Chapter 6: Finding the Solution

107 9 37
                                    

Ciera's POV

Ang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak ito. Halos hindi ko na rin maimulat ang aking mga mata sa bigat nito. Wala na rin akong maalala kung bakit naging ganito ang pakiramdam ko, wala talaga akong maalala na kahit ano. Nagka-amnesia ba ako?

"Gising ka na ba, Ciera?" tanong ni Mellisa.

Siya talaga ang unang unang nakita ko nang maimulat ko na ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako, pero punong puno ng pag-aalala ang mukha ni Mellisa.

"May problema ba?" kunoot noo kong tanong sa kanya.

Pinilit ko namang bumangon kaya nga lang ay nabigo ako dahil napahiga rin agad ako. Sobrang bigat din kasi ng buo kong katawan lalong lalo na ng ulo ko.

Ano ba kasi talaga ang nangyari?!

"'Wag mo nang piliting bumangon, Ciera. Ayos lang naman daw kung magpapahinga ka muna rito," malumanay ngunit nag-aalalang wika ni Mellisa.

Nilibot ko naman ang aking paningin at laking pagtataka ko dahil wala ako sa kuwarto ko.

Pamilyar sa akin ang tinutulugan ko pero hindi ko nga lang talaga maalala kung nasaan talaga ako.

"Nasaan ba ako?" kunot noo at naguguluhan kong tanong kay Mellisa.

"Nasa hotel ka pa rin. Hindi mo rin ba maalala? Hay! Grabe pala ang tama sayo ng alak, Ciera!" umiiling iling na sabi ni Mellisa.

Hotel? Kailan ako pumunta sa hotel? Naguguluhan na talaga ako ngayon ah! Ano na ba talaga ang nangyayari ngayon?! Bakit wala na akong maalala? Nagka-amnesia na ba talaga ako?!

"Tell me, Mellisa. Ano ba talaga ang nangyari?!" litong lito kong tanong.

"I'm glad that you still know my name! Hindi mo na rin yata maalala kung ano ang nangyari kagabi," umiiling iling niya pa ring sabi. "Naglasing ka kagabi, Ciera, naglasing ka. Buti na lang ay nakita ka ni Callum, tapos dinala ka niya rito. Sabi niya magpahinga ka na lang daw muna rito hanggang sa maging okay ka. Nagpatawag na rin siya ng doktor para i-check ang kalagayan mo dahil natatakot siya dahil baka na-alchohol poisoning ka na raw."

Naglasing? Ako? Callum? Wait! Teka!

"Callum!" sigaw ko kasabay ng agad kong pagbangon.

No! No! No!

Naaalala ko na ngayon kung ano ang nangyari kagabi!

Matapos kasing inumin ni Callum 'yong inumin na may love potion ay agad akong pumunta sa restroom dahil halos mabaliw na ako. Pagtapos ay bumalik na ako sa pwesto kung saan ako umiinom bago pa man dumating si Lavin, kaso pagbalik ko ay wala na sila ni Callum doon. Sa sobra kong taranta sa nangyari ay uminom ako nang uminom hanggang sa hindi ko na maalala kung ano ang mga sumunod na nangyari.

Hindi naman na mahalaga kung ano ang nangayari kagabi matapos mainom ni Callum 'yong love potion. Hindi naman na mahalaga kung na-wasted ako kagabi, ang mahalaga ay mahanapan ko ng solusyon o antidote ang love potion na nainom ni Callum.

"Ayos ka lang ba, Ciera? Ano ba kasi talaga ang nangyari? Bakit ka ba naglasing kagabi?! Ano bang pumasok sa isip mo, Ciera?! Pinag-alala mo talaga ako!" punong puno ng pag-aalalang wika ni Mellisa.

"Mellisa! Listen to me! Tingin mo may antidote 'yong love potion ni Madam Divina?!" natataranta kong tanong kay Mellisa.

Kitang kita ko naman ang pagtataka sa kanyang mukha nang dahil sa aking sinabi.

"Antidote? Aanhin mo 'yon?" kunot noong tanong sa akin ni Mellisa na hanggang ngyon ay naguguluhan pa rin. "Tsaka wala namang nabanggit si Madam Divina na may antidote 'yong love potion eh!"

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now