Ciera's POV
I don't know kung ano ang gagawin ko.
Nawala ako sa sarili ko simula noong nagconfess sa akin si Callum. Napaka out of the blue naman kasi ng confession niya. Mas matutuwa pa sana ako kung si Lavin ang nagconfess sa akin.
Pero what if gusto rin talaga ako ni Lavin noh? Kaya niya ako pinadalhan ng gift basket dahil gusto niya ako?
Hayst, umuwi na lang tuloy ako at nagsabi na magsi-sick leave muna ako dahil masama ang pakiramdam ko. Buti na lang talaga at hindi masydong marami ang trabaho na dapat kong tapusin.
Wala naman talaga akong sakit at hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko, nagsinungaling lang ako dahil gusto kong umuwi at magpahinga, bagay na hinding hindi ko noon ginagawa.
Ayaw ko lang din kasi talaga na magtrabaho na wala sa sarili.
"Kasalanan mo 'to, Callum!" inis kong sabi at binato ang isa kong unan. Tumama naman ito sa pinto.
Nagulat ako dahil biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Cairo sa kuwarto ko.
"Ate, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Cairo. "Bakit nandito ang unan mo?"
Pinulot naman niya ang unan na tinapon ko at tinapon ito pabalik sa akin.
Nagtago na lamang ako sa ilalim ng aking kumot at ibinaon ang aking mukha sa aking mga unan.
"Ang weird mo, Ate! Alam ko at mukhang gusto mo yatang mapag-isa kaya iiwan na lang muna kita rito. Tawagin mo lang kami kapag may kailangan ka. Pagaling ka," dire-diretsong sabi ni Cairo at lumabas na siya sa aking kuwarto.
Agad ko namang kinuha ang aking cellphone nang makalabas na si Cairo sa aking kuwarto.
Nagtipa ako ng mensahe para kay Mellisa, at sinabihan ko rin siya na pumunta sa aming bahay dahil may ikukwento ako sa kanya.
Sasabunutan ko talaga 'yong babaeng 'yon kapag nakita ko siya! Kasalanan niya 'to!
Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga inakala na totoo ang love potion na 'yon! Sana nga fake na lang 'yon! Okay lang na masayang 'yong binayad ni Mellisa, basta ang mahalaga ay peke 'yon at hindi gumagana.
Kung alam ko lang talaga sana na gumagana talaga 'yon ay sinuntok ko si Callum nung ininom niya 'yong inumin na para kay Lavin.
Hayst! Hindi ako dapat nawawalan ng focus sa trabaho! Sobrang daming mga importanteng bagay na dapat na pagtuunan ng pansin at hindi ko dapat pinapansin si Callum!
Tama! Tatlong buwan lang naman ang epekto ng love potion na 'yon! After three months hindi na ako gusto ni Callum!
Tama talaga! Kaya hindi ako dapat na magpaapekto sa bagay na ito dahil hindi naman panghabang buhay ang epekto ng love potion.
Pero sumasakit pa rin talaga ang ulo ko tuwing naiisip ko ang mga puwedeng mangyari dahil lang nainom ni Callum 'yong love potion!
"I really hate you, Callum! I hate you to death! I really hate you!!!" sigaw ko at muling ibinato ang isa kong unan.
Mukhang made-depress 'ata ako dahil lang kay Callum! Ang dami ko nan gang problema sa buhay ko dumadagdag pa siya! Baka nga mabaliw pa ako!
Kung sana talaga si Lavin na lang ang nakainom ng love potion!!
"Kasalanan mo 'to Callum!!!" muli kong sigaw at sinabunutan ang aking sarili sa sobra kong inis.
Muli akong nagtakbong ng kumot at marahas na sinubsob ang aking mukha sa aking mga unan.
"Calm down, Ciera! Ano bang nangyari!" natatarantang wika ng isang pamilyar na boses.
"Ciera!" muli nitong wika at niyakap ako.

BINABASA MO ANG
Take a Sip (Love Potion Series #1)
RomanceCiera Larraine Davis, the young multi-millionaire and the vice president of Bright Telecommunications, the first leading telecommunication company in the country. She was often labeled as "The cold vice president" for her cold personality. But despi...