Ciera's POV
Umaga na at halos hindi man lang ako nakatulog.
Sino ba naman ang makakatulog kapag magulo ang isip mo at maraming iniisip?
Akala kapag punta ako sa Canada at ibuhos ang lahat ng oras ko sa pagtra-trabaho ay hindi na ako madi-distract pa sa mga kung ano-anong mga bagay lalo na sa love potion na 'yon, kaso wala eh. Akala ko rin makakatakas ako kay Callum, kaso makulit talaga siya.
Mas lalo talagang nagulo ang utak ko rito. Gusto ko sanang trabaho na lang ang isipin ko at 'wag na ang tungkol kay Callum kaya nga lang ay linggo linggo siya nagpapadala ng mga regalo sa akin, tapos ngayon naman pumunta siya sa akin. Mas lalo ring nagulo ang utak ko sa usapan namin kagabi.
"Ano bang ginawa mo sa akin, Callum!" sigaw ko at sinubsob ang aking mukha sa unan.
Bukod sa nagugulo ang utak ko ay nagugulo niya rin ang puso ko, mas lalo kasing tumitindi 'yong hindi ko maintindihan na nararamdaman. Love na nga ba talaga ito?
"Hindi!" Napabangon ak at sinampal ko ang aking sarili. "Si Lavin ang gusto mo Ciera! Ginugulo ka lang ni Callum!"
Aamin na ako na nahuhulog na rin ako dahil sa mga pinaggagagawa ni Callum. Palagi ba naman akong pinapadalhan ng mga regalo, plus inu-update ako sa mga ginagawa niya kahit hindi ko naman hinihingi ang update niya, plus lagi niya akong kinakamusta at tinutulungan kapag kailangan ko ng tulong.
"Hindi Ciera! Naguguluhan ka lang!" Muli kong sinampal ang aking sarili.
Nahuhulog na ako inaamin ko 'yon, pero alam kong hindi puwede lalo na't ginagawa lang talaga 'to ni Callum dahil sa love potion.
Hmmm... Now that I think about it, siguro hindi talaga love itong nararamdaman ko at hindi naman talaga ako nahuhulog, nakokonsenya lang ako.
"'Yan! Tama! Konsensya lang 'to!" pagkumbinse ko sa aking sarili.
Nagulat naman ako sa biglang pag alarm ng aking alarm.
Hay, umaga na nga talaga at oras na para pumasok sa opisina. Hindi ko nga lang sure kung makakapag focus ba ako sa trabaho ko ngayon lalo na't wala akong tulog. Naka-idlip lang yata ako ng mga 15 minutes tapos ayun gising na ako at hindi makatulog dahil sa maraming bagay.
Tumayo na ako at mabilis na naligo. Matapos kong maligo ay pinatuyo ko na ang aking buhok at nagbihis.
Pagkatapos ko namang mag-ayos sa aking sarili ay lumabas na ako sa aking kuwarto at bumaba na.
Naabutan ko naman si Tito na kumakain ng almusal.
"Kain ka muna, Ciera," alok niya sa akin.
Parang tatay na ang turing ko kay Tito at parang anak na rin naman ang turing niya sa akin.
Matandang binata si Tito. Hindi siya nagkaroon ng asawa o pamilya dahil mas nag focus siya sa trabaho.
"'Wag na po, salamat po," pagtanggi ko naman.
"Bakit naman? Kumain ka muna para may lakas ka," pagpupumilit naman niya sa akin. "Nga pala, may bisita ka, mukhang kanina pa naghihintay sa'yo sa labas. Sabi ko nga pumasok siya rito eh kasi malamig sa labas, kaso ayaw naman niya, kaya ayun nandoon siya sa guard house."
Napa kunot naman ang aking noo nang dahil sa sinabi ni Tito.
Bisita? Sino naman? Ni wala nga akong kakilala rito sa Canada, kaya sino naman ang bibisita sa akin?
"Sino po ba 'yon?" tanong ko.
"Kaibigan mo raw eh, pero namumukhaan ko siya," seryosong sabi ni Tito. "Ah! 'Yong CEO ng GY Telecom!"

STAI LEGGENDO
Take a Sip (Love Potion Series #1)
Storie d'amoreCiera Larraine Davis, the young multi-millionaire and the vice president of Bright Telecommunications, the first leading telecommunication company in the country. She was often labeled as "The cold vice president" for her cold personality. But despi...