[06]

713 17 0
                                    

Nung nasa pool na kami nag swimming lang ako, habang si Pia nag tatampisaw lang. Naka ngiti siya sa akin habang nalangoy ako papunta sa kaniya. "I told you this will make you smile." Sabi niya sa akin sabay lumusong na rin sa tubig.

"Eto kasi ginagawa ni Kuya Dave pag frustrated siya sa outcome ng game, swimming to cool off." Pag papaliwanag niya sa akin na tinanguan ko lamang.

Lumangoy na siya habang ako naman umupo lang sa may hagdan ng pool. Nilalaro yung tubig, making small waves. Nagulat na lang ako ng biglang umahon si Pia.

"Saglit lang ate Zell, kukuha ako snacks." Kaya hinayaan ko na lang siya. Palangoy na sana ako kaso nakita ko si Dave na nag lalakad papsok ng bahay. Madadaanan niya muna kasi yung pool bago makapasok ng tuluyan sa loob.

I can see that he was shocked to see me there, I was shocked too. Hindi ko naman gusto na makita siya sa sitwasyon na ganito.

Nag iisip ako kung aahon ba o hindi. Pero nawala yung iniisip kong yun nung nilapag ni Dave yung susi niya sa may coffee table sa gilid tapos nag hubad ng t-shirt.

 Pero nawala yung iniisip kong yun nung nilapag ni Dave yung susi niya sa may coffee table sa gilid tapos nag hubad ng t-shirt

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumusong siya sa tubig, at dahan dahan nag lalakad papunta sa akin, naging estatwa naman katawan ko hindi makagalaw. Bakit siya lumalapit sa akin?

Nung isang inch na lang layo niya sa akin bigla siya tumingin sa tubig na ikinagulat ko. Natakpan ko pa nga sarili kong katawan dahil doon. Naging mahiyain ako bigla sa suot ko.

"Why hide it? You look amazing on those." Pag sasalita niya habang binigyan ako ng malalim na tingin.

I didn't know what to do, kinakabahan ako, nag papanic na ako ng sobra. Asan na ba si Sofia? Para makalayo na ako sa sitwasyon na ito.

"What are you looking at? Nandito ako, look at me." Sabi niya na hinawakan yung baba ko at pinatingin nga ako sa kaniya.

I want to look away but his look was captivating me. He leaned towards me, at ramdam ko na yung hangin na lumalabas sa bibig niya.

"I'm proud of you, you played sexily earlier." He praised me using his husky deep voice. Hindi ko alam kung nang hina ba ako o nahilo pero napahawak ako sa dibdib niya.

Napatingin siya sa kamay ko na nakapatong nga sa dibdib niya, pero bumalik din naman ang tingin niya sa akin. He smirked at me!

He was leaning again, leaning towards my face. Gusto niya akong halikan pero bigla dumating si Pia na may dalang snacks.

"Uyy, kuya nandito ka na pala." Salita ni Pia sa kuya niyang naka upo na sa tabi ko.

Lumangoy ako pa layo kay Dave at tumambay sa may corner ng pool. Doon nag lakad si Pia at nilapag sa tabi ko yung snacks. "What did you guys talked about?"

We both look at Dave who is looking directly at me with a smirk on his face. "Ohh a-about the game." Pag sasalita ko na nautal dahil parang malapit pa rin sa akin si Dave.

Tumango lang si Pia at nag patuloy sa pag kain ng snacks na binitbit niya. Tinapik ko siya para makuha yung atensyon niya, tumingin naman si Pia sa akin. "I'll go home na, I'm tired na and it's getting late." Pagkasabi ko nun ay umahon ako at kinuha yung bathrobe na binigay ni Sofia kanina.

Nag lakad ako papunta sa kwarto ni Pia kung saan ko iniwan yung damit ko at yung duffle bag ko. Habang nag bibihis ako may kumatok sa pintuan ng cr. Pinagbuksan ko na lang yun nung nakabihis na ako.

"Wait for me ate ako na lang mag hahatid sa iyo sa condo mo." Pag aalok niya na nginitian ko. "No need I still have to drop by somewhere before going home eh."

Napapayag ko naman siya kaya nag lakad na ako palabas ng kwarto lalong lalo na ng bahay nila.

Naglalakad ako palabas sa may village nila nang may bumusina sa likuran ko. Tinignan ko yung bumusina at tumigil siya sa tapat ko. "Let me drop you off, mag gagabi na delikado na daan." Sabi ni Dave sa akin.

Sumakay ako kasi, I know he wouldn't take no for an answer. "Can you please drop me off, na lang sa malapit na convenient store sa condo ko." Tumango siya sa akin at pinagpatuloy ang pag drive.

Hindi naman na ako nag salita sa kaniya dahil hindi ko alam ano pwede ko sabihin, after the moment we had back at their house. Masyadong mainit ang nangyayari ayaw ko mapaso at baka masaktan pa ako.

^A/N: Ang hot ni Dave sa picture na yan.^

Dear, Dave IldefonsoWhere stories live. Discover now