[08]

682 21 0
                                    

It has been a week since that movie time or should I say date with him. 'Cause it feels, and looks like a date. Who wouldn't think that it isn't? Pero sabi ko nga hindi ako assuming at friendly lang talaga yung tao. I never saw him again since that. Balita ko kasi super stressed na sa acads yun tapos recently may game sa UAAP, Ateneo against La Salle ata yun or UP. Hindi ko lang masyado sure!

Wala kasi ako time manood ng game nila. Narinig ko lang yan sa mga ka-team ko lalong lalo na kay Sofia, ewan ba sa batang yun. Hindi ko alam kung sobrang proud ba siya o naiinis sa kuya niya ehh. Kaya ayun sakanila na lang ako naki-chismis busy kasi ako sa magiging game at mga academic ko, stress na nga rin ako sa buhay ko. Seriously, who can survive college?

Nasa klase ako ngayon, as usual tulala. Wala na akong gana makinig sa prof ko dahil last class na ito bago yung in-organize ni UAAP for the varsity teams. It's more like a volunteer thing kaso attendance mandatory raw, wala makakatakas kasi si Coach ang mag check ng attendance. Tapos 2 weeks ata kami roon, unofficial pa yung location mga coach lang namin ang nakaka-alam.

Pag tapos ng klase dumaan muna ako sa may cafeteria para bumili ng french fries, kanina pang umaga ako nag crave kumain nun kaso nawawala sa isip ko. Ngayon na naalala ko bibili na ako, naka-pila ako sa may stall bitbit yung duffle bag ko dahil dapat dumeretso na ako sa court, nung ako na sunod sa pila may sumingit pa.

"Ate, dalawa po na barbecue flavored na fries, regular serving yung akin tapos po yung large serving po sa kaniya." Pag sasalita ni Dave na nasa unahan ko. Tumingin naman ako sa kaniya ng masama na may halong gulat. "You don't like barbecue flavored ba? Yun lagi cravings mo pag dating sa fries ah."

"No I'm actually getting that, nagulat lang ako na nag cut ka ng line." Walang sigla kong sagot sa kaniya at kinuha yung wallet ko sa duffle bag. Pero bigla niya inabot kay manang yung pera at kinuha yung sukli kasama yung fries niya. "It's my treat, galingan sa practice." Bulong niyang sabi sa akin at tumakbo na pa alis.

Kinuha ko na lang yung fries na binayaran niya at nag lakad na papuntang court. Nakasalubong ko nga si Pia na natuwa dahil may hawak akong fries. Inalok ko siyang kumuha na hindi naman niya tinanggihan. "Ate Zell, you like barbecue flavored fries?" Gulat niyang tanong habang nginunguya yung fries na kinuha niya sa lalagyan na hawak ko. Tumango naman ako as a response tapos nag kunot noo siya.

"You and Kuya Dave have the same taste, he likes barbecue flavored fries din eh. Sa foods, sabi mo favorite mo cookies and cream diba. He was craving for that kind of Ice Cream. Sa fashion, you always wear that Limited Nike Shoes Edition. He have the same thing, displayed nga lang. Even the movies, last week you posted Alone/Together on your Instagram story right. After I saw that story he was watching it too." Pag papaliwanag niya na akala mo nakakita ng alien o multo dahil sa magkatulad naming taste ni Dave sa bagay bagay.

"Hindi mo naman siya follower so I know it's a huge coincidence. I find it so cute too, his fans ship ate Vanie and ate Kaila. But me I like shilping you two, your my idol and his my kuya. So pag naging kayo botong boto ako sa iyo." Nung sinabi niya iyon nasamid ako sa kinakain kong fries.

"Sinabi ko nga sa kaniya na, you should court ate Zell. Pero hindi ko na pinilit kasi I really think he have a thing with ate Vanie." Dagdag niya pa sa mga sinabi niya. Gusto ko sanang tanongin ano sinagot ni Dave when she said that he should try to court me. Hindi ko lang alam may part pa rin siguro ng sarili ko na gusto siyang balikan, kahit na mutual breakup yung nangyari.

Kasi may mga tao na na-miss ex nila pero di na nila gusto balikan. Ako yung 50 percent ng puso ko gustong gusto siya balikan kaso yung other 50 percent kasi hindi sigurado.

Ayaw ko naman na tanungin si Pia kasi makulit at madaldal siya, baka ipagkalat na may crush ako sa kuya niya kahit wala naman. That's why I ignored the question I really want to ask.

Dear, Dave IldefonsoWhere stories live. Discover now