New Found Friend

131 5 1
                                    

1 Month Later

"Te gising na!!!!"  At may nag yugyog naman sakin

"Hmmm! Ano ba yan natutulog pa ko eh"

"Te nagugutom na ko!"

"Edi kumain ka wala sakin yung plato zoey!"

"Te naman eh. Tara na please?

"Jusko zoey! Oo na tatayo na ko"

Flash Back

I met zoey sa flight ko papunta dito. Yeah siya yung katabi ko sa eroplano.

I'm right we're both lost at that time. That time we just stayed there quiet hanggang nilapitan kami ng airport police bawal pala kasi mag stay ng matagal dun.

We both decided to go sa hotel na malapit. And there's only 1 room left kaya nag stay kami pareho dun.

After staying there for 3 days her usuals is matulog lang at kumain madalas parehong tulala at iiyak. And me same old inom at yosi. Inaway nya lang ako and that's the reason why naging close kaming dalawa.

We decided to stay sa Condotel. It's a Condo Hotel much cheaper kasi and we both don't know how long are we going to stay.

Meeting Zoey is one of the best part ng trip na to.
I found myself a younger sister masyado lang madaldal like Mik but she's really kind.

I can see myself in her. We both have the same story, ulila na din sya she lost both her parents years ago. Wala syang kapatid, wala din family relatives na kilala. Good thing she got everything na iniwan ng parents nya sa kanya kaya hindi sya nahirapan with her life.

Zoey is a good influence to me. Kasi she made me stop drinking and smoking. First few days namin dito yun lang ginagawa ko but she made me stop nung inaway nya ko.

Back to Calli's POV

"Oh ano ba niluto mo?"

"Steak ate. Tara na ang tagal tagal mo eh"

"Eto na nga oh. Puro reklamo pa"

While eating naman dakdak lang sya ng dakdak

"Ate i heard you kagabi iyak ka nanaman ng iyak"

"Baliw baka nananaginip ka lang nun"

"Nope. I was supposed to open your room na nga eh kaso you stopped bigla" that's true. Narinig ko kasi sya na nasa pinto kaya tumahimik ako last night.

"Ate will you tell me na ba what happened?"

"Eh ikaw sasabihin mo na din ba? Ikwento mo na kasi sakin mukang okay ka naman na eh"

"Sige i'll tell you. After you tell me what happened"

"Sige mamaya."

After we ate nanuod lang kami ng movies nung papasok na ko ng kwarto bigla naman to sumigaw.

"Ate!!! Tumatakas ka nanaman eh mag kwento ka na dito daliii" hila nito sakin.

I told her everything but i didn't drop any names. i just can't and mas mabuti na din siguro yun.

"Hala ate! Grabe naman pala yang lalake na yan! Kupal ha. Ayaw mawala kaya nagpaka safe? Ano yan gusto nya ganyan kayo tapos wala naman label at assurance"

"baka kasi hanggang friends lang talaga kami"

"No te. Kung hanggang dun lang dapat hindi sya ganon! Hindi nya pinaramdam sayo yon. Sino ba yan yari sakin yang bwisit na yan!"

"Kalma zo! hayaan mo na tapos na eh." Sagot ko habang umiiyak. Pinapa tahan naman ako nito

"Te wag ka na umiyak jusko mamaya atakihin ka nanaman eh"

"Hindi ah. Kaya ko na to"

"Ganito nalang kwento ko nalang nangyari sakin te para mawala na sa isip mo yan"

"Sige lang kwento ka lang zo"

"So the reason why im here ate is because of my best friend. We've became friends nung nagbakasyon kami sa province kasama ko pa parents ko nun. That's the last vacation we did and one of the best too.

My parents always argue kasi. My mom keep saying na walang time si dad samin so after a big fight my dad planned to go on vacation. Yung parents nya and parents ko are friends and they invite us there.

Ang bait nya and he's really funny. We became close in instant. My whole stay there kasama ko sya lagi. After that vacation bumalik na kami ng manila.

We lost contact for months since nawala na yung parents ko. The day we found their bodies same day din ng pag punta ng family nila sakin. Since then they treat me as part of their fam na ate they're all nice talaga. We studied in the same school din.

Years went on sobrang close na namin talaga and before i go here nga that's the time na talagang nasabi ko na i love him. Na fall na talaga ako sa kanya.

But i didn't tell him kasi im scared baka he doesn't feel the same way i feel sa kanya.
Kaya i chose to leave muna for awhile you know to distant myself and para malaman if what to do ganun"

"Isa ka din pala eh. Bat kasi tayo na fa fall sa friend lang eh."

"Kaya nga ate eh. Rupok kasi natin" Sagot nya habang tumatawa.

"pero at least dumating sila sa life mo. May nakasama ka after mawala ng parents mo diba."

"Oo nga ate eh. If sakin nangyari the same what happened to you ate hindi ko alam kung nasan na ko ngayon kasi baka hindi ko kinaya. Ikaw kasi ang strong mo ate eh"

"Nako. Strong ba to? Tignan mo nga oh ng dahil sa isang lalake lumayo at tumakbo ko iniwan ko lahat"

"You have reasons naman ate eh. Ay wait ate sagutin ko lang to" may tumawag kasi sa phone nya pumasok na din muna ko ng kwarto.

Hindi ko napigil na umiyak pag pasok ko ng kwarto

Ito nanaman tayo eh. Calli naman hindi ka pa ba napapagod? Hindi pa ba nauubos luha mo!
Yan nalang nasabi ko sa sarili ko.

Until I Found You (FAAM)Where stories live. Discover now