Luna: Pagbabago 2

42 0 0
                                    

Di hamak lalong kaaya-aya ang mamuhay ka nang wala ako.
Sa dapit-hapon walang kuliglig na nangunguha ng katahimikang ninanais mo.

Sa bawat araw na dumaraang wala ka sa piling ko, paunti-unti, aking naiisip..
Mas masakit ang pananatili kung kalugmukan mo ang kapalit nito.

Giliw, tinatanong mo kung maayos ako?

Kung nasasaktan ang isang tao, nag-iingay ba?
Nanahimik nang pansamantala, hindi ba?

Ano pa kaya ang pananahimik nang tuluyan na..
Sapagkat wala na.
Wala ka na.

Pananahimik

🔥
Hera of the Universe

When She SpeaksWhere stories live. Discover now