[20]

607 15 0
                                    

*Pia's P.O.V.*

After reading her entries to kuya Dave I feel sad about it. Dapat hindi ko na lang pinakialaman, para hindi na ako nasasaktan sa love life ng ibang tao. Yes, some of her entries are sweet and nice pero iba yung sakit na nararamdaman ko for her. Nakikita ko na ate Zell still loves kuya Dave, pero bakit ganun parang wala lang kay kuya.

"Pia, dinner na raw sabi ni nanay." Pag aaya ni kuya sa akin na pinag buksan ko ng pintuan. "Ang galing mo rin ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ha kuya?" Nag tataka naman siya sa mga tanong ko na hindi maintindihan saan ako nagagalit. Wala ba talaga siyang alam?

"You and ate Zell. Naging kayo 'di ba? Bakit mo tinago sa akin yun? Naiintindihan ko na hindi sinabi ni ate yun sa akin pero ikaw? Kuya naman, why keep it as a secret?" Nagulat siya sa mga tinanong ko na pumasok pa sa kwarto ko at sinara iyon.

"Did she tell you that? Did she?" Curious na tanong ni kuya sa akin ng pabulong lamang. "You do like her, that's why you two have same things in common. But why hide it?"

"Hindi niya ako gugustuhin, dahil talunan ako." Sagot niya sa naging tanong ko. "Read this and tell me that she doesn't want you back."

Binigay ko sa kaniya yung notebook na kinuha ko ng palihim galing kay Ate Zell. "Ano ito?" Tanong niya nung tinignan niya iyon. "It's ate Zell's diary, she writes entries for you."

"Bakit nasa iyo ito?" Pag sasalita niya na natatakot sa malalaman sa babasahin. "Kinuha ko, kasi kanina ate Vanie and ate Zell fought. Then she is killing herself at practicing her skills. Tapos ayun minumura niya pangalan mo habang hinahampas yung bola, na-curious ako bakit siya galit sa iyo ng ganun." Pag papaliwanag ko sa kaniya kung bakit ko kinuha ang notebook ni ate na inagaw na niya sa akin yung inaabot kong notebook kanina.

"Is she still there? Sa court?" Tanong niya na parang gusto malaman agad ang sagot. "When I left, yeah she is still there. Pero hindi ko alam kung nandun pa ba siya ngayon."

Iniwan niya ako sa kwarto at tumakbo pababa ng hagdanan. "Nay, urgent lang po." Sabi naman ni kuya kay nanay na lumabas ng bahay at narinig ko na lang na umandar yung makina ng sasakyan niya.

*Dave's P.O.V.*

Nung pinaandar ko ang sasakyan ko ay nag drive ako papunta sa katipunan. Hindi naman traffic kaya madali lang ako nakarating. Tumakbo ako papunta sa volleyball court pero wala akong nakita na kahit anino man lang niya.

Kaya bumalik na lang ako sa sasakyan ko at huminga ng malalim. Tinignan ko yung notebook na binigay ni Pia sa akin, nag dadalawang isip kung babasahin ko ba o hindi. Paano kung hindi maganda ang mabasa ko about sa akin ano gagawin ko?

"Basahin mo na." Pag kukumbinsi ko sa sarili ko kaya kinuha ko ulit iyon at sinimulan na nga basahin.

Habang binabasa ko iyon ay napapangiti at nalulungkot ako. Bakit pakiramdam ko na pinag-lalaruan ko ang damdamin niya. Ang gago ko pala, bakit ko hinayaan kami humantong sa ganito.

Sa sobrang inis ko sa sarili ko ay nag drive ulit ako pero papunta na sa condo niya para makausap siya. Kaso sa sobrang malas ko rin naabutan ako ng traffic dahil may lasing na nakipag banggaan sa poste.

"Kailangan ko na maka-punta sa kaniya pwede ba alisin niyo na lang tong banggaan na ito. Please lang." Pag sasalita ko ulit sa sarili ko na hinihiling na agad na masulusyunan ang banggaan na nasa harapan ko.

Dahil gusto ko na siya makita, maka-usap, makahingi ng tawad sa mga kagaguhan na ginawa ko. At may part ng sarili ko na gusto ko siyang balilikan.

Dear, Dave IldefonsoKde žijí příběhy. Začni objevovat