na ako lahat lahat sa harap niya sa laptop pa rin siya nakatingin.

*Zell's P.O.V.*

Since nung dumating siya kanina niya pa ako tinitignan. Kapag kausap siya ni Kaila titingin siya sa akin. Hindi ko maintindihan ano trip neto sa buhay eh.

"Restroom lang ako guys." Sabi ni Kaila na binalingan ko ng pansin at tumango naman ako.

Pag alis niya nag type lang ako sa may laptop ko ng ginagawa kong assignment. "Are you ignoring me?" Tanong ni Dave sa akin na ikakahina ng tuhod ko. Naka upo na ako sa lagay na yan nang hihina pa rin.

"Why would I ignore you?" Tanong ko pabalik sa kaniya na buti na lang hindi halatang takot mag salita.

"Buti na yung malinaw." Malinaw ang alin? Hindi ko na kaya to baka ako na umalis at tumakas.

Bumalik naman agad si Kaila na parang nag mamadali na umalis, kaya niligpit ko na lang gamit ko at aalis na rin sana. Hindi ko naman kasi university to. Outsider lang naman kami ni Dave rito.

Hindi na nag salita ang gaga at iniwan na talaga ako. Nung nakalabas ako ng building doon na ako nabuset kasi lahat ng jeep na nakikita ko punuan.

Di ko naman dala kotse ko dahil nag lakad lang ako papasok tapos sinundo lang ako ni Kaila from Ateneo.

Dear, Dave Ildefonsoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें