[29]

561 16 0
                                    

Stuck kami ni Dave sa traffic ngayon dahil sa kaniya. "I told you, you should have took the right turn earlier. Edi sana hindi ako ma-late sa bus 'di ba." Nakakainis kasi hindi nakikinig. "Babe, easy lang aabutan mo yung bus."

Sa wakas at naka-alis na kami sa traffic. Pag dating namin sa ateneo ay binigyan ko siya ng halik sa labi at tumakbo na papunta sa bus. "Good luck babe." Sigaw niya sa akin at nag thumbs up na lang ako.

Pag dating ko sa mismong bus ay mabuti at hindi lang ako ang iniintay nila kung hindi si coach din. "Sorry guys traffic." Hingal na hingal kong pag sasalita nung nakasakay na ako. "Wala dapat nag pahatid ka na lang sa boyfriend mo." Pang aasar ni Dani sa akin na pinagtilian ng mga ka-team namin. "Oo nga ate Zella, bakit hindi ka na lang mag pahatid kay kuya." Isa pa itong bata na ito kung makapang asar.

"Don't mind them Zell, upo ka na pabalik na si Coach." Sabi ni Vanie na tinanguan ko at tumabi sa kaniya.

Nung nakarating kami sa arena, bigla akong hinila ni Vanie papunta sa court para mag warm up. Nakita namin yung mga bola sa gilid at tinulungan ko siya ibato yun sa ere habang yung mga ka-team namin ay pinapalo o siniset iyon.

"Uy, boyfriend nung isa nandiyan na oh." Sigaw ni Vanie sa akin at tumingin naman ako sa mga upuan at hinanap si Dave. Nung nakita ko siya ay kumaway agad ako. Tapos lahat ng fans ng mga kasama ko nag sisigaw nung nag bigay si Dave ng flying kiss.

"Ayy oh, happy na ulit sila ni Kuya. Sana All na lang talaga." Napatawa naman ako ni Pia sa pang aasar niyang yun dahil kinikilig na ako ng sobra kay Dave. "Mag focus ka na nga lang. May pinangako pa akong championship sa kuya mo." Pag sasalita ko na tinanguan na lang niya.

Nag simula na ang game, and we are against UP. Just like Dave's team was against UP. Ang astig lang dahil UP ang against namin katulad ng kela Dave.

Nung nag set na kami, hindi mapagkakaila na magaling talaga sila. Me and Vanie teamed up, I set the ball towards her then she hit it.

Buti na lang at nalamangan din namin sila dahil sa team-up na ginawa namin ni Vanie. "That's what I'm talking about." Sigaw niya sa akin na nginitian ko. Napatingin naman ako kay Dave na may hawak hawak na banner, it has my name and jersey number.

We won the 1st, and 2nd set. We are now on the 3rd set. Kung saan UP ang lamang! Naiinis na ako dahil na block na nila mga bola namin.

"Time out." Sigaw ni coach. Lumapit kami sa kaniya at yung iba napaupo na lang sa pagod, ako napakuha ng tubig sa sobrang uhaw.

"Ayus yung team up niyo ni Velasco, pero nahanap na nila paano makapuntos so ibahin natin." Pag sasalita ni coach kay Vanie.

"Velasco at Dani tulungan. Libero salo ng bola." Pag papaliwanag niya at tumango kaming lahat.

"Okay, One Big Fight" sabi naming lahat at bumalik na sa court. 22 na ang points namin at 23 na ang sa kanila. 2 points na lang ang kailangan nila para manalo ng set habang kami need pa ng 3.

I gave my all out A game, I was helping the middle blocker too. When I set it to Vanie that's when the score tied-up.

Tuwang tuwa kami nung nakahabol kami dahil dalawang puntos na lang at maii-uwi na namin ang championship.

Nag time out ulit pero yung kabilang team iyon. So ang ginawa lang namin ay nakinig ulit sa walang humpay na pagdaldal ni Coach. But I was more focused on the guy cheering so much. Nakatingin sa akin si Dave at may ngiti sa mga labi.

Nilapitan ako ni Pia na hinihingal. "Okay pa? Kaya pa ba?" Tanong ko na tinanguan niya. "What's with the banner? Bakit ikaw wala?" Tanong ko sa kaniya na tinawanan ako. "Nako ate yan yung hinatid ko sa condo mo bukod sa damit niya." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Dear, Dave IldefonsoWhere stories live. Discover now