Luna: Pagbabago 10

30 0 0
                                    

Kung ako man, alam ang mga pagkukulang.
Maraming nagawang mali at maraming beses rin ang ginawang pagsisisi.
Ni minsan, hindi ko sinabing ako ay perpekto.
Higit sa lahat alam ko, ako ay marupok sapagkat ako man din ay tao.
Ginawang pananakit sa iyo, minsan pinagsisihan, malimit hindi magawang sabihin na hindi magagawang ulitin kung babaguhin ang panahon.
May mga bagay kasi gaano man kamali, hindi magawang pagsisihan sa kadahilanang nagbigay nang totohanang ligaya.
Mga iilang bagay na hindi mo naparating sa akin,naranasan  sa iba.
Mga mumunting saya, mumunti ma'y naghatid ng ngiti sa labi sa mga oras ng kalungkutan at pighati.
Ako, batid ko ang aking kahinaan.
Mapaghanap ng karamay sa mga iilang predikamentong sarili man, nawalan ng dahilang lumaban.
Matibay man ang kaloob-looban, sa tuwing nilalamon ng kahinaan, matitibag ang kalakasan ng paniniwala.
Hindi ko masasabing hindi ka na masasaktan, ang akin lamang,
Matatanggap pa kaya itong di hamak mapagkumbabang nilalang kung mangyayaring nilugmok na naman ng kahinaan.
Batid ko, mangyayari at mangyayari, ako'y malulukob ng kaduwagan at panghihina isa sa mga umagang darating.
Mahal, malugmok man, iyo sanang tanggapin, kung hindi na'y sarili man itatakwil rin,
Kung mangyayaring ikaw ay aayaw na sa akin.

Pagtanggap

🔥
Hera of the Universe

When She SpeaksWhere stories live. Discover now