Chapter 20: Broken Heart

62 6 9
                                    

Ciera's POV

"Hay!" pagod kong sabi kasabay ng paghiga ko sa aking kama.

Magda-dalawang buwan na ako sa Canada at hindi ko inakala na maraming mangyayari sa loob ng dalawang buwan kong stay rito sa Canada.

Unang una sa lahat ay ako ang naging COO ng company ni Tito. Binigay niya sa akin ang posisyon na ito dahil saktong nag retire na rin naman ang dating COO, hanggang sa hindi ko inakala na mapro-promote ako bilang CEO.

Yes tama kayo ng pagkakabasa, CEO na ako ngayon ng Star Telecom, the number one and best telecom company here in Canada.

Hindi ko nga talaga sukat akalain na magiging CEO ako in a short period of time, samantalang sa company ni Lolo ay naging vice president lamang ako for five years sa kabila ng mga ginawa ko para sa kompanya.

Sabi naman nila deserve ko naman talaga ang posiyon dahil simula noong dumating ako sa company ni Tito at naging COO ay biglang tumaas ang sales at mas nagkaroon kami ng maraming investors.

Tito was very happy too, sinabi niya rin na sureball na rin ang success ng Star Telecom kapag naipasok na namin ito sa Pilipinas, lalo na't magaling daw akong maghandle ng negosyo.

Sa totoo lang ay gustong gusto ko na rin talagang umuwi ng Pilipinas, miss na miss ko na kasi ang pamilya ko, gusto ko na talaga sila makita.

"Hay! Gusto ko na talaga umuwi!!" Nagpagulong gulong ako sa aking kama.

Habang nakahiga pa rin ay kinuha ko ang aking cell phone mula sa aking bulsa at binuksan ito. Tumambad naman sa akin ang mga mensahe mula sa aking pamilya, ganoon na rin ang mga mensahe nina Mellisa at Callum.

Hay, naging epektibo naman ang papunta ko sa Canada at pag gugol ng oras ko sa trabaho para makalimutan ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko na dinulot ni Lolo, ngunit hindi ko pa rin talaga natakasan ang epekto ng love potion... Hindi ko pa rin natakasan si Callum.

Alam ni Callum na nandito ako sa Canada, buti na lang talaga ay hindi siya pumupunta rito para lang makita ako. One time kasi nagpupumilit siya na pupunta raw siya rito para lang makita ako, buti na nga lang ay napigilan namin siya sa gagawin niya. Para na ngang obsessed si Callum eh.

Hindi ko man siya pinayagan na pumunta rito ay nagpapadala naman siya ng kung ano-anong regalo. Noong umpisa ay nagagalit pa ako pero bandang huli ay tinanggap ko na lamang ang kapalaran ko, tinaggap ko na lang ang mga regalong pinapadala niya hanggang sa nasanay na ako na tumanggap ng regalo na mula sa kaniya at hinahanap hanap ko pa nga ito minsan lalo na't kapag hindi siya nakapagpadala sa akin.

Hindi ko nga alam kung ginayuma na rin ba ako ni Callum dahil nakakaramdam na rin ako ng kung ano dahil sa mga pinagsasabi at pinaggagagawa niya. Humantong pa nga sa point kung saan nag search pa ako sa internet kung ano ba ang nararamdaman ko tapos sabi sa internet love raw. Yuck!

Ang weird 'di ba? I used to hate him pero ngayon nakakaramdam na ako ng kung ano-ano dahil sa kaniya.

Natigil naman ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang biglang tumunog ang aking cell phone. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag sa akin at nakita ko namang si Callum ito.

Wala naman ako sa sariling napangiti at sinagot ang tawag niya.

"Hello?" bungad ko sa tawag niya.

Ang weird ko na talaga, napapangiti na ako dahil sa mga tawag at regalo niya. Sigurado naman akong hindi ito pag-ibig. Siguro baliw na talaga ako.

"Lumabas ka," nanginginig na sabi ni Callum.

Napakunot naman ang aking noo nang dahil sa kaniyang sinabi.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now