Luna: Pagbabago 5

43 0 0
                                    

Minsan pa'y sinabi ko, sana mayroon kahit isa man lamang na hindi mambibigo sa isang pangako.
Ang dami nang nawalang pagpapahalaga sapagkat nangangako tuwing masaya at kalaunan ay nakakalimutan na.
Ako man, mayroong nangako sa akin.
Aabutin raw niya ang bituin ng kanyang mga pangarap at ilalahad sa akin.
Mata sa mata, puso sa puso, ako'y naniwala.
Subalit dumating sa hiwalayan ang aming pagsasama.
Ako'y umalis.
Siya'y aking iniwan ng walang kalaban-laban.
Hindi dahil wala na ang pagsinta.
Maraming mali.
Maraming dahilan.
Pagmamahal lamang ang nananatiling tama.
Pagkalipas ng maraming mga nangyari,
Kaming dalawa nagkatinginan sa mata.
Maraming dahilan kung umiiwas, hindi nga ba?
Pwedeng nanghinayang at may pagtangis pa ngunit tinapos na,
O di kaya'y nananatili pa.
Ngunit nang sabihin niyang,
Bakit ka bumitaw, hindi ba't ang pinangakoan ay ikaw?
Huminto ang pag-inog ng puso at kumalabog.
Totoo, may mga nangangako sa hangin.
May mga pangakong napapako.
Ngunit siya ay naging tapat sa sumpa niya.
Ang binitawang pangako pinanghawakan niya.
Ang pinangakoan naman ang lumimot at humayo.
Siya ang nangako,
Siya man din ang napako.
Bukod-tanging ang tumupad sa pangako.
Masakit isipin.
Ang pinangakoan
Ang bumitaw, umalis..
Ang lumayo..
Alam ko iyan
sapagkat ako,

Sa akin siya nangako.

Pangako

🔥
Hera of the Universe

When She SpeaksWhere stories live. Discover now