Ciera's POV
"I'm home!" pagod kong sabi nang maka-uwi na ako sa aming bahay.
Himala yata at tahimik ang bahay namin ngayon? Usually kasi napaka ingay ni Cairo sa tuwing umuuwi ako. Ano kaya ang nangyari sa batang 'yon at parang ang tahimik naman niya yata ngayon?
"I said I'm home!" muli kong sabi at mas nilakasan ko pa ang aking boses.
Agad namang lumabas si Cairo mula sa kung saan at malungkot niya akong nilapian.
"Oh? Bakit ka malungkot?" tanong ko sa kanya.
"Wala natalo sa laro eh," malungkot naman niyang sabi.
"Oh, may pasalubong ako sa'yo," sabi ko naman at iniabot sa kanya ang hawak kong plastic.
Nakita ko naman na bahagyang lumiwanag ang kanyan mukha dahil sa aking sinabi.
Hays, basta talaga pasalubong.
"Street food?" kunot noong tanong sa akin ni Cairo nang makita niya kung ano ang laman ng plastic.
Pagod naman akong naupo sa aming sofa at tinanggal ang aking sapatos.
"Oo," tipid kong sagot at nag-inat.
"Ha? Bakit mo ako pinasalubungan ng ganito?" naguguluhan pa ring tanong ni Cairo.
Nasarapan ako kanina sa street foods na kinain namin ni Callum, maliban na lang sa isaw ba 'yon ah basta, kaya ayon dahil nga nagustuhan ko bumili ako noong pauwi na ako. Maaga pa naman ako umuwi dahil wala nga akong gagawin sa opisina kaya nakabili pa ako ng street food. Bumili ako kasi gusto ko rin sanang matikman ni Cairo ang street foods kasi masarao, sa pagkakaalam ko kasi hindi pa rin nakakatikim nito si Cairo kaya bilang mabait na kapatid ay binilhan ko siya.
"Oo. Bakit? May reklamo ka? Tikman mo na lang, 'wag ka nang maarte pa," walang gana kong sagot.
Hindi naman gaanong maarte si Cairo pagdating sa mga pagkain kaya sigurado naman akong kakainin niya ang binili ko, baka nga araw-araw niya pa akong hingan ng street food pag natikman niya eh.
"Alam ko," tipid niyang sagot at umupo sa sofa.
Sinimulan niya na ring kainin ang pagkain inuwi ko sa kanya.
"Ano? 'Di ba masarap?" nakangiti kong sabi.
"Oo naman, favorite ko kaya 'to," ngumunguyang sabi ni Cairo.
Napakunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.
Favorite? Ibigsabihin nakakain na siya nito noon?
"Akala ko hindi ka pa nakakakain niyan?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Akala mo lang 'yon," pabalang naman niyang sagot. "Kumakain ako nito sa labas ng school, may nagtitinda nito."
"Akala ko talaga hindi ka pa nakakakain niyan," hindi ko pa rin makapaniwalang sabi.
Inaasahan ko pa naman ang reaksiyon ni Cairo sa pagkain ng street food, akala ko kasi talaga unang beses niya pa lang makakatikim no'n.
"Hindi naman kasi ako kasing inosente at arte mo," natatawang pang-aasar naman niya sa akin.
"Anong sabi mo?!" inis ko namang sabi.
Alam ko namang totoo ang sinasabi niya at hindi ko na 'yon itatanggi pero nang-aasar kasi siya eh.
"Oh! Tama na 'yan! Kayo talagang magkapatid!" saway naman sa amin ni dad mula sa malayo. "Cairo itigil mo na 'yang pagkain mo nyan, kakain na tayo."

YOU ARE READING
Take a Sip (Love Potion Series #1)
RomanceCiera Larraine Davis, the young multi-millionaire and the vice president of Bright Telecommunications, the first leading telecommunication company in the country. She was often labeled as "The cold vice president" for her cold personality. But despi...