[16]

588 17 0
                                    

Entry:17

I didn't know you and Vanie have a usual spot together, yun din ba yung usual spot natin?

Nag seselos na ako, gusto na kitang balikan pero alam ko na bawal.

~~~

Pag balik namin sa ateneo nag taxi na lang ako papunta sa condo dahil ayaw ko na makasabay sa biyahe si Dave.

Nakabalik ako sa condo at ang ginawa ko na lang ay ayusin ang gamit ko, do the laundry and cook something to eat.

While I eat I am watching the Netflix Series that I haven't finished yet. Para matapos na pang alis na rin ng inis sa nakita kong text na yun. Bigla naman nag vibrate phone ko dahil sa notification, kaya nilapag ko ang pagkain ko at tinignan yun.

piaildefonso: Teh, wanna hangout?

vzellasco: I'm tired na, tomorrow na lang.

piaildefonso: Ohh yeah, you agreed to watch Kuya's game with me. Finals na nila yun right.

vzellasco: when did I agree? Ayaw ko manood ng game stress na nga ako sa game natin eh.

piaildefonso: sabay na lang tayo pumunta bukas susunduin kita.

Mag reply pa sana ulit ako para tumanggi kasi ayaw ko talaga, kaso bigla na lang siya nag offline. I never agreed to watch Dave's game, para-paraan niya na naman yan kasi ship niya nga raw kami ng kuya niya.

I decided to just stop watching the Netflix Series and wash the dishes. After that I went to the restroom and do my night routine. Nag toothbrush ako ng mag vibrate ulit yung phone ko kaya tinignan ko iyon.

ildavefonso: I heard you'll watch my game tomorrow.

vzellasco: Ano gagawin ko? mapipilitan lang naman ako pumunta

ildavefonso: why? You like watching me play basketball, sabi mo pa nga dati I look stunning

vzellasco: Dati yun, hindi na ngayon. Wag ka na magulo I am brushing my teeth.

ildavefonso: so you're going nga?

vzellasco: jeez, oo nga ang kulit.

I turned it off, and just continue brushing my teeth. Adik ba siya alam naman niya na pupunta ako tapos kung ano ano pa pinagsasabi. Nung natapos ako mag toothbrush ay nag hilamos ako ng mukha at ginawa yung skin care routine ko. Para kahit walang jowa maganda pa rin, hindi pwedeng mukha tayong ewan.

Nagising na lang ako sa ringtone ko, tinignan ko iyon at si Pia ang natawag. "Hello ate Zella, I'm outside your condo. Kanina pa ako nag doorbell pero ayaw mo naman buksan." Binabaan ko siya at tumayo na sa kama para mag lakad papunta sa pintuan.

"Ang aga aga pa Pia." Reklamo ko sa kaniya nung pinag buksan ko siya ng pintuan. "Dali na, mag ready at bihis ka na ate Zell." I sighed and went back to my room to go take a shower.

Nasa sala siya nag aantay sa akin nung natapos na ako maligo at nakabihis na rin. Me and Pia wear a matching ATENEO shirt and we both wear skinny jeans. Siya naka rubber shoes habang ako sinuot ko yung heels ko.

"Okay let's go." Pag aaya ko sa kaniya para maka alis na. Habang nag drive siya kinuha ko yung diary ko sa bag at tinignan iyon. "What's that ate?" Tanong ni Pia na agaran ko naman naisara yung notebook ko na may puro sulat para kay Dave.

"It's my essay assignment for English." Pag dadahilan ko na tinanguan niya ako.

Nakarating din naman kami agad sa arena at pumasok na kami dahil nasa kaniya ang tickets. Nung pag pasok namin ay bumili siya ng snack ako naman umupo na sa puwesto namin at inaantay mag simula ang game.

Entry:18

This is the first time I will officially watch you play basketball in the arena. Dati kasi sa youtube or sa facebook lang kita napapanood.

I am really happy that we both achieved our dreams and still working for us to grow at this kind of career. Pero pwede na rin ba tayo mag balikan? Kasi hindi na kaya ng puso't isipan ko na hindi tayo.

Dear, Dave IldefonsoWhere stories live. Discover now