Kirot at Pighati: Dalamhati 5

4 0 0
                                    

Umaapaw man sa ngayon,
Di batid bukas o sa makalawa,
Mananatili ba o mababawasan na.
Mga pitik ng panahon,
Mga paghilik sa dapit-hapon,
Walang permanente..
Hindi nga alam ang pag-ahon.
Magkatunog pa ba ang mga bawat pagtibok,
Magkasingsigla pa kaya pagdating ng umaga..

Ngunit aking irog..
Ako man minsan ay naguguluhan..
May mga pagkakataong nilalamigan..
Ang masilayan ka, mahagkan, mahawakan..
Maghikahos man ang paghinga..
Ang kaagapay ka'y magbibigay saya sa huling pag-alsa..
Pagpikit ng mata, umasa kang ako'y naging masaya..

Luwalhati

🔥
HeraoftheUniverse

When She SpeaksWhere stories live. Discover now