[30]

862 21 4
                                    

So ayun yung tinatago niya sa backpack niya? Akala ko kung ano naman yun lang pala ang surpresa niya. "Oo mas mahal ka ng kapatid ko kesa sa akin, kaya pwede ba paki panalo na ang laro?" Pag sasalita ni Pia na tinanguan ko.

Nag aantay na lang kami na matapos yung time out. Nung nakabalik kami ay tinira na ng UP ang bola papunta sa amin na block iyon ni Dani at sinet ko papunta sa kanila at nakapuntos ako.

"Yessss, oh my gosh." Sigaw ni Dani sa akin na hindi makapaniwala na 24 points na ang meron kami. "Damn Velasco!" Sigaw ni Coach na natawa ang mga ka-team ko.

Si Pia ang nag serve ng bola papunta sa kanila at sinalo iyon ng middle blocker ng UP. Inaantay ko na itira nila sa amin papunta iyon ng inihagis nila sa ere yung bola I didn't think for a second and go straight to the net and help them block it. Nung na block namin iyon ay nag touch ang bola sa court side nila.

25 points na ang ateneo making us win for the championship. "We won!!" Sigaw ng karamihan sa amin pero hindi pa nag sink-in sa utak ko. "Hey, we won. You won!" Pag sasalita ni Dani sa akin na niyakap ako.

Inalis ko ang yakap ni Dani dahil pati siya nawiwindang. Nakita ko yung iba umiiyak na pero may gusto ako makita. Gusto ko makita si Dave. Nilibot ko yung paningin ko sa may mga upuan kung saan siya nakapuwesto pero wala na siya roon.

Hanggang sa may kumalabit sa akin at tinignan ko kung sino iyon. Si Pia tinuturo ang kuya niya sa may malapit sa dugout namin. Tumakbo ako papunta sa kaniya tumalon at niyakap siya pag lapit ko sa kaniya. "I won babe. I won!" Bulong ko habang buhat buhat niya ako.

"I know babe, I saw I was watching remember." Bulong niya rin sa akin pa balik. Habang buhat niya ako hinawakan ko yung pisngi niya at hinalikan siya. Inalis ko rin ang halikan namin nung nag sisigawan ang mga ka-team ko sa likod namin.

Binaba ako ni Dave at lumapit sa kapatid niya para makipag high-five. "Nice win!" Commento pa nito.

Inabutan kami ni Coach ng Champion T-shirt at sinuot namin iyon. Pag tapos ibigay ni Coach ang mga t-shirt ay ginawa na yung awarding ceremony. Binigyan pa nga kami ng gold medal, na sinabit sa amin. Lahat kami ay nakangiti lamang buong oras nung ceremony.

Nung natapos naman iyon ay nag stay lang kami sa court dahil may pa interview pa na nagaganap. Kausap nila si Vanie ngayon kasama ni Dani. Habang ako nakatingin at ka-holding hands lang si Dave.

Hinila naman ako ni Pia palayo kay Dave kaya nabitawan ko ang kamay niya. "Let's talk to Pia and Zella naman." Sabi nung reporter sa amin. "Hello boom, how have you been?" Tanong ko sa reporter. "I'm good, what it feels like to win the championship for the Ateneo?"

"Oh it's great, and mixed feelings actually." Tumawa sila sa akin at tumango. "Sofia, how was it to play with your brother's girlfriend?" Tanong nung reporter na ikinahiya ko. "HAHA, it's a dream come true. From an Idol to my soon to be sister-in-law." Sabi naman niya na pinag hiyawan ng crowds. "Wow, Dave must've been your inspiration for this Zella."

"Yes indeed, he is my inspiration and thanks to him... WE WON!" Sigaw ko at tumingin sa kaniya. Grabe pala yung feeling na lahat ng ito ay dahil sa mga pangarap namin since high school pa. I can't believe that our relationship will be a good outcome.

AT DOON PO NAG TATAPOS ANG DEAR, DAVE ILDEFONSO
SANA PO AY NAGUSTUHAN NIYO.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA SUPPORT AT VOTES NIYO.

Dear, Dave Ildefonsoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن