Chapter 5: Messed up

119 12 52
                                    

Ciera's POV

I know that this is so stupid, at kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa gagawin ko. This is so crazy!

"This is your fault, Mellisa!" inis kong bulong sa aking sarili kasabay ng pag-inom ko sa isang shot ng tequila na nasa aking harap.

Speaking of Mellisa, nawawala nanaman siya at paniguradong kung sino-sino nanamang lalaki ang kasama ng babaitang 'yon. Bigla ba namang naglaho, hindi man lang nagpaalam sa akin kung saan siya pupunta. Bahala na nga siya diyan, kung ano man ang mangyaring masama sa kanya ay kasalanan niya na at labas na ako.

Hayst hindi talaga ako nagkamali sa binabalak ni Mellisa, ako naman na shunga alam na nga kung ano ang binabalak ng kaibigan ko sumama sama pa ako lalo na't alam ko naman kung ano ang mangyayari. Lagi naman ganito eh, iiwan niya na lang ako bigla bigla para lang maghanap ng lalaki.

"More?" tanong sa akin ng bartender nang makita niyang wala nang laman ang shot glass na iniinuman ko.

"Yes please," tipid kong sagot.

Luminga linga naman ako sa aking paligid upang hagilapin kung nasaan na ba si Lavin, for sure kasi ay lalapit talaga siya sa akin para batiin ako, I know Lavin, kahit sobrang matao ng isang event o party ay hahanapin at pupuntahan niya talaga ako para batiin kahit na saglit lang.

Hindi naman ako nabigong mahanap siya at ganoon din siya sa akin. Kinawayan niya ako mula sa malayo at ganoon din ang ginawa ko.

"One more order of tequila, please!" nagmamadali kong sabi sa bartender na agad namang tumango sa akin.

Mabuti na lang talaga ay mabilis na naserve ng bartender ang order ko, kaya naman mabilis kog kinuha ang bote ng love potion mula sa aking handbag at nagkunwaring isa itong pabango na pinapatak ko sa aking palapulsuhan, pero ang totoo talaga ay ipinatak ko ito sa inumin ni Lavin.

"Hi, Ciera!" masayang bati sa akin ni Lavin kasabay ng pag-upo niya sa bakanteng upuan sa aking tabi.

Agad ko namang itinago ang bote ng love potion sa aking handbag upang hindi na ito makita pa ni Lavin. Nagkunwari na rin akong inaamoy amoy ang aking palapulsuhan para naman talagang isipin ni Lavin na nagpabango lang talaga ako.

"Hi, Lavin! How are you?" masaya kong bati sa kanya.

Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya para naman magkarinigan kaming dalawa. Sobrang nakakabingi kasi ang ingay sa lugar na ito, kung hindi ako lalapit kay Lavin ay malamang hindi kami magkarinigan at magkaintindihang dalawa.

"I'm doing great! How about you?" he said. "Alam mo bang nalungkot ako kanina kasi hindi mo pinansin 'yung pagkaway ko sayo! Akala ko tuloy hindi mo ako nakita!"

Agad naman akong natawa sa kanyang sinabi.

Ang tinutukoy niya siguro ay 'yong moment na nagtagpo 'yong mga mata namin kaya napatakbo ako sa restroom dahil naghuramentado ang puso ko.

Aaminin ko naman na hanggang ngayon ay grabe pa rin ang pagwawala ng puso ko lalo na't harap harapan ko nang kausap si Lavin. Kanina nga lang na nagtagpo lang ang mga mata namin ay todo na ang pagwawala ng puso ko, ngayon pa kayang kausap ko na siya.

"Kung iniisip mo na dine-deadma kita, well nagkakamali ka. Nakita kita, napansin kita, sadyang tinawag lang talaga ako ni kalikasan," natatawa kong sabi.

Kailangan ko lang talaga ngayon na libangin si Lavin, tapos mamaya aalukin ko siyang uminom. For sure naman hinding hindi siya tatanggi dahil isang shot lang naman eh.

"I'm glad to hear that. Akala ko kasi hindi ka na namamansin," tumatawa niyang sabi.

I'm usually on my grumpy mood, pero nahahawa agad ako sa simpleng pagtawa lang ni Lavin. Ang lakas na talaga ng tama ko sa lalaking ito.

Take a Sip (Love Potion Series #1)Where stories live. Discover now