Chapter 2: Madam Divina

102 15 88
                                    

Ciera's POV

"Kanina pa tayo shopping nang shopping! Nagugutom na ako!" reklamo ko kay Mellisa na tuwang-tuwa sa pag sho-shopping namin at tila ba wala siyang iniindang kahit anong pagod, samantalang ako naman ay pagod na pagod na at gutom na gutom na rin ako.

Kung alam ko lang na magiging halos walang tigil ang pagsho-shopping namin, malamang hindi ako sumama sa kaniya. Sabi rin niya saglit lang tapos inabot na kami ng ilang oras.

Damit lang namin para sa party at regalo para kay Callum ang pinlano naming bilhin, pero mukhang lumihis yata ng landas ng plano namin.

"Sabi mo bibili lang tayo ng damit para sa party? Bakit parang iba na ata ito? Bakit parang lifetime supply na yata ito ng damit?!" reklamo ko pa.

"'Wag ka na magreklamo bestie! Kakain na tayo! Relax!" ngiting ngiti niyang sabi.

Relax relax, eh kanina pa umiinit ang ulo ko sa tagal ng pamimili namin!

Hindi talaga kami match ni Mellisa bilang magkaibigan. Hindi ko kasi bet ang mga bagay na bet niya, at hindi niya rin naman bet ang mga bagay na bet ko, kumbaga magkasalungat talaga kaming dalawa. Hindi ko nga talaga alam kung bakit sa dinami rami nang pwede niyang kaibiganin na may same interest sa kanya ay ako pa talaga ang pinili niyang maging kaibigan. Ako pa talaga na hindi naman makakasabay sa mga interest niya sa buhay.

"So saan tayo kakain?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Alam ko na! Tara, Ciera!" masigla niyang aya sa akin at wala naman na akong nagawa kundi ang magpakaladkad sa kanya.

Akala ko naman ay dadalhin niya na ako sa isang kainan, 'yun pala ay dadalhin niya ako sa parking lot ng mall kung saan naka park ang kotse niya.

"Bakit mo ako dito dinala?! Akala ko ba kakain na tayo?!" inis kong tanong sa kaniya.

Gusto niya yata talaga akong galitin. Minsan talaga parang nananadya na ang babaeng ito.

"Sakay na!" sabi niya nang makarating kami sa tapat ng kotse niya.

Naiinis man ay wala akong nagawa kundi ang sumakay na lang sa loob.

Pag talaga ako hinimatay sa gutom siya ang malalagot.

"Kuya, sa food market malapit dito!" sabi niya sa driver niya.

Nanlaki naman agad ang mga mata ko.

Okay lang ba siya?! Food market?! Maraming tao sa lugar na 'yon diba?!

"Sure ka ma'am?" nag aalangan na tanong ng driver niya.

Tell me she's joking right now!

"Yes po, Kuya! Larga na!" Natatawa niyang sabi at tumingin pa siya sa akin. "Baka mamaya umusok ang ilong ng kasamahan ko sa galit, at baka mamaya mabaliw pa ito dahil sa gutom."

Aba! Tatawa tawa pa siya ah! Tsaka ako? Baliw?! Baka siya ang baliw! Siya itong naka isip na pumunta sa food market tapos ako pa ang sasabihan niya na baliw?!

"Ikaw ang nababaliw!" inis kong bulong sa kanya at kinurot ang braso niya.

"Aray!" inda niya.

"Inaano ba kita, Ciera?!" kunot noo niyang sabi

"Noon hindi pa ako sigurado na dumb ka, ngayon siguradong sigurado na ako! Alam mo namang mabilis tayong maka-attract ng mga tao lalo na ng mga media, tapos gusto mo pang pumunta sa mataong lugar?! Are you that fr*ckin' stupid, Mellisa?! Hinayaan na nga kitang pumili ng magiging damit ko sa party so let me choose naman kung saan tayo kakain!" inis na inis kong sabi sa kaniya.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now